Andrea Point of View TATLONG buwan na ang lumipas simula ng ligawan ako ni Rooke. Maayos naman kaming dalawa. Palagi niya pa rin akong pinupuntahan sa coffee shop at kinukulit. Pero di tulad ng dati na sobra akong naiinis kapag kinukulit niya ako. Ngayon medyo nalang. Sa tuwing naiinis kasi ako gumagawa din kaagad siya ng paraan para lambingin ako. Ewan ko ba. Mukhang nahuhulog na rin ako sa kaniya. "Anong nginingiti mo diyan Andeng?" Mataray na tanong sa akin ni Donna. Napansin niya palang nakangiti ako. Ito talagang si Donna panira. "May naisip lang ako Don." Tapos ay bumungisngis ako. "Sus! Ang landi mo." Tapos ay iniwan niya ako. Problema ng babaeng iyon? Hahahaha. Wala kaming pasok ngayong araw. Day-off. Sana naman hindi ako bulabugin ng kumal na iyon. "Sweetheart~" kakadasal