CHAPTER 1 Palawan Resort

1247 Words
Mabilis kong pinatatakbo ang Jet Ski na aking sinasakyan sa banayad na alon ng dagat. Inilibot ko ito sa palibot ng buong isla dito sa gitna ng karagatan. Masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin at banayad na init ng araw na tumatama sa aking balat ngayong umaga kaya naman ganitong oras ang masarap mag-ikot sa buong isla. Nakasuot lang ako ng two piece white swimsuit para mas masarap sa pakiramdam at magaang kumilos. May natanaw akong ilang speed boat na paparating na alam kong nagmula pa sa gitna ng dagat upang mangisda. Dadaong sila doon pa sa pampang kung saan nakaabang na ang mga mamimili ng boltuhan para ibenta sa palengke. Ako naman ay pinili na munang tumambay dito sa isla sa gitna ng dagat. Mamaya na lang ako uuwi. Dito ang paborito kong tambayan lalo na sa tuwing gusto kong mapag-isa. Nakatanaw lang sa lawak ng karagatan. After all, sanay naman na akong mag-isa. May bago pa ba? Habang nagmumuni-muni ako dito sa aking kinauupuang bato, may natanaw ako sa di kalayuan na parang isang yacht na paparating. Wait. Napatitig ako dito ng mabuti. Parang hindi tama ang kaniyang direction ah. Napatayo ako at sinukat kong mabuti ang direction na kaniyang tinatahak. Huh? No way. Babangga siya! Babangga siya dito sa mataas na bato na aking kinaroroonan na animo'y bangin kung nasa itaas ka nitong isla! May natanaw akong lalaking para may inaayos na tali sa gilid ng yacht. Pinagmasdan ko ang takbo niya at masyado itong mabilis. Maaari siyang sumalpok dito sa aking kinaroroonan. "Hey! Stop your yacht!" malakas kong sigaw habang iwinawagayway ko ang aking mga kamay. Pero hindi yata niya ako naririnig! Ni hindi niya ako nilingon! Patuloy lang siya sa kanyang ginagawa. "Hey! Do you hear me?! Stop your yacht! f**k!" pagmumura ko na dahil hindi man lang talaga niya ako nililingon at malapit na siyang bumangga! "You f*****g idiot! You might f*****g hit the rock! Stop your f*****g yacht!" Halos lumabas na ang aking litid ngunit hindi niya pa rin ako pinapansin. Kaya wala na akong iba pang pagpipilian kundi ang sumakay sa aking Jet Ski at salubungin siya ngunit alam kong hindi na rin ako aabot dahil naririto na siya. Nasa limang dipa na lang at sasalpok na siya. Tila bumagal ang paligid nang dahan-dahan na siyang lumingon sa akin. Nakasuot pa siya ng super tinted sunglasses. Naka-white sando at beach short. Napansin ko rin ang earphone niyang nakakabit sa kanyang magkabilang tainga. Kaya naman pala! Itinuro ko sa kanya ang sasalpukan niyang dambuhalang bato ngunit pakiramdam ko ay napakabagal pa rin ng lahat ng pangyayari. Dahan-dahan rin siyang lumingon doon ngunit huli na ang lahat. Sumalpok na ang unahan ng yacth sa dambuhalang bato. Umalon ng malakas ang tubig. Yumanig ang buong isla at nabasag ang parehong bahagi ng yacht at ng sinalpukang bato. May tumamang kung anumang bagay sa ulo ng lalaki na naging dahilan ng pagbagsak niya sa tubig. Naghintay ako ng ilang sandali ng kaniyang paglutang ngunit dumaan na ang halos ilang minutong tahimik ang tubig. What the?! Agad akong tumalon sa tubig nang ma-realize kong nawalan yata siya ng malay! Pagdating ko sa ilalim ay papalubog na siya at hindi na gumagalaw. Mabuti na lang at umaga ngayon kaya naman kitang- kita ko siya sa ilalim. Agad kong niyakap ang kaniyang katawan at hinila paitaas. May kabigatan siya kaya naman matagal-tagal ang lumipas na sandali bago kami tuluyang nakaahon. Habol ko ang aking paghinga nang oras na lumutang kami sa tubig. "Hey." Ginalaw-galaw ko ang kaniyang mukha ngunit wala siyang malay. May sugat siya sa noo at umaagos ang masagana nitong dugo! Lumangoy na ako patungo sa pangpang. Hirap na hirap ko siyang inihiga sa buhangin. Itinapat ko ang aking tainga sa kaniyang bibig upang pakiramdaman kung humihinga pa siya ngunit wala akong maramdamang hangin. Agad ko siyang pinulsuhan at naramdaman ko naman ang mahinang pagtibok nito. Idinapa ko muna siya at inilagay ang aking dalawang kamay sa tiyan nito at iniangat-angat upang mailabas niya ang kaniyang mga nainom na tubig pagkatapos ay inihiga at binigyan siya ng CPR. Ilang beses ko itong inulit-ulit. May naririnig akong tunog ng speedboat sa di kalayuan. Kaagad ko itong nilingon at kinawayan habang patuloy ako sa aking ginagawa. Nakita ko naman mula sa peripheral vision ko ang paglapit nila. Ilang sandali lang ay umubo ang lalaki. Maraming tubig ang lumabas mula sa kanyang bibig. "Anong pong nangyari sa kaniya?" tanong ng isang binatilyo sakay kanina ng speedboat. "Nalunod. Pakidala na lang siya sa pinakamalapit na clinic," utos ko sa kanila. Hindi naman ako gaanong kilala sa lugar na ito dahil bibihira akong umuwi dito. At kung umuwi man ako ay mas pinipili kong maglagi lang dito sa isla ng mag-isa. Napansin kong nagpupumilit siyang imulat ang kaniyang mga mata ngunit sa huli ay nawalan pa rin siya ng malay. Agad nilang pinagtulungang buhatin ang lalaki at isinakay sa speedboat nilang sasakyan. Ako naman ay umakyat sa yacht at pumasok sa loob. Maganda sa loob. Medyo makalat nga lang. Nagsabog ang mga damit. Ang kumot at unan ay nasa ibaba na ng kama. Ang mga pinagkainan ay nagkalat sa sahig. Tsk. Napakaburara naman pala niya. Guwapo sana. Lalaki talaga. Agad akong nangalkal sa lahat ng drawer hanggang sa may makita akong wallet. Hinugot ko ang lahat ng mga cards na makita ko na maaari kong matawagan mula sa loob. Iisa ang lahat ng mga pangalang narito sa mga cards na aking nakita. Mclaren Lewis Garland May nakita rin akong cellular phone sa side table ng kama kaya ito na ang ginamit kong pangontak sa phone number na naririto sa card. Babae ang nakausap ko. I think sa office ito kasi nagpakilala siyang secretary. Sinabi ko na lang na naaksidente ang boss nila kaya pakisabi na lang sa parents ng guy na pakipuntahan sa clinic dito sa palawan. *** Bumalik na ako sa resort. Dito rin nakatayo ang halos mansion na naming bahay katabi ng mga malalaking resort na pagmamay-ari din ng parents ko. Busy sa paghahanda ang mga tao ngayon sa buong resort dahil bukas ay fiesta dito sa lugar namin at mamayang gabi pa lang ay magkakaroon na ng mga shows at pakain sa mga bisitang darating. Maraming mga businessman ang darating ngayon na kaibigan ni Daddy at mapupuno na naman ng kasayahan ang buong resort dito sa Palawan. Pumasok na ako sa aking silid na matatagpuan sa ikalawang palapag ng mansion. Nag-shower ako for almost one hour. Nag-ayos na ako ng aking sarili. Isinuot ko na ang aking kitchen suits. Itinaas ang aking buhok at nagsuot ng hairnet bago tumungo sa kitchen ng resort. Ako kasi ang palaging nakatoka sa pagluluto ng mga special na pagkain na kakainin ng mga mayayamang bisita nila Daddy. "Bakit kasi nag-yacht pa siya? Tapos eh iniwan din naman niya tayo. Damn that Garland!" "For sure, iniwasan na naman niyon ang Daddy niya." "Ang sabihin mo, excited makita ang mapapangasawa niya!" Hinanap ng aking paningin ang mga maiingay na kalalakihan at nakita ko sila sa isang table sa malawak na venue. Mukhang mayayaman at sino naman kaya ang tinutukoy nilang naka-yacht? Hindi kaya iyong lalaking bumangga sa Isla? So, ang ibig sabihin ay isa rin siya sa mga bisita dito sa resort. Napangisi na lang ako at nagpatuloy na sa aking paglalakad. Mukhang magiging exciting ang mga parating kong araw sa resort na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD