November 27, 2017
Maaga akong umalis sa bahay. Ayoko munang makausap si Mama. Hindi ko matanggap ang lalaking 'yun para sa kanya. Kilala ko siya. Marami saaking kinukwento si Henjie na tungkol sa kanya. Hindi maganda ang background niya. Mukha daw itong pera. Lango pa daw sa alak at sugarol. Kung hahanap man ng lalaking mamahalin si Mama, 'yung matino at alam kong hindi siya madedehado. Mahal ko ang Mama ko kaya gusto ko, mabait at may paninindigan ang gusto kong ipalit niya sa yumao kong Ama.
Nakasakay ako sa tricycle at patungo ako ngayon sa bakas ilog dito sa bayan lang din ng garay. Part 2 daw ito ng reunion namin. Pagdating ko dun ay napatitig ako sa ilog at sa malalaking bato na nakatayo sa gitna ng ilog. Namiss ko ito. Natatandaan ko na dito ako noon palaging naliligo. Mahiwaga ang ilog na ito dahil taon-taon ay mayroong buhay na nagbubuwis dito. 'Yun ay ang mga dayong hindi kilala ang lalim ng ilog.
Nag-iihaw na sila ng mga isda ng dumating ako. Napatingin ako kay Henjie ng maalala ko ang Ama niya. Tinawag ko siya at inaya na mag-usap malayo sa mga kaklase ko.
Pumunta kami sa gilid ng ilog. "Si Mama pala ang girlfriend ng Ama mo," sambit ko agad. Hindi siya nagulat. Para bang matagal na niya rin itong alam.
"H-hindi mo ba alam? M-matagal na sila. S-siya nga ang dahilan ng paghihiwalay nila ng Ina ko." Nakaramdam ako ng hiya kay Henjie lalo na kay tita na hindi manlang nagtanim saakin ng galit.
"Kahapon ko lang nalaman. Henjie, sorry, nahihiya ako sainyo. Kung noon palang ay nalaman ko 'yun ay matagal na akong humadlang sa kanila. Pasensya ka na, pero hindi ko gusto ang Ama mo para sa Mama ko. Tulad nga ng mga naikwento mo. Ayoko sa kanya. Para saakin ay hindi siya matinong tao," dire-diretsyo kong sambit sa kanya. Ang bait niya dahil hindi manlang siya nagalit kahit nilait ko ang Ama niya. Naiintindihan daw niya ako. Isa pa, kahit siya mismong anak ay suklam din sa kanya. Nagsisisi nga daw siya na naging Ama niya si Rodolfo. Sobra daw nitong sinaktan ang Mama niya.
"Hayaan mo, simula ngayon ay hindi ko na sila papayagang magsama pa. Hahadlang ako sa kanila sa abot ng aking makakaya," saad ko.
Matapos ang pag-uusap namin ay bumalik na kami sa mga kaklase namin. Tinuloy na namin ang mga kwento na naputol noong nakaraan. Tulad ko ay may kanya-kanya na pala silang trabaho. Ngayon ko lang nalaman dahil hindi naman nila 'yun nauungkat sa f*******:. Saka isa pa, madalang lang kami magka-usap-usap doon dahil pare-parehas kaming busy sa trabaho.
Tawanan lang kami ng tawanan dahil nagpapatawa si Thelma. Sa gitnan ng pagtatawanan namin ay bigla nalang napigtas ang kwintas na binigay ni tita Cora. Kasabay ng paglaglag ng kwintas sa lupa ay bigla kong nakita ang sari-saring kaluluwa na nakatayo sa batong nakatayo sa gitna ng ilog. May matandang babae, matandang lalaki, mga bata studyante, mga paslit na bata. Sari-sari at sa tingin ko ay sila ang mga nalunod dito sa ilog. Sa takot ko ay agad kong dinampot ang pangontrang kwintas na nalaglag sa lupa. Agad ko 'yung binulsa at ng madikit na ulit saakin ang kwintas ay nawala na ang mga kaluluwang nakita ko. Dahil doon ay nawalan ako ng gana na maligo sa ilog. Ako lang ang bukod tangi na hindi naligo doon.
Kasalukuyan kong pinapapak ang inihaw na bangus ng bigla akong makaramdam ng isang pagpalo ng kahoy sa likod ko. Tumumba ako sa lamesa at agad na nawalan ng malay-tao.
****
Nagising ako na nasa isang masukal na kwarto ako. Nakatali ako at may panyo ang bibig.
Mayamaya ay pumasok na ang apat na lalaking may takip sa mukha. May hawak-hawak silang kahoy at maangas na lumapit saakin.
"Mayabang!" Sigaw ng isang lalaki at saka ako hinampas ng kahoy sa braso ko. Napasigaw ako sa sakit.
"Pakilamero!" Sigaw naman ng isang lalaki saka ako hinampas ulit ng kahoy sa kabilang braso.
"Hadlang!" Sigaw naman ng isa at sa binti naman ako hinampas.
"Bwisit!" Sigaw ng isa at sa kabilang binti naman ako hinampas.
"Maging leksyon sana sa'yo ito at huwag ka ng maging pakilamero!" Sigaw ng isa at sunod-sunod nila akong pinalo.
Nang makitang bugbog sarado na ako ay tinanggal na nila ang tali ko. Binuhat nila ako at saka ako sinakay sa sasakyan. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalin. Pumapalag ako pero hindi ko sila kaya. Masyado silang malalakas.
Habang nasa biyahe kami ay pinagbabatukan pa nila ako. Talaga namang sinulit nila ang pambubugbog saakin. Ang akala ko noon ay papatayin na nila ako. Pero mayamaya ay bumukas ang sasakyan at nilaglag nalang nila ako bigla sa kalsada.
Agad kong nadinig nun ang boses nila Mama at tita. Nadinig ko din ang pamilyar na boses ng mga kaklase kong kasama ko sa ilog kanina.
"Jusko, Anak, anong nangyari sa'yo?" Nag aalalang sambit ni Mama. Kahit galit pa ako sa kanya ay napayakap ako. Hindi kasi biro ang nangyari saaki.
"Anong nangyari sa'yo, Lester?" Tanong ni Henjie.
Hindi ako sumasagot. Hindi ko pa kayang magkwento.
Nagulat ako nun ng buhatin ako ng biglang sulpot na si Rodolfo. Gusto ko mang pumiglas sa kanya ay hindi ko na nagawa. Masyado ng masakit ang katawan ko kaya hinayaan ko nalang siya.
"Mga halang ang sikmura ang gumawa nito sa anak ko!" Galit na wika ni Mama.
Pati ang mga kaklase ko ay nag-alala din saakin. Nakapalibot sila saakin habang nakahiga ako sa mahaba naming sofa. Nakita kong agad na kumuha ng first-aid kit si tita Cora at saka niya agad na ginamot ang mga sugat ko.
Nangangaray ako habang ginagamot niya ang mga sugat ko. Gusto pa nga akong dalin sa hospital ni Mama. Kaya lang ng masagi ulit sa isip ko ang mga ligaw na kaluluwa na ninirahan doon ay mas mabuti ng dito nalang ako at baka lalo lang mapadali ang buhay ko dun.
Habang nililinis ni tita ang mga sugat ko ay nakaramdam ako ng antok. Unti-unting dumilim ang paningin ko nun at bago ko isarado ang mata ko ay nakita ko bigla ang duguan na babae na nasalikuran nilang lahat. Galit itong nakatingin kay Rodolfo. Pilit kong idinidilat ang mata ko para makita pa lalo ang babaeng duguan. Pero, hindi ko nalabanan ang antok kaya tuluyan na akong nilamon na kadiliman.