“MAUNA NA AKO,” bulong ni Kuya sabay halik sa pisngi ko.
Habang papalabas si Kuya ng kwarto ko, napatingin lang ako sa kanya. Kung pwede lang na hilingin sa kanya na rito na siya sa kuwarto ko buong magdamag ay gagawin ko. Pero hindi siya pwede matulog dito at baka makita pa kami ni Papa.
Nang tuluyan ng makalabas si Kuya, ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng salawal ko. Hinawakan ko ang pagkaba**e ko at namamasa pa rin ito.
Inilabas ko na ang kamay ko at tiningnan ito. Napanganga naman ako nang makita na may dugo ito. Dahil gusto kong makita kung ano na ang itsura ng pagkaba**e ko, hinubad ko ang pang-ibaba ko.
Umupo na muna ako sa gilid ng kama at inabot ang phone ko. Bumakaka ako at tiningnan ang pagkabab**e sa phone ko gamit ang front camera. Napanganga ako sa nakita ko. Hindi ko inaasahan na matindi palang napinsala ito. Parang binugbog nang walang kalaban-laban.
Inilagay ko muna ang phone ko sa tabi ng lampara at pumunta muna sa banyo para hugasan ang pagkaba**e ko. Nandidiri lang ako sa labis na lagkit.
Nang natapos, lumabas na ako at bumalik na sa higaan ko. Pagkahiga ko muli sa kama, napangiti na ako nang maalala ang ginawa namin ni Kuya.
Ipinikit ko na ang mga mata ko pero si Kuya pa rin ang nakikita ko. Hindi mawawala sa isipan ko kung gaano siya kaguwapo habang bumabayo sa ibabaw ko. Masama bang hilingin na sana maulit muli ang nangyari sa amin? May kutob ako na hindi ako magsasawa sa kanya.
Tumunog ang phone ko kaya muli ko itong inabot sa tabi ng lampara. Pagtingin ko kung sino ang nagpadala ng mensabe, agad gumuhit sa labi ko ang isang malapad na ngiti.
[Kuya Ace: Salamat kanina. Ang sarap mo.]
Napabuntonghininga na lang ako habang pinipigilan ang labis na kilig na nararamdaman ko. Mukhang kailangan ko ng tanggapin na nababaliw na ako. Napakaimposible sa isang tao na magkagusto sa kapatid kaya maituturing ko ang sarili ko na biktima ng makasasalanang pag-ibig.
Pinatay ko ang phone ko at sinubukan na muling matulog. Ano kaya ang mangyayari sa amin ni Kuya? Malamang hindi na siya lasing niyon. Pag-uusapan kaya namin ang nangyayari o aarte lang kaming dalawa na parang wala lang?
Muli akong nagpakawala nang malalim na hininga. Mas mabuti talagang matulog na lang ako para hindi na sumakit ang ulo ko sa kaiisip. Kung ano ang man mangyayari simula bukas, lubos ko na lang na tatanggapin iyon.
•••
UMAGA NA AT nagising na lang ako na sobrang bigat ng katawan ko. Hindi ko maipagkakaila na masama ang pakiramdam ko. Namamanhid ang pagkaba**e ko. Natatakot tuloy akong umihi at baka mahahapdian ako. Malamang ito na iyong resulta nang pagkuha ni Kuya sa pagkabirhen ko.
Napabuntonghininga ako. Hindi ko na pala dapat pinoproblema ito. Dapat doon na lang dapat ako magpokus sa mas maliwanag na bahagi ng nangyari sa akin. At ito iyong kung may mangyari man sa amin muli ni Kuya, hindi na siya mahihirapan na ipasok iyong sa kanya sa akin. Mas madali, mas masarap.
Napabangon na ako sa hinihigaan ko. Gusto ko lang magbanyo para maghilamos at magsipilyo. Gusto ko na rin lumabas ng kwarto para makakain. Nagugutom lang ako. Hindi na kasi ako kumain kagabi dahil naparami ako ng kain noong tanghali. Hindi na ako dinatnan ng gutom muli.
Pagdating ko sa banyo, agad kong binaba ang shorts ko para umihi. Habang nakaupo sa inidoro, sinilip ko ang pagkaba**e ko at napatawa na lang ako sa istura nito. Labis ang pamamaga nito.
Nakaginhawa naman ako nang maayos nang hindi ako nasaktan nang umihi ako. Masyado lang akong nag-isip ng kung anu-ano kaya kinabahan ako kanina. Sa awa ng Diyos, parang wala lang nangyari.
Nang natapos ako sa banyo, lumabas na ako. Dumiretso ako sa tapat ng salamin at agad tiningnan ang sarili ko. Napaisip lang ako kung ganito klaseng mukha ba ang gusto ni Kuya. Ang tanong ko, gusto niya rin kaya ako o itong katawan ko lang ang habol niya?
Sinuklayan ko na ang buhok ko bago ko tinalian. Napalingon naman ako sa pinto nang may kumakatok. Hindi ko naman mapigilan na bumilis ang t***k ng puso ko sa labis na kaba. Natatakot lang ako na baka si Kuya iyon. Hindi ko alam kung paano siya harapin.
“P-Pasok,” sagot ko.
Nang bumukas ang pinto, iniluwa roon si Papa. Pinigilan ko na mapatingin sa katawan niya at mukha ko lang ang tiningnan niya. Tanging pang-ibaba lang ang suot niya kaya parang naninitsit ang magandang katawan niya. Nabigo ako sa kapatid ko kaya sisiguraduhin ko na hindi na madadagdagan ang kasalanan ko.
“Natapos mo na ba iyong pinagawa ko sa iyo noong isang araw?” tanong ni Papa sa akin.
Napatango ako. “Oo. Mukhang maaga ka yata, Pa?”
“Alas otso na,” aniya.
Napatingin ako sa orasan at alas otso y media na pala. Ako lang pala itong matagal na gumising. My bad.
Kinuha ko na sa drawer ang flashdrive ni Papa at inabot iyon sa kanya. Nang nasa kamay niya na iyon, napatitig siya sa akin. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko lang siya kayang titigan at baka madagdagan pa ang kasalanan ko. Malalagot na talaga ako nito sa Diyos.
“Anong nangyari sa iyo? May sakit ka ba?” Hinawakan ni Papa ang noo ko. Sinunod niya rin and leeg ko. “May lagnat ka.”
“Kaya nga po, Pa. Pero huwag kang mag-aalala sa akin. Kaya ko naman dito mag-isa,” sabi ko.
“Gusto mo bang pauwiin ko na lang ang Kuya mo rito?” sabi ni Papa.
Mabilis akong umiling. “Nope. Ayaw ko ng makaabala pa, Pa. Lagnat lang ito. Nandiyan naman sila Manang para magpasuyo sa mga kailangan ko.”
“Sige. Basta kung pakiramdam mo na hindi na talaga maganda ang pakiramdam mo. Tawagan mo ako o hindi kaya ang Kuya mo.”
“Okay, Pa. Salamat. Mag-iingat po kayo.”
Napatango si Papa at agad na niyakap ako. Napanganga na lang ako habang nakadikit ang pisngi ko sa dibdib niya. Hinalikan naman niya ako sa noo kaya labis ang pagbilis ng pintig ng puso ko.
“Mauna na ako,” paalam ni Papa.
Paglabas ni Papa, napahawak na lang ako sa pisngi ko na kanina lang dumikit sa dibdib niya. Napailing-iling na ako. Malala na talaga ang sakit ko. Posible kaya na dahil ito sa aksidente? Imposibleng humantong ako sa pagiging ganito. Hindi ako ganitong klaseng babae. Maayos ang pagpapalaki sa akin ng pamilya ko.
Napabuntonghininga na ako. Maaaring sa aksidente nga ang dahilan kung bakit kami nagkaganito ni Kuya. Kasi hindi lang ako ang napuruhan noong panahong iyon, siya rin. At pareho kaming nasiraan ng utak dahil pinatulan namin ang isa’t isa. Mas mabuti sigurong sabay na kaming magpa-CT scan.
•••
HAPON NA AT naglibot-libot lang ako sa villa. Ginawa ko iyon para magpapawis. Pakiramdam ko kasi ay lalo lang akong lalagnatin kung sa bahay lang ako palagi. Nawala na rin naman kunti ang sakit sa p********e ko kaya kaya ko ng maglakad-lakad.
Habang naglalakad, nakalagay lang ako ng earpads sa tenga ko. Wala rin naman akong masyadong kilala rito sa villa kaya sigurado ako na wala rin papansin o tatawag man lang sa akin.
Pero nang papababa na ako ng kalsada, may parte kasi ng villa na nasa burol, may nakita akong isang bata na naglalakad. Papaakyat siya at ang ganda ng ngiti niya. Ngayon ko lang siya nakita at aminado ako na hindi siya pamilyar sa akin.
Nang nakatitig siya sa akin, kumaway siya na parang kilala niya ako. Pinindot ko ang phone ko para patigilin ang tugtog at baka may sasabihin siya sa akin. Kaya noong wala ng tugtog ang phone, kumaway na rin ako sa kanya.
“Hi, Ate! Ang ganda ninyo po,” sabi sa akin ng batang babae. Pakiramdam ko ay nasa walo o siyam na taon na siya.
“Hello. Taga saan ka, bata?” tanong ko.
Tinuro niya ang malaking bahay sa baba. “Diyan po.”
Pagdating niya sa tapat ko, hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming bumaba. Parang sinundo lang niya ako para bumalik lang siya pababa.
“Ngayon lang kita nakita rito. Ano pangalan mo?” tanong ko. Tinanggal ko na ang earpads ko at inilagay sa bulsa.
“Angel po. Alam ninyo po ba na mamatay na ako? Kaya po ako nandito para sulitin po ang nalalabing oras ko po. Ate, ano kaya ang itsura ng langit, ’no?”
Napatigil ako sa paglalakad. Parang binuhusan ako ng kumukulong mantika sa katawan. Paano niya nagawang ngumiti nang napakaganda gayong may taning na pala ang buhay niya? Dahil sa batang ito, muli kong naalala si Mama. Naalala ko kung paano gumuho ang mundo ko nang pumanaw siya.
Pinisil ni Angel ang kamay ko. “Huwag kang maawa sa akin, Ate. Kasi handa naman po ako. Ayaw ko na po kasi mag-suffer sa cancer ko at ayaw ko na rin po makita na umiiyak ang family ko.”
Pumantay ako kay Angel habang hindi mapigilan na yakapin siya. Naaawa lang ako para sa kanya. Ang bata pa niya para mawala sa mundong ito. Alam ko na kung mabigyan siya ng pagkakataon, gugustuhin pa niya na mabuhay para makasama ang pamilya niya.
“Ate, okay lang po ako. Kunti na nga lang ang buhay ko, iiyak ba ako? Kailangan positive lang po dapat,” aniya.
Bumuwag ako sa pagyakap at tinitigan siya. “Naalala ko lang ang Mama ko sa iyo. Nawala na rin siya dahil sa complications. Alam mo kung ano ang masakit? Nawala siya nang hindi kami handa. Sa mismong araw niya.”
“Speaking of birthday, Ate. Hindi ko alam kung aabot pa ako roon. Pero sana pagbigyan ako ng Diyos. Iyon lang po ang death wish ko. Ate, friends na po tayo. Sana makapunta ka sa birthday ko.”
“Alam mo, may phobia ako sa birthday. Simula nang pumanaw si Mama sa mismong birthday niya. Takot na akong magdiwang. Naaalala ko lang ang masakit na nakaraan,” pagkuwento ko.
Ngumuso siya. “Pero magbabakasali pa rin ako, Ate, na pupunta ka. Papayag ka ba maging friends tayo, Ate?”
Napatango ako. “Bakit hindi? Gusto mo ay araw-araw kitang bisitahin sa inyo? Dalawang buwan akong tambay sa bahay. Kaka-graduate ko lang kahapon kaya binigyan nila ako ng ilang buwan para magpahinga.”
Napangiti nang malapad si Angel. “Wow! May kaibigan na ako. Salamat, Ate. Alam mo ba na wala akong kaibigan dito? Natatakot po sila sa akin dahil may sakit ako. Hindi naman sana nakakahawa ang sakit ko. Tapos natatakot din sila sa akin dahil kalbo ako. Wig lang po itong buhok ko, Ate.”
“Huwag kang mag-aalala. Nandito na naman ako. Pero malay natin, may himala. God will heal you,” sabi ko.
“Kung meron man po, salamat. Pero kung wala, tanggap ko naman po. Ang mahalaga po sa akin ay may Kuya, Ate, at bunso pa ako. Kapag mawala man ako, may tatlong kapatid pa ako na magpapasaya sa parents ko.”
“Ilang taon ka na ba?” tanong ko.
“Eight years old na po. Tapos na po akong mag-grade two. May pasukan na next month pero hindi na po ako papasok kasi baka mas lalala pa po ang sakit ko. Kaya dito na lang po ako. Kaya nga po ako naglakad-lakad para makakita po ng true friend. Then I found you, Ate. Feeling ko ay mabait ka po kaya lumapit ako sa iyo.”
Napangiti ako. “Salamat, Angel.”
Pinunasan niya ang luha sa mga mata ko. “Huwag ka ng umiyak, Ate? All is well. Tara na po at ipapakilala kita sa parents ko.”
Napatango ako. “Sige, Angel.”
Pagdating namin sa tapat ng mansion nila Angel, nakabukas na ang gate. Napatingin sa akin ang isang babae at alam ko na ina siya ni Angel. Magkamukhang-magkamukha sila. Nagdidilig ito ng mga halaman niya.
Napangiti sa akin ang ina ni Angel kaya agad akong gumanti. Napatitig siya kay Angel at nakikita ko ang sakit sa mga mata niya. Sigurado ako na nadudurog na ang puso niya. . . nila.
“Mommy, si Ate...” Napalingon siya sa akin. “Ano nga po pala pangalan mo, Ate? Hindi ko pala natanong kanina.”
Napangiti ako. “Maria Thess. Pero mas prefer ko na tawagin mo akong Ate Thess.”
“Okay po, Ate. Si Ate Thess po siya, Mommy. Hindi po siya takot maging friends ako.”
Hinila niya ako at pinapasok sa bahay nila. Sumama naman ako kahit nahihiya ako. Hindi ako sanay na pumasok sa ibang bahay kaya naninibago ako.
“Mommy, friend ko po. Si Ate Thess po,” sabi ni Angel.
“Hi, Tita. Ako po si Thess,” pagpapakilala ko.
“Hi, Hijah. Mabuti nakuha ng anak ko ang loob mo. Ganyan kasi iyan. Naghahanap ng kaibigan,” sabi ni Tita.
“Natuwa nga po ako dahil biglang lumapit sa akin. Ang gaan ng loob ko sa kanya.”
“Pagpasensiyahan mo na iyan. Makulit din kasi ang batang iyan. Pero napakabait niyan.”
“Halata naman po.”
Napalingon ako kay Angel nang bigla niyang tinanggal ang wig niya. Para namang kinurot ang puso ko sa nakita ko. Kung ako magkakasakit nang ganito, ewan ko na lang kung ano ang mangayayari sa akin.
“Ate, the real me,” natatawang sabi ni Angel.
“With or without wig. You are precious, Gel,” sabi ko.
“Tagasaan ka pala, Hijah?” tanong ni Tita.
“Sa unahan lang po. Mga siyam o sampo na bahay mula rito.”
“Mukhang ngayon lang kita nakita.”
“Madalang lang po talaga ako lumalabas. Pero matagal na po kami rito,” sabi ko.
“Mga tatlong taon naman kami rito.”
“Kaya pala.”
“Nag-aaral ka pa ba? Baka nakakaabala ang anak ko sa iyo,” nag-aalalang sabi ni Tita.
Napangiti ako. “Graduate na po ako. Kahapon lang talaga.”
“Congrats, Hijah. Anong natapos mo?”
“Architectural engineering po, Tita.”
“Wow! Pareho kayo ng panganay ko. Ganyan din ang natapos niya,” sabi ni Tita.
Napangiti ako. “Saan na siya, Tita?”
“Nasa site. May project kasi siya sa kumpanya namin. Maya-maya ay uuwi na rin iyon. Hindi niya kayang magtagal doon dahil sa kapatid niyang si Angel. Mahal na mahal niya ang mga kapatid niya lalo na ang makulit na iyan.” Tiningnan ni Tita si Angel na nasa tabi ko.
“Mommy, hindi naman po ako makulit. Tama lang po,” sagot ko.
Napatawa ako. “Okay lang naman maging makulit, Gel. Basta masaya.”
“Tama ang Ate Thess mo. Sige na, papasukin mo muna ang Ate mo roon. Sabihin mo kay Yaya mo na maghanda ng makakain ninyo,” sabi ni Tita.
“Okay lang ba, Tita? Ang dungis ko pa naman ngayon,” nahihiya na sagot ko.
“Madungis ka na sa lagay na iyan? Napakaganda mo, Hijah. Bagay nga kayo ng anak ko.”
“Mom, baka mahihiya si Ate kay Kuya,” suway ni Angel.
Napangiti na lang ako. Natutuwa lang ako na mismo ang ina ang nagtutulak sa anak niya para sa isang tao. Ang ibig sabihin lang niyon, gusto niya ako para sa anak niya. Ano kaya ang itsura ng anak niya?
Tumunog ang cell phone ko kaya agad kong kinuha sa bulsa. Napangiti ako nang makitang si Papa iyon. Hindi ako nagdalawang-isip na sagutin iyon at baka may mahalaga siyang sasabihin.
“Pa,” sagot ko.
“Nasaan ka?” bungad niya.
“Nandito po sa ibang bahay malapit sa atin.”
“Umuwi ka muna. Nandito ang kaibigan kong doctor. Titingnan ka,” sabi ni Papa.
Napalingon ako kay Angel. “Gel, pwedeng bumalik na lang ako bukas? Hinahanap lang ako ni Papa. Pangako, babalik ako bukas.”
“Okay po, Ate. Tara po. Ihahatid na kita sa labas,” sabi ni Angel.
“Sige.”
Nagpaalam na ako kay Tita at seryoso nga si Angel na ihatid ako sa labas ng gate nila. Nagpaalam na ako sa bagong kaibigan ko at ang sarap sa pakiramdam na makita ang saya sa mukha niya na maging kaibigan ako.
Nang nasa tapat na ako ng bahay namin, siya namang pagdating ng sasakyan ni Kuya. Umaasa ako na pagbuksan niya ako ng bintana at pasasakayin papasok sa loob. Pero nang binuksan na ng guard ang gate, pumasok lang siya na parang hindi ako nag-exist sa mundo. Imposible na hindi niya ako nakita.
Nang tuluyan na siyang makapasok sa loob, pumasok na rin ako. Hindi pa ako nakarating sa bahay, nakita ko na na lumabas siya sa ng sasakyan niya. Napalingon siya sa akin at agad niyang iniwas ang tingin niya.
“K-Kuya,” sambit ko.
Hindi niya ako pinansin at dumiretso lang siya papasok ng bahay. Inaasahan ko na na mangyayari ito. Hindi ko lang alam na masakit pala. Sanay ako na malambing si Kuya sa akin kaya kung magpapatuloy itong hindi niya pagpansin sa akin, mababaliw ako. Masisiraan ako ng bait.
~~~