Hescikaye's POV
"Hey!"
"God! Aegia! Napagkamalan na naman kitang lalaki. Tell me. Are you really a woman or just pretending to be a woman?" Ginulat na naman niya ako nang yakapin niya ako ng mahigpit mula sa aking likuran.
Si Aegia Haven ay childhood bestfriend ko. Mukha siyang lalaki dahil sa gupit niyang panglalaki. Naka-long sleeve polo na nakatupi ang manggas hanggang siko. Nakamaluwag na cotton pants at aakalain mo talagang lalaki. Kamukha na nga niya si Justine Bieber eh.
"Gaga, alien ako," sagot niya sa pilit pinalalaking boses. Bumitaw na rin siya sa akin at naupo sa aking tabi. "Anong balita?"
"Sa radyo at t.v?" sarkastiko kong sagot.
"Sira," natatawa niyang sagot.
"Ganun pa rin, kumakapa sa dilim," seryoso kong sagot habang nakatanaw sa malawak na karagatan.
"Minsan ba naisip mong umalis na lang dito?" natatawa niyang tanong. Ako naman ay pinigilan din ang matawa. Lines ng isang kanta ni Bamboo pero totoong nararanasan ko sa ngayon.
"Oo, gustong-gusto ko ng umalis dito. Gusto kong magpakalayo-layo sa kanila." Napahinga na lang ako ng malalim.
"Luh, asa. Alam mong wala kang takas sa Hari mong ama. Kahit pa yata sa pinakasulok ng mundo ay masusundan ka pa rin niya."
"Kahit talunin ko na lang ito? Susundan pa rin ba niya ako?" Itinuro ko ang ibaba. Nakaupo kasi kami ngayon dito sa mataas na bangin at ang ibaba ay dagat.
"Gaga, magaling kang lumangoy. Ba't hindi na lang dito sa bato. Ibabagok ko 'yang ulo mo para matuluyan ka na. Hindi ka na masusundan ng 'yung ama."
"Ang tragic mo naman. Wala bang hindi masakit?"
"Eh ano bang gusto mo? Sa sarap ka mamatay?"
"Puwede rin."
"Ako na lang gagawa sa-"
"Iw!" Siniko ko siya ng malakas.
"Fvck!" Dahil doon ay nagkakawag siya at muntik na siyang malaglag sa ibaba.
"Siraulo 'to! Kung malaglag ako dito?!" sigaw niya sa matinis na boses. Nawala tuloy ang poise niyang panglalaki. Napahagikhik naman ako.
"Okay nga iyon eh para lumabas na ang tunay mong pagkatao. Lalaki ka talaga, no? May payakap-yakap ka pa sa akin. Kunyari ka pa, nangmamanyak ka lang naman sa akin."
"Sira-ulo. Ano namang mamanyakin sa iyo? Eh ni wala ka ngang boobs! Malaki pa nga 'yung sa akin eh."
"Abah, personalan na 'yun ah. Ano? Palakihan? Palakihan?"
"Huwag ka ng lumaban. Wala kang maipagmamalaki dahil maliit talaga 'yan."
"'Yabang neto. Eh di ikaw na ang may boobs."
"Tss. If you really wanna be free from your father, just imitate me," seryoso na muli niyang saad.
"How? Magpapanggap din akong lalaki? No way, highway."
"Eh di mag-betty la fea ka. Mas gusto mo pa 'yung pangit kaysa sa guwapo?"
Natahimik ako at napapaisip kung ano ba talaga ang dapat kong gawin? Gusto ko ng makalaya mula sa pagmamani-obra ng buhay ko ng aking ama. Siya na lang palagi ang nasusunod. Siya ang nagko-control ng buhay naming magkapatid. Hindi naman kami robot! May puso din naman kami at may sariling desisyon. Hindi na ako bata. Helow! I'm already 21 years old at wala pa ring kalayaan para sa sarili!
"Eh bakit si Hannafaye? Mukhang okay lang naman sa kaniya ang mga ipinapagawa sa kaniya ng inyong ama ah. Ikaw lang naman ang mareklamo," nakaismid niyang sabi.
"We're different at saka favorite nila 'yun dahil bunso." Dalawa lang kaming magkapatid at parehas babae. Ako si Hescikaye Villaroel, ang panganay at si Hannafaye ang bunso, 20 years old.
"Wait. Balita ko dumating daw ngayon ang ka-business partner ng daddy mo ah at kasama daw ang anak na ipapakasal kay Hannafaye? Have you met them?"
"I'm not interested at saka okay lang naman daw kay Hannafaye. Nakita na raw niya 'yung guy sa f*******:. Pogi daw."
"Tsk. Basta pogi, okay na? Ibang klase. Eh paano kung masama ang ugali niyon?"
"She can take care of herself. And then daddy will take care of it just in case there's a problem. Let's go. May dance show ako ngayon." Nauna na akong tumayo at sumunod na rin naman siya.
"Tsk. Magkakalat ka na naman ng lagim," sagot niya sa akin. Dahil fiesta ngayon ay may mga shows kami sa gabi para sa mga bisita at turista.
"Eh di sumali ka," sagot ko habang naglalakad na kami paibaba sa hagdan.
"Hindi na oi. Pagsusuutin mo 'ko don ng bra't panty? Duh."
"Bakit? Wala ka bang suot ngayon na bra? Naka-brief ka lang ba dyan? Pasilip!" Agad kong hiniklas ang garter ng suot niyang cottons pants para silipin ang loob.
"Oi! Gaga ka talaga." Agad niya naman itong hinawakan at pilit na umiwas sa akin. Muntik pa siyang malaglag sa hagdan.
"Titingnan ko lang kung malaki nga 'yang ipinagmamalaki mo!" natatawa kong sigaw sa kaniya.
"Are you fvcking crazy? Mamaya niyan may makarinig sa iyo dyan. Baka sabihin, minumolestya mo 'ko." Luminga-linga pa siya sa paligid.
"Kadiri 'yang mga pinagsasasabi mo, Aegia. Mangilabot ka nga."
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tunay niyang rason sa biglaan niyang pagpapanggap na lalaki. Ayaw niyang sabihin sa akin pero ang alam ko ay kasali siya sa isang private organizations. Hindi niya naman masabi kung anong klaseng organisasyon iyon. Basta sikreto daw at walang pwedeng makaalam. Siguro ay nagtutulak na ng shabu ang babaeng ito. 'Di man lang i-share sa akin ang kinikita niya doon.
***
Mclaren's POV
"Titingnan ko lang kung malaki nga 'yang ipinagmamalaki mo!" My jaw almost dropped when I saw what she had done to that f*****g man.
"Tsk. Ang akala ko pa naman ay isa siyang mahinhin na babae? Kailangan ba talaga lantaran?" I whispered to myself as I watched their harutan and landian from here in the distance. Medyo nababanaag ko na ng kaunti ang mukha ng babae. And I think she's beautiful and sexy based on her slim body. Tsk. Sayang nga lang, naunahan na ako ng iba.
Napakislot ako nang biglang mag-ring ang aking phone na nasa bulsa ng suot kong pants. I immediately picked it up and saw Charlie's name pop up on the screen and calling.
"Hey."
"Whoaa, dude! Where the hell are you?! So many sexy and beautiful women here in the plaza. Mainggit ka, bilisan mo dyan! Uunahan ka na ni Rhysdave!" Nailayo ko mula sa aking tainga ang hawak kong phone nang marinig ko ang masakit na tinig ni Charlie. Sira-ulo talaga.
"Idiot. Kailangan bang sumigaw? Saan ba 'yan?"
"Sige, amin na lang! Bye!"
"Hey!" Tsk! Sira-ulo talaga. p*****n ba naman ako ng phone?!
Minabuti ko ng lumabas at siguro ay magtatanong-tanong na lang ako kung saan ba ang plazang tinutukoy niya.
***
Far from where I was I could hear noises, strong sound system and I can see disco light in the distance. Marami na rin ang nagtitipon-tipon na mga tao sa 'di kalayuan kaya doon na lang ako dumiretso ng paglalakad.
"Buddy!" I looked around when I heard the familiar voice. And I saw them standing in the middle of a crowded place. Kaagad akong lumapit sa kanila.
"Anong meron dito?" I asked them. There's a wide stage in front of us. Maraming banderitas at mga naggagandahang palamuti.
"May palabas daw at may mga nagseseksihang mga babae ang sasayaw," nakangising sagot ni Rhysdave. Babae na naman ang kalokohan nila.
Ilang sandali lang ang lumipas, the light went out and a captivating dance began. Naghiyawan ang mga tao lalo na nang tumutok na sa gitna ang lights at nangungunang lumabas doon ang isang naka-bra at panty with lace hanggang paa na babae. Sumunod ang iba pang nagseseksihan din na mga babae na may kaparehong kasuotan.
"Wooow..." mahina akong napa-wow sa aking sarili before the leading lady in the group wearing a face mask caught my attention.
"Whoooaaa! Nice, babe!!" sigaw ng aking mga barkada lalo na noong magsimula na silang gumiling sa gitna.
Natutok lang ang aking paningin sa isang babae na ngayon ay dahan-dahan ng lumalapit sa aming kinaroroonan habang gumigiling ang balakang at napansin ko rin ang kanyang mga matang nakatitig din sa akin.
Wala sa sariling napababa ang aking paningin sa kanyang dibdib at doon ko naaninaw ang isang mole na palatandaan ko sa babaeng sa tingin ko ay nagligtas sa akin.
Napanganga ako at dahan-dahang bumuka ang aking mga labi.
Damn! She was the woman who saved me. I know, she is!