"S-shir....Sir, s-sor-ry po. Ahm..." Nataranta ako at hindi ko alam ang aking gagawin. Naghagilap ako ng maaari kong ipunas sa nabasa niyang damit ngunit wala akong makita kaya naisipan kong ang laylayan ng suot kong apron na lang ang aking gagamitin. Hinawakan ko na ito at tangka ko ng ipupunas sa kanyang dibdib nang bigla niyang hinawakan ang nangangatal kong kamay. Tumatambol ng sobrang lakas ang aking dibdib at pakiramdam ko ay naririnig na niya ito, maging ang mismong labi ko ay ramdam ko rin ang pangangatal. "S-sir...." Napatitig ako sa kamay niyang nakahawak sa aking kamay. Hindi naman ito mahigpit 'di gaya ng aking inaasahan. Dahan-dahan akong tumingala sa kaniya hanggang sa tuluyang magtama ang aming paningin. Kusa na lang kumalma ang puso ko, maging ang pangangatal ng