CHAPTER 19 TSISMOSA

1174 Words

"T-thank you po ulit, Sir." Sa wakas ay nakarating na rin kami sa tapat ng apartment ni Empress. "Baba na," walang emosyon niyang saad habang diretso lang ang kanyang paningin sa harapan ng sasakyan. Nakaramdam ako ng munting kirot sa aking dibdib pero kaagad ko rin itong pinalis. Hindi niya naman kasi alam na ako 'yung babaeng ilang beses niyang inangkin sa Isla at wala pa akong planong magpakilala. "S-sige po. T-thank you po ulit." Bumaba na ako ng kanyang sasakyan at haharap pa lang sana ako sa kaniya nang bigla na itong humarurot paalis. Hindi pa nga naisasara ng maayos ang pinto. Haayst. Napahinga na lang ako ng malalim at muli ng bumaling sa pinto ng apartment. Natanaw ko sa bintana na bukas pa ang ilaw sa loob. Baka gising pa si Empress. Pero alas dos na ng madaling araw ah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD