PAREHO KAMING NAKAHIGA ni Kuya sa buhangin habang nakatingin sa ganda ng kalangitan. Ang daming bituwin at ang liwanag ng buwan. Kahit paano, nakita namin dito sa Bohol ang kapayapaan sa aming puso. Iyong tipo na malaya kaming gawin kung ano ang gusto namin nang walang halong pangamba. Mas dumagdag sa saya ng puso namin ang tawanan ng iilang tao sa paligid at ang tunog ng alon. Napakasariwa rin ng hangin na ibang-iba sa lugar namin. Kung pwede lang na dito na kami tumira ni Kuya, gugustuhin ko. “Usog ka rito, Love,” sabi ni Kuya. Umusog ako nang may ngiti. Pinaninindigan niya talaga ang pagtawag sa akin ng love. Pero mas maganda kung tinawag niya iyon sa gitna ng aming pagtatalik. Sa totoo lang, ang hapdi ng p********e ko sa oras na ito. Napasobra lang naman si Kuya kanina. Hindi niya