Andrea Point of View AYOKONG lumabas ng staff room. Panigurado kasing nakaabang si Rooke sa labas. Nahihiya ako sa ginawa ko. At ngayon ka pa talaga nahiya Andeng? Kastigo ng isip ko. Bakit ko ba kasi ginawa iyon? Waahhh! Nakakahiya tuloy! "Hoy Andeng! Kanina pa naghihintay sayo si papa Rooke dun sa labas. Ano te? Hindi kana uuwi? Dito ka na lang forever?" May pagkamataray niyang tanong. Kahit kailan talaga ang babaeng ito. "Trip ko pang tumambay dito eh. Bakit ba?" Kunwari naiinis kong tanong. "Ku!! Ako'y tigilan mo sa paggaganyan mo Andeng ha. Akala mo ba hindi ko nakita ang ginawa mo kanina? Aba!" Tapos may ngisi siya na nakakaloko. Waahhh! Nakita niya ang ginawa ko kanina? "Oh tapos?" Ako kahit hiyang-hiya na. "Aba dapat harapin mo siya ano! Hindi iyong magtatago ka rito. Ikaw