1- "Tristann Lee."
“PAPADAAN ‘yung crush mo!”
Vivienne Imperial simply smirked at the back of her head nang marinig ang isa sa schoolmates sa pagsiko sa kaibigan at kaklaseng katabi nang itinuro siya nang tamang mapadaan siya sa harap ng mga ito.
She confidently continued walking as if she didn’t hear anything.
Sanay naman na siya at hindi na bago sa kanya ang malamang may mga nagkaka-crush sa kanyang mga schoolmates niya na kilalang-kilala siya, at siya nama’y ‘ni hindi alam o pansin man lang ang existence ng mga ito. Bukod sa natatanging ganda, sikat din kasi siya sa pagiging achiever sa klase kaya normal lang na humanga sa kanya ang mga kalalakihan.
“Hi, Vien!”
Natigil lamang ang dalaga nang may malakas ang loob at makapal ang mukha na humarang sa daraanan niya.
Maangas ang itsura ng lalaki. Pamilyar sa kanya ngunit hindi niya ganoong kilala, at wala siyang pakialam kung sino mang poncio pilato ito.
“Wifi ka ba?”
At ang loko’y humirit pa talaga ng pick-up line!
Ngumiwi siya, ngunit sige na nga! Sasabayan na niya ang paandar para matapos na’t makadaan na siya! Haharang-harang kasi!
“Mukha ba akong tagabigay ng signal sa gadgets ninyo?” mataray at nababanas pa niyang sagot.
Nagkamot ito ng ulo habang nakangisi. “Wala naman akong sinasabing gano’n, eh.”
“Oh, eh, sige na nga! Bakit ba? Anong meron sa wifi at tinatanong mo kung ako ‘yon?”
“Wifi ka para sa akin kasi I always feel the need to be connected with you! Boom!” At ito pa ang naunang humiyaw sa sarili nitong hirit!
Natatawa na naiiling na lamang si Vien lalo pa’t nang naghiyawan din at kinantiyan ng mga kaibigan at kasama ang lalaking humirit sa kanya. Ang daming nalalaman, eh!
Nang lampasan na ito at nakalayo-layo na siya nang kaunti ay naiiling pa rin siya hanggang sa wakas ay marating at matungo ang kinaroroonan ng tambayan dito sa labas ng kanilang classroom.
As usual ay nakatambay dito ang iilan sa mga kaklase at mga kaibigan niya.
Sinalubong lang naman siya ni Tristann Lee. Isa sa mga kaklase niya at itinuturing niyang pinakamatinding katunggali pagdating sa loob ng klase. Matangkad ito, guwapo, may kasingkitan ang mga mata, katamtaman ang taas ng ilong, nakaangat ang isang sulok ng labi, and he's relaxingly genius! Naka-eye glasses ito na mula pa man noon ay hindi na niya nalaman kung gaano kataas ang grado pero siguradong hirap ito sa vision nito oras na tinanggal nito sa mga mata nito iyon.
Nakangisi ito sa kanya sabay nag-angat ng kamay para manghingi ng high-five, so, pinagbigyan naman niya’t balewalang nakipag-high five nga siya. Mas lumawak pang lalo ang ngisi nito.
“Hi, babe!”
Napalingon silang bigla sa tumawag at malambing na nag-address sa binata ng endearment na ‘babe.’
This is the pretty and sexy Kelly from the Nursing Department. Ang kasalukuyang flavour of the month ni Tristann.
“Babe, hi!” Malambing na ring dalo ng huli rito saka tuluyan nang nabaling doon ang atensyon ni Tristann lalo na nang akbayan ito ng binata at pasimpleng iginiya palayo.
Disgusted na sinundan ng tingin ni Vien ang nakatalikod na dalawa. She smirked. Bagay naman ang mga ito. Playgirl plus playboy, edi perfect combination!
“Hoy, babae ka! Ano ‘yung kanina, ha? Nakita at narinig namin ‘yung humirit sa ‘yo!” agarang nangingiti at nanunuksong intriga naman ng best friend niyang si Joyce. Ang best friend niyang pinakaliberated sa lahat at masyadong vocal sa kung anu-anong mga bagay lang, katulad na lang ngayon ng pagiging likas na intriggera nito!
“Oo nga naman! Iba talaga ang hatak ng beauty ng bestie namin!” nakangiti ring dugtong ng isa pa niyang best friend na si Sheryll na opposite naman ng nauna dahil sa modest at likas na mahinhin nitong personality.
Naupo nga siya sa bakanteng upuan sa gitna ng dalawa.
Samantalang ang mga loko namang sina Darren at Edgar ay ini-reenact pa ang eksenang iyon.
“Hi, Vien! Wifi ka ba?” si Darren na umaktong kunwaring ‘yung lalaking humirit sa kanya kanina.
“Mukha ba akong tagabigay ng signal sa gadgets ninyo?” si Edgar naman ang gumaya sa kanya na kuhang-kuha ang likas na katarayan niya. “Sige na nga! Bakit ba? Anong meron sa wifi at tinatanong mo kung ako ‘yon?”
“Wifi ka kasi I always feel the need to be connected with you! Boom!”
Pagkatapos na humagalpak sa tawa ang dalawang mga lalaki ay nagsiapiran pa!
Hindi tuloy malaman ni Vien kung matatawa o maiinis ba siya kaya’t inirapan na lamang niya. Sina Joyce at Sheryll nama’y nagsibungisngisan din sa kabaliwan ng dalawang mga siraulo.
Hindi kasing best friend na turing niya kina Joyce at Sheryll, pero kahit papaano’y masasabi naman ni Vien na malalapit din sa kanila bilang mga kaibigan sina Edgar at Darren.
“Pero ano? Trip mo ba? Mukhang okay din naman ‘yung hirit sa ‘yo, ah!” tanong at komento ni Joyce.
“Hulaan ko? Hindi pa rin! Eh, wala naman kasing bet ‘to, eh! Kahit sino, walang makitang trip at walang papasa sa pamantayan ng isang Vivienne Imperial!” sabi naman ni Sheryll.
“Oh, eh! Gaano ba naman kasi kataas ang bundok ng pamantayang ‘yan para akyatin o sisirin ang sa-dagat na lalim niyan, at wala man lang makaabot-abot diyan!” naiinis at nagtataray na rin si Joyce.
Ewan ba niya at ito ang masyadong nai-stress at hanggang ngayon ay hindi siya nagkaka-boyfriend pa! Palibhasa’y ito kasi, parang nagpapalit lang ng panty kung magpalit ng mga lalaki!
“Dahil ba talaga sa standards? Ako kasi, sa tingin ko hindi lang dahil doon, eh. Tingin ko, tulad ng lagi, hindi lang talaga priority ni Vien sa ngayon kaya ayaw niya at waleys pa rin,” si Sheryll.
Vien looked at Sheryll and gave her a smile. Natumbok nito. Hindi iyon dahil sa akala ng lahat na choosy siya o kung ano pa man, it’s just that hindi niya priority ‘yon sa ngayon at wala rin sa isip niya. She knows what she wants and she will do whatever it takes to be always on top of the class. Second year college pa lang, but she already sets eyes to her greatest target goal and that’s becoming their batch’s c*m Laude.
Joyce rolled her eyes more. “Here we go again with that ‘study first’ mindset! Ang bo-boring ng mga life ninyo!”
“Okay lang na boring, huwag lang masyadong bobo,” pahapyaw namang sagot ni Sheryll.
Tiningnan nga ni Vien ang huli at mahinang siniko. Mahina lang ang tinig nito pero dinig din ‘yon ni Joyce, eh!
Ngiwing binalingan nga ni Joyce si Sheryll. “Wow ha! Ouch naman ha!”
Napailing na lang si Vien na napapagitnaan ng dalawa. Sa totoo lang ay sanay na sila sa magkakaibang ugali ng bawat isa sa kanila. Siguro nga, ‘yon pa ang mas nagpatibay sa friendship na mayroon silang tatlo. Their differences.
Vien is, of course, the smartest among them all. Sheryll is the average girl. Not aiming to be so high, pero hindi rin naman nagpapapabaya. Samantalang si Joyce naman ang masasabing mahina talaga ang utak pagdating sa academics. But don’t get it wrong, sa klase at sa academics lang ‘yon, sa ibang bagay tulad ng sports at fashion ay may ibubuga din naman at magaling din naman si Joyce. Multiple intelligences nga ika ni Howard Gardner.
“Bakit ba kasi biglang naging ako sentro ng usapan?! Mabalik nga tayo dito kay Vien!”
“Oo nga naman! Bakit ba kasi, Vien!” tatawa-tawa nang taray na rin ni Sheryll sa kanya.
“Ewan ko sa inyong dalawa diyan!” naiinis naman niyang sagot sa mga ito.
“Tulungan na kaya kitang hanapan ng keke, be?” si Joyce ulit sabay tapik pa sa kanyang balikat.
Vien just gave her an annoyed look. “Huwag mo nga akong igaya sa ‘yo na hirap na hirap mabuhay nang walang lalaking kaharutan!”
“Talaga naman! Subukan mo rin kayang lumabas sa comfort zone mo minsan, explore some new things and enjoy life!”
“And I enjoyed reciting into classes and to perfect exams!”
“Ewan ko sa ‘yo! Iba pa rin ‘yung enjoyment kapag may keke, ‘no!”
Hindi na niya sana papatulan pero naimbyerna na naman siya nang inakbayan siya ni Joyce at nginuso nito ang papabalik dito at papalapit na si Tristann.
Mag-isa na ulit na naglalakad ngayon ang binata pabalik dito sa kanila. Siguro’y naihatid na ang girlfriend sa kung saan man nito dinala iyon!
“Bakit kaya hindi na lang siya? Bagay naman kayo, eh! Parehas kayong top achievers at uhaw na uhaw na manguna sa klase! You always quarrel and debate! You’ll surely make a good couple!” Naglatag pa talaga ng loka-lokang ideya!
Si Sheryll tuloy ay nahawa na rin at nakakalokang ngumiti na rin para tuksuhin din siya kay Tristann. “Oo nga naman! May kasabihan nga tayong the more you hate, the more you love!”
"But I don't like nerdy men! Tingnan niyo nga 'yang kapal ng grado diyan sa mga mata niya!" salag niya sa panunukso, but made it so low na hindi maririnig ng lalaking kasalukuyang pinag-uusapan nila.
"Nerd but still tall, tidy, sexy, and gorgeous!" patuloy ring pag-i-insist ni Sheryll.
“And the two of you are always arguing… that means, you can both make good bed buddies for each other!” dugtong pa ni Joyce na mas naging wilder pa ang inabot ng imagination.
Hindi makapaniwala at halos panindigan ng kanyang mga balahibo na tiningnan ng masama at pinandilatan ni Vien ng mga mata si Joyce. Like, seriously?! Kahit kailan talaga, ang green ng utak ng bruha!
Hinalakhakan lamang naman iyon nina Joyce at Sheryll tapos ay nagsiapiran pa. Nababanas na naiinis na napapairap na lamang siya. Paborito talaga siyang asarin at tuksuhin ng mga bruha, eh!
“Hi, dzaddy Tristann!” tila nang-aakit na nanunukso namang binati pa ni Joyce ang kararating lang nang tuluyang makalapit dito sa kanila.
Tumigil nga ang binata sandali sa tapat nila, hindi para tugunin ang panunukso ni Joyce kundi para kindatan si Vien, tapos ay nagtuloy-tuloy na rin ito patungo sa mga kaibigang kapwa lalaki.
“Yieeee!” Si Sheryll naman ang kilig na kilig para sa kanya at pinaghahampas pa siya sa braso.
Pakiramdam ni Vien umakyat lalo ng dugo niya sa kanyang mukha at sa kanyang ulo! Hindi lang siya naiinis sa panunukso sa kanya ng mga kaibigan sa lalaking ‘yon! She also hates Tristann's guts a lot! Akala yata nito’y lahat ng babae ay magkakainteres dito porket guwapo, mayaman at matalino ito! Pero ibahin siya sa lahat ng mga nagoyo nito dahil kahit kailan, she will never even lay an eye on that man!
Naalala tuloy niya ang isa sa maraming mga banggaan nila ni Tristann kapag pautakan sa klase ang pinag-uusapan kahit noon pa man...