Andrea Point of View SANA talaga hindi ko na makita ang lalaking iyon. Nakakaasar lang kasi. Ni hindi ko nagawang makatulog kagabi dahil sa nangyari. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ninakaw niya ang unang halik ko. Mamatay na sana ang lalaking iyon. Nakabusangot akong bumaba. Nagulat pa si auntie ng makita ang busangot sa mukha ko. "Oh andeng? Ano nangyari sa mukha mo? Bakit ang lalim ng eyebags mo? Hindi ka ba natulog kagabi?" Si auntie talaga kapag nagtatanong dire-diretso. Umiling na lang ako at ngumiti ng bahagya kay auntie. Baka mag-alala pa siya sakin. Mahirap na. Ayoko naman na malaman ni auntie iyong nangyari kahapon. Nakakapang-init pa rin ng dugo sa tuwing naaalala at naiisip ko ang nangyaring paghalik ng lalaking iyon sa akin kahapon. "Andeng?" "Ay halik!" Gulat kong naib