Chapter 8 - Threat or Not

1765 Words

Andrea Point of View Sa bahay muna nila auntie tumuloy si Donna. Wala na kasi siyang nagawa nung pilitin ko siya. Mamaya nga kakausapin ko si auntie na kung pwede bang dumito nalang si Donna. Kesa sa mangupahan pa siya masyadong delikado pag ganun. "Okay ka lang ba dito Don? O tabi nalang tayo?" Tanong ko sa kaniya ng maiayos na lahat ng gamit niya. "Ayos na ako dito." Malamig niyang sagot sakin. Bumuntong hinga na naman ako. "Sige Don. Iwan muna kita para makapagpahinga ka. Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka." Tapos ay tumalikod na ako at akma ng lalabas ng kwarto. "Andeng.." pagtawag ni Donna sa akin. Lumingon ako sa kaniya. "Maraming salamat." Tapos ay ngumiti siya. Iyong totoong ngiti niya. Nagulat pa nga ako ng ngumiti siya eh. Ilang taon na din siyang hindi ngumingit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD