Chapter 1 - Going to Manila

854 Words
Andrea's Point of View "Sigurado ka ba sa gagawin mo Andrea?" naitanong ng matalik kong kaibigan na si Donna. Nandito kami ngayon sa may pantalan na kahit kailan ay walang dumadaong na mga barko. Tinatawag namin itong Pahayahay sa Pantalan o Promenade by the Bay. Ang sosyal diba? Madalas pasyalan ito ng mga tao dito sa amin lalo na at maraming nagtitindang kwek-kwek, fishballs, proben, nuggets, zagu, barbeque at iba't-iba pang mga streetfoods na pwede mong pagpilian. Dito ang go-to place ng mga taong walang ibang magawa sa buhay. "Kailan ba ako nagbiro Donna? Tiyaka gusto ko talagang pumunta sa Manila noon pa man para makipagsapalaran at umasenso kung sakaling papalarin." sagot ko sa kanya habang pinapapak ko ang fishball na nilibre niya. "Ewan ko sayo, Andeng. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sayo o hindi eh. Topakin ka kasi. Malay ko ba kung pinagtitripan mo lang ako." mababakas na ang pagkainis sa boses ni Donna na hindi ko alintana. "Totoo nga kasi Donna! Bakit ba ayaw mong maniwala?" tiningnan ko siya habang sinusubo ang fishball na malapit ng maubos. "Ang baboy mo. So, iiwan mo na talaga ako?" nagtatampo na ang boses ni Donna niyan. "Parang ganoon na nga Donna. Babalik naman ako kung hindi maayos ang buhay ko doon eh. Tiyaka Manila iyon Donna. The land of opportunity ika nga nila." Napasimangot nalang si Donna sa sinabi ko. Totoo naman kasi ang sinabi ko. Maraming trabaho ang pwede kong pasukan doon sa Manila. Hindi katulad dito sa amin sa probinsya walang maayos na trabaho. Hanggang sales lady kalang ng mga intsek na negosyante na sobrang liit pa kung magpasweldo. "Sige. Kagustuhan mo iyan eh. Ayaw naman kitang diktahan." Sabi na lamang ni Donna na talagang nagtatampo na. Alam kong malulungkot ang kaibigan kong si Donna sa desisyon na gagawin ko. Pero ilang buwan na akong tambay at pasanin kela mama at papa ko. Sobrang dami nilang bayarin at isipan tapos dumadagdag pa ako. Oo nga at nakapagtapos na ako pero hindi naman ako makahanap ng maayos at matinong trabaho. Naaawa na ako kela mama at papa kaya oras na para gumalaw ako at suklian naman silang dalawa. Kaya kahit na alam kong masasaktan ko ang matalik kong kaibigan sa gagawin ko ay gagawin ko pa rin. Luluwas ako ng Manila para doon makipagsapalaran. Salamat na rin sa auntie ko na kapatid ni mama na siyang kukuha at magdadala sa akin sa Manila. Sa katunayan niyan ay kinakabahan ako ngunit naroon rin and pagkasabik at pagkagalak. Hindi na ako makapaghintay pa. -- Kinabukasan, may narinig akong ugong ng sasakyan sa tapat ng bahay namin kaya mabilis akong bumangon sa aking kama at nagsuklay ng buhok pagkatapos ay sumilip sa labas ng bahay. Tiyak kong sila Auntie na iyon kasama ang foreigner niyang asawa. Pagkasilip ko ay hindi nga ako nagkamali at si Auntie nga at ang asawa niya ang dumating. Bigla akong naexcite at nataranta. Dali-dali akong lumabas at parang bata na tumalon sa harapan nila at nagmano. "Mano po auntie. Mano po uncle." ako na mismo ang kumuha ng mga kamay nila at nagmano. Mahirap na noh baka mapahiya pa ako eh. "Ang laki mo na Andrea, dalagang-dalaga kana ngayon. Dati ang liit-liit mo pa." kumento ni auntie habang tuwang-tuwa na pinipisil ang kamay ko. "Ikaw din po auntie. Sobrang yaman at sobrang ganda mo po. Tapos ang kinis-kinis pa ng balat mo auntie tapos ang dami mo pang suot na alahas." mabilis kong tugon kay auntie. Tinitiyak kong kumikislap ang mga mata ko ngayon habang nakatingin kay auntie at manghang-mangha sa itsura niya. Narinig ko ang mahinhin na tawa ni auntie at natutuwang kinurot ako sa pisngi na parang isang bata. Doon lang ako biglang tinablan ng hiya at mabilis na napabitaw kay auntie tiyaka lumapit kela mama. Patago kong pinukpok ang ulo ko dahil sa hiya at nagtago sa likod ni mama at papa. Sheyt. Nakakahiya ako. "I hope nahanda mo na lahat ng mga gamit mo, Andrea. Maya-maya ay aalis na din tayo bago pa man tayo mahuli sa flight natin." ani auntie na mukhang natatawa pa rin. Napangiwi nalang ako at mabuti nalang at sila mama ang sumagot kay auntie. Nagpahinga sandali sila auntie sa sala namin habang nagpaalam naman ako na pupuntahan lang sandali si Donna para magpaalam. Patakbo kong pinuntahan ang bahay nila Donna ngunit walang ibang tao doon kundi ang bunsong kapatid lang ni Donna. "Asan ate mo, inday?" tanong ko sa bata na abala sa paglalaro ng barbie doll niyang walang isang paa at sira pa ang mukha. "Sinama ni nanay doon sa bukid. Maghaharvest sila ng Lanzones ngayon." sagot ng bata sakin habang patuloy sa paglaro ng sira niyang barbie doll. "Sige inday. Pakisabi nalang na lumuwas na ako ha? Tatawagan ko nalang siya kako kapag nandoon na ako. Pakisabi na rin huwag na siyang maging bugnutin. Babye inday!" paalam at bilin ko sa bata tapos ay tumakbo na ako pabalik sa bahay. "Are you ready now to go Andrea?" tanong ni tita at nakangiti akong tumango sa kaniya. Manila! Here I come!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD