Napatayo ako at kaagad silang sinalubong sa sala. Napalingon naman sa akin si Shield at bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat. "Y-y-you? You're here. Magkakilala kayo?" gulat na tanong niya sa aming dalawa ni Empress. "Ahm, yeah. She's my friend Aye," dire-diretsong sagot ni Empress kay Shield. "Oh..whatta' coincidence?" nakangisi na niyang saad habang nakatitig sa akin pero napansin kong lumampas ang kanyang paningin sa aking likuran. Sh*t. Tinamaan ako ng matinding kaba! Huwag naman sanang lumabas kaagad ng banyo si Mclaren! Malalagot na ako nito! Siguradong maghihinala si Shield kahit pa mukhang hindi pa ako kilala ni Mclaren! "You eating...with someone?" Napalingon din kaagad si Empress sa table at bahagyang natigilan. Tumingin siya sa akin ng taimtim pero hindi ko mabasa an