Chapter 2 same bed

1561 Words
Chapter 2 Tulala siya buong maghapon. Hindi siya nakatulog ng nagdaang gabi. Hindi niya alam ang gagawin sumasakit ang ulo niya sa mga nangyayari. At nagiisip kong paano bukas? Hanggang saan ba ang alam ng lalaki na yun sa ate niya? Hindi niya natanong ang ate niya tungkol dito. Paano kung kagaya ng ate niya meron ding picture si Lucas kay Ate Adira? Nakakahiya oras na malaman nitong hindi siya si Adira? Napaka lakas ng t***k ng puso niya habang naglalakad sa aisle papunta sa altar ng simbahan. Habang naghihintay ang matangkad na lalaking naka white tuxedo. Malayo palang ay kita na niya ang itsura nito. Siguro kung makikita ito ng ate niya ay baka magbago ang isip nito. Dahil gwapo na sa picture mas lalo na pala sa personal. Napalingon siya sa dalawang kapatid na kasalukuyang nakaupo at nakatingin sakanya. At nag thumbs up pa ang mga ito na kaya niya! Inirapan niya ang mga ito, mula sa kinauupuan. At tumingin sa lalaking mapapangasawa dapat ng ate niya. Kinakabahan siya halos pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya sa ribcages niya habang nagmamartsa halos lahat kasi ng mata ay sakanya nakatingin. Nakangiti at may mga paghanga. Ngunit di niya ma appreciate yun sa mga oras nato ang kaba at takot na nararamdaman niya. At nagpapasalamat siya dahil walang magulang sa both side ang naka attend ng kasal. Hindi ito ang pangarap niyang kasal at sana magpakita lang ang ate niya habang di pa huli ang lahat. Matiim ang titig nito sakanya na tila ba pinag aaralan ang mukha niya. And she look at him, kiming ngiti ang binigay niya dito. Di siya makangiti ng maayos sa kaba pakiramdam niya ay nakangiwi siya embes na nakangiti. He walked towards her at gusto niyang tumakbo. Inilhad nito ang kamay sakanya pagdating niya sa altar, at alanganing tinanggap niya ang kamay nito she knows it he can feel her hesitations. Lalong humigpit ang hawak nito sa kamay niya. Alam niyang ramdam nito ang panlalamig ng mga kamay niya parang yelo sa kaba at mahinang pinisil nito sa kamay niya. Bahagya siyang napalingon dito, dahil sa ginawa nito. At nagsimula na ang seremonya ng kasal parang nabibingi siya, hindi sa boses ng pari kundi sa kaba ng dibdib niya. Napatingin siya sa lalaking kaharap, matiim ding nakatitig ito sakanya kaya naman nag iwas siya ng tingin. "And you may kiss the bride" saka lang siya parang natauhan. Saka parang nagaaway ang utak niya, dahil nawala sa isip niya na meron palang ganung eksena sa kasal. Lumapit sakanya ito. At inangat ang veil na nakaharang sa mukha niya. She is not ready.. And he looked at her,, intently he lowered his head para magpantay ang mga mukha nila. Her breathing became hard para na siyang aatakihin lalo na nang mapatitig siya sa magandang mga mata nito She subconsciously steps back ngunit, hinawakan nito ang panga niya papunta sa tenga niya, habang ang isang kamay naman nito ay nilagay nito sa bewang niya,and he gently pulled her. Until their lips meet. This is the first time she experience a kiss bahagya pang gumalaw ang labi nito habang hindi niya maigalaw ang mga labi niya. Nagpalakpakan ang mga tao. Napakagat labi siya, habang nakatingin dito he was expressionless. Kita niya ang marahas na paghinga nito at napatitig sa mga labi niya. At ng bitawan nito ang bewang niya ay humarap sa mga tao, napabaling siya sa dalawang kapatid na akala mo talaga tunay na kasal niya iyon. May payakap yakap pa ang mga ito. .... " Ate Thea, paano yan isasama ka pala niya" bulong sakanya ni Arianna. Para hindi siya mahalata. Kakatapos lang ng reception ng kasal nila. Simple lang ang pagdaraos ng reception dahil narin siguro sa business lang ito at hindi tunay na kasal. Hindi rin sila ng groom nagpakita na sa reception ng kasal. " Hindi ko alam ang gagawin ko, tatakas naba ako? " Bulong din niya sa mga ito takot na may makarinig sakanila. " Naku ate wag mong gagawin yan anu kaba, gusto mo bang biglang umuwi sila daddy? Malalaman nila ang totoo pakisamahan mo muna siya hanggang bumalik si Ate Adira. " Warning ng kapatid niya si Arielle. Tiningnan niya ang bunso nila si Arianna. At she kissed her in her forehead. " Arianna, Arielle take care of yourself ok? Stay in our house always, dahil mas maganda ang security doon, I already talk to your body guards at sila na bahala sa pag uwi niyo." " Yes ate" " Opo ate" magsabay na sagot ng dalawa. Arielle is 20 while Arielle is just turn 18,at kakagaling lang nito sa depression. " Ate.. huh? Baka ikaw ang ma fall dun ang gwapo panaman" pilyang sabi ni Arianna. Inirapan niya ito. " Hay naku mananagot talaga ito sakin si Are Adira" Napakagat labi siya wala na talaga siyang choice. Pagkatapos ng reception ay sinundo na siya ng sasakyan ni Lucas at wala na siyang magawa kundi sumama. She will be spending the night with him in a 5star Hotel. At kinaumagahan ay flight naman papunta sa isang Isla kung saan sila magha-honey moon. Pagpasok palang sa hotel ay mabigat na ang mga paa niyang ihakbang. Kahit siguro ganito ka gwapo ang lalaking asawa niya hindi parin niya kayang makatabi ito matulog. She like Kenneth pero hindi siya nito niligawan, puro lang ito palipad hangin. At kahit minsan ay hindi niya pa naranasan ang seryosohang relasyon dahil puro lang siya manliligaw pero wala siyang sinasagot. At ang nasa harap niya ay lalaking hindi niya kilala pero nahalikan agad siya sa unang pagkikita pa lang nila.! Binuksan ng bellboy ang pinto ng kwarto nila. At inabot ang key card kay Lucas binaba nito ang mga gamit nila sa loob na ng kwarto. Inabutan naman ng tip ni Lucas ang lalaki at tuwang tuwa ito bago umalis. Tinitigan siya ni Lucas At inilahad ang kamay "I'm Lucas" Sumandal ito sa pinto. Tinanggap naman niya ang kamay nito. "I'm A-Ale..just call me Ali." Hindi niya maituloy ang pangalan dahil hindi naman talaga siya si Adira. Kailangan niyang mag go with the flow muna. Sa ngayon kailangan maging kaswal siya dahil hindi naman talaga sila mag asawa parang wala lang personalan trabaho lang. "Ali.. hmm. Medyo malayo yata ang nickname mo sa real name mo" Napakagat labi siya. 'patay!' sigaw ng utak niya. Ngunit nagulat siya ng bigla nitong hawakan ang baba niya at iangat ito. "Stop doing that, Ali..Stop biting your lips" awtomatikong tinanggal niya ang pagkakakagat niya sa labi. He just smirked at her bago naunang pumasok. '..bakit kailangan hawakan niya pa ako? Mukhang siya yata ang hindi professional... ' Napaawang ang mga labi niya pagpasok nila sa hotel room. "W-what is this?" hindi siya makapaniwala it was one queen size bedroom. "A bed..?" Lucas response flatly. "I-I mean.. I thought we will be staying in a two bedroom suite?" Napatingala siya dito. " Why? is it stated in the contract?" Napakagat labi siya at nag iwas nang tingin. She didn't know about the content of the contract at ang ate niya lamang ang nakabasa ng kontrata kaya naman ito siya ngayon walang kaalam alam kung paano niya sasagutin ang tanong nito na hindi mahahalata ni Lucas na hindi siya si Adira. " Oh.. my gosh I'm sorry I forgot" yun lang at tumalikod siya kunwari para ayusin ang gamit. Hindi niya ito tinitinganan. " I.. I just need to wash." at nagmamadali umalis bitbit ang mga gamit na pambihis. Gusto niyang suntukin ang ding ding ng banyo dahil sa inis, napamura pa siya ng paulit-ulit dahil ng tiningnan niya ang damit na nasa loob ng bag niya ay puro mga nighties, over large na mga sando niya at mga cycling. Ilan lang din ang bra, at isang piraso lang ang t-shirt. Inaalala niya kung anong sinabi niya sa dalawang kapatid na babae na ilagay sa bag niya. .... "Ate! Ilalagay ko ba mga pantulog mo?" " Ate panty?" Halos sabay na tanong ng dalawa. ..... At dahil occupied siya ng mga oras na iyon ay hindi na niya napagtuonan ng pansin ang mga sinasabi ng mga kapatid. Ni hindi niya maalala ang mga sinabi ng mga ito dahil sa akala niya makakauwi pa siya ng apartment niya hindi niya akalain na deretso na pala. Kaya wala siyang choice instead of nighties ay nag cycling nalang siya at over large niyang sando ngunit nakasuot parin siya ng bra wala siyang choice. Lumabas siya mula sa banyo, at nagulat siya dahil nasa harap niya ito. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, nakaramdam siya ng pagkailang sa itsura niya. Napakagat labi siya. Akmang tatalikuran niya ito ng hawakan siya nito sa braso. " I told you.. to stop biting your lips in front of me." May pagbabantang sabi ni Lucas Bulong nito, amoy niya ang alak sa hininga nito. He was drinking. " Ahm.. Mr. Raccini can you please let me go? " Kahit kinakabahan ay pinilit niyang umakto na wala lang, kahit ang totoo ay nangilabot ang batok niya. He smirked again at binitawan siya nito. " Sleep well.. Mrs. Raccini " Umalis siya at nagpunta sa kama. Parang hinahabol siya sa bilis ng kaba ng dibdib niya. Nahiga siya sa kama. Hinintay niya si Lucas pero inabot nalang siya ng antok ay hindi pa ito bumabalik. ***end of chapter***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD