Andrea Point of View HINDI AKO nakatulog buong magdamag. Hindi kasi ako mapakali eh. Iniisip ko kung may nakaaway ba ako noon o ano. May napag-utangan ba ako dati na di ko maalala at hindi ko nabayaran? Pero sa pagkakaalam ko wala naman eh. Aish!! Maloloka na ako kakaisip kung bakit ba ako ginugulo ng lalaking iyon. "Andeng! Nandito na si Rooke!" Sigaw ni auntie mula sa labas ng aking kwarto. Himala ata at sinundo ako ng lalaking iyon. Kinuha ko ang aking bag at mabagal na lumabas ng kwarto. Bakit ba? Eh sa inaantok pa ako eh. Nagtatampo rin ako sa kaniya. Hindi man lang niya pinaalam sa akin kung saan siya pupunta. Nang makababa na ako ay nakita ko siya na nakaupo sa sofa. Talagang feel at home na itong lalaking ito dito sa bahay. "Auntie, aalis na po kami." Paalam ko kay auntie