Chapter Two

1171 Words
Chapter Two   Nagkulong lang ako sa kwarto ko buong gabi. Umiyak lang ako sa kama ko hanggang sa makatulog.   Kinaumagahan, maaga akong nagisingd dahil sa alarm dahil maaga din ang klase ko. I went inside the bathroom. Napahinto ako sa tapat ng sink. I stared at my face in the mirror. My eyes are puffy. Hindi ko din alam anong oras na akong nakatulog kagabi.   Naligo na lang ako at pagkatapos ay lumabas na para magbihis. Nang matapos ay dala ko na ang bag ko pababa. Iniwan ko lang 'yon sa sofa sa living room bago dumiretso sa dining area.   Napahinto ako ng makita si Mommy at Daddy na kumakain. Sabay naman silang napatingin sa akin.   "Lia, come, eat," Mom said. Napakurap ako bago nagpatuloy sa paglalakad. Naupo ako sa harap ni Mommy. Nasa kabisera naman si Daddy.   Tahimik lang akong kumuha ng pagkain. I started eating without saying anything. Wala naman akong sasabihin. Galit ako sa kanila.   I am halfway through my breakfast when I heard my Dad sighed. "Lia, we are doing this for you," he said as he stopped eating. Ibinaba niya ang kubyertos at tumingin ng diretso sa 'kin. Napatigil na din ako sa pagkain. Nawalan na ng gana.   "Lia.." Mom called. Napatingin ako sa kaniya nang hindi nagsasalita. "Please don't be angry with us. Just understand that we are doing this because we want you to have a better future,"   I don't know about that, Mom.   I wanted to say that but I stopped my self. I smiled at them before I stood. "I'm done eating," sabi ko sa kanila. "May pasok pa po ako. Excuse me," sabi ko bago umalis sa harap nila. Mommy was calling me pero hindi na ako lumingon pa.   I got my bag and went out of the house. Dumiretso ako sa sasakyan ko at nag drive na paalis ng bahay.   On my way to school, naiiyak ako everytime maiisip ko ang sinabi nila sa akin kagabi. Umiling ako habang pinipigilan ang sarili kong umiyak.   Nang makarating ako sa university ay nag park agad ako ng sasakyan. Bumaba ako at nakita ko sina Camille at Jea na nakaupo sa bench sa ilalim ng puno. Napatayo sila ng makita akong bumababa ng sasakyan.   "Lia!" maligayang tawag ni Jea sabay tayo. Naglakad ako papalapit sa kanila. Nang makarating na ako ay sabay kaming naglakad papunta sa unang klase namin.   Tahimik lang ako habang nag-uusap silang dalawa tungkol sa papalapit na party. Hindi ako nakikisali sa kanila dahil sumasakit pa din ang puso ko sa sinabi sa akin ng mga magulang ko.   Alam ko naman na wala akong laban doon. Alam kong susundin ko pa din si Daddy. Pero masakit lang kasi eh. Parang hindi pa sila nadadala. Hindi pa din nila nakikita na hindi masaya ang fixed marriage.   They should have learned from themselves. They are forced to marry each other kahit na hindi nila mahal ang isa't-isa. At ngayon, ang pamilyang nabuo nila ay hindi masaya.   No... I was happy that I was born. But I am not happy with the life I am living. I am not happy with the family I have. Walang pagmamahal. Lahat ay idinadaan na lang sa pera at materyal na bagay para lang mapunan ang pagkukulang nila.   Am I a bad daughter if I think like that? Wala ba akong utang na loob kapag ganiyan ang nararamdaman ko? Masama na ba ako?   "Lia, okay ka lang?"   Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Jea. Nasa loob na pala kami ng classroom namin at nakaupo na sa kani-kaniyang upuan.   I forced a smile as I nodded at her. "I'm okay," maikling sagot ko.   Jea's eyebrows furrowed. Nakatingin lang din si Camille sa amin. "You don't seem okay," Jea said as she trailed off. Tinitigan niya ako. "Any problem?" she asked.   I shook my head but did not say anything.   "Lia, you can always talk to us just about anything, you know that, right?" Camille said.   "I know," I answered in a small voice as I nodded at them. "I'm fine," I told them with a smile.   Alanganing tumango silang dalawa. Hindi na din nadugtungan ang usapan namin dahil pumasok na ang prof namin.   Nakatulala lang ako buong klase. Wala akong gana. Nakakawalang gana din naman talaga iyong sinabi ni Mommy at Daddy sa 'kin. Parang ayoko nang grumaduate.   "Lia, bakit 'di ka pa kumakain?" tanong ni Camille na nagpabalik sa akin sa realidad. Wala si Jea ngayon. Hindi siya sumabay sa ‘min at may ibang pinuntahan. Lunch break na namin at nasa school cafeteria kami.   Umiling ako at pilit na ngumiti sa kaniya. “Wala akong gana,” mahinang sabi ko.   “May problema ka ba? Kanina ka pa kasi tahimik,” aniya.   Umiling lang ako at ngumiti sa kaniya. Ayoko naman silang idamay sa problema ko. Isa pa, hindi pa din naman ako ready na sabihin sa kanil dahil mismong ako nga ay hindi ko pa din natatangap ang kapalaran ko.   Natapos ang klase namin sa araw na ‘yon na tahimik pa rin ako. Tahimik naman talaga akong tao pero mas lalo akong naging tahimik ngayon. Nakikita ko na ang pag-aalala sa mukha ng dalawang kaibigan ko pero hindi na din nila ako tinanong ulit. Alam naman nila na magsasabi din ako kalaunan.   Habang naglalakad kami papuntang parking area kung saan ako nag park ay pinag-usapan ulit nila ang tungkol sa party ni Edrin. Nilingon ako ni Jea.   “Lia, ayaw mo talagang sumama?” tanong niya. Sasabay si Camille sa akin samantalang may dala namang sasakyan si Jea kaya sabay-sabay na kaming naglakad papuntang parking area.     “Kailan nga ‘yon?” tanong ko naman nang bumalin ako sa kaniya.   “Saturday night,” aniya. “You in?”   Napanguso ako. I want to go. I want to forget everything even just for a night. I want to let myself forget the fcked up life that I have. I want to enjoy.   Tumango ako nang marating namin ang sasakyan ko. Sa tabi noon ay ang sasakyan naman ni Jea. Napahinto kami sa paglalakad. “Sige, I’m in,” sabi ko sa kanilang dalawa.   Nanlalaki ang mga matang sabay silang tumingin sa ‘kin. “Did I hear it right?” Jea asked as she turned to Camille. Nagkatinginan silang dalawa bago tumingin ulit sa ‘kin. I rolled my eyes at them. “Ewan ko sa inyo,” sabi ko at papasok na sana ng sasakyan pero hinigit ni Jea ang kamay ko.   “Now I can confirm that you really are problematic,” she said as she looked at me sadly before she hugged me. “It’s okay, Lia,” she whispered on my ears. “We’re here for you,” aniya.   Napangiti ako kasabay ng pagtubig ng mga mata ko. I looked up to stop my tears from falling. Nakiyakap na din si Camille sa amin. “We are here for you, Lia,” Camille said.   “I know,” I whispered as I hugged them both back.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD