Chapter 6

1103 Words
( November 26, 2017) Nakauwi na ako sa bahay. Gusto ko ng umuwi sa manila, pero ayaw akong payagan nila Mama. Tapusin ko na daw ang fiesta. Sayang daw. Uwing-uwi na ako dahil ayaw talaga akong tantanan ng mga ligaw na kaluluwa dito sa garay. Tulad kagabi, hindi ako nakatulog dahil sa isang babae na palakad-lakad sa labas ng kwarto ko sa itaas ng hospital. Sira ang pinto ng kwarto ko kaya open na open 'yun. Bandang alas doses ng gabi nun ng paulit-ulit kong nakikita ang babaeng 'yun. Naka-hospital gown siya tapos, mahaba ang buhok at puro dugo ang laylayan ng suot niya. Takot na takot ako nun dahil ako nalang ang gising. Kahit init na init ako ay nagtalukbong nalang ako ng kumot. Hindi pa dun nagtatapos. Kaninang umaga, habang pauwi na kami at habang pababa na kami sa hagdan ng hospital na'yun ay bigla ko nalang nakita ang isang matandang lalaki na tila ba naghihingalo. Tirik ang mata niya at tila ba ilang sandali nalang ay mamatay na. Kapit na kapit ako nun kay Mama dahil takot na takot ako. Tapos sa ibaba naman ng hospital, isang batang pagala-gala naman ang nakita kong tumatakbo. Nginig na nginig ako sa takot. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng mga kaluluwang nakita ko doon. Kaya naman ng makalabas kami doon ay nakahinga na ako ng maluwag. Agad akong nagdesisyon na umuwi na sa manila, pero ayaw akong payagan ni Mama. Sayang daw ang pagkakataon na makaranas ako ng fiesta dito sa bayan ng garay. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit simula ng tumuntong ako sa bayan ng garay ay nakakakita na ako ng mga ligaw na kaluluwa. Gulong gulo na talaga ang isip ko. Ang dinayo ko dito ay para magsaya, pero mali ako ng inaakala dahil sakit sa puso ang matatamo ko dahil sa mga ligaw na kaluluwang nanakot saakin. Gusto ko ng lumapit sa mga expert sa mga kaluluwa. Gusto kong malaman kung bakit nakakita na ako ng mga kaluluwa. Gusto ko ding malaman kung bakit ayaw akong tantanan ng kaluluwa ng babaeng duguan na nakatingin saakin ngayon. Sinarado ko ang bintana ng kwarto ko. Nakatayo kasi siya sa labas, sa harap ng kwarto ko. Sinusundan talaga niya ako. Ayaw niya akong tantanan. Pakiramdam ko ay may kailangan talaga siya saakin. "Oh, akala ko magpapahinga ka? Bakit bumaba ka?" Tanong ni Mama ng makita akong pababa sa hagdan. "Nandito na naman siya," sagot ko. "Ang maganda mong gawin ay huwag nalang siyang pansinin. Kapag lalo mo siyang pinansin ay lalo ka lang niyang guguluhin." "Pero natatakot na ako. Hindi ko na kaya. Magkakasakit na ako sa puso. Gusto ko ng umuwi sa manila. Ayoko na dito," saad ko. "Anak, ilang araw nalang. Konting tiis nalang naman. Uuwi ang mga kamag-anak natin. Maganda na 'yung buo tayong magkakasama bago ka bumalik sa manila." "Isuot mo ito," sambit ni tita Cora at saka niya binigay saakin ang isa pang kwintas na pangontra. Nakaramdam ako ng ginhawa ng ibigay niya saakin 'yun. Maghapon akong walang nakitang ligaw na kaluluwa. Iingatan ko na talaga ang isang 'to. Masarap sa pakiramdam kapag suot ko 'yun. Nakahiga ako sa kama ko ng makarinig ako ng iyak. Iyak ng isang babae. Humahagulgol siya at umeecho 'yun sa loob ng kwarto ko. Nag sign of the cross ako. Binulungan ko siya na tigilan na ako. Mayamaya ay biglang nawala. Mukhang sa unang pagkakataon ay pinakinggan niya ako. Dahil doon ay natuloy na ang pagpapahinga ko. Puyat kasi ako dahil wala akong naging tulog kagabi sa ospital. **** Isang babae ang nakita kong tumaktabo sa isang gubat. Nagulat ako ng sundan siya ng isang lalaki na may hawak na itak. Pamilyar 'yung mukha ng lalaki. Parang kakilala ko siya. Madilim at tanging sinag lang ng buwan ang nakikita ko kaya hindi ko siya masyadong makilala. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang tulungan. Naawa ako bigla sa babae. Para bang bigla akong nagalit sa lalaking humahabol sa kanya. Sumunod ako. Hingal na hingal ako habang sinusundan ko sila. Huminto ang babae sa harap ng lumang simbahan. Ito na naman. Nandito na naman ako sa eksenang ganito. Palagi nalang ako napapadpad dito. "Maawa ka, huwag mo akong patayin!"Nagmamakaawa yung babae. Malapit na ako sa kanila kaya malinaw ko ng nakita ang mukha niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Ito ang babaeng nakabistidang puti na duguan na laging nagpapakita saakin. "Pakilamera ka sa pagmamahalan namin. Masyado ka ng maraming nalalaman kaya dapat lang na wakasan kona ang buhay mo!" Hiyaw ng lalaki at isang taga sa braso ng babae ang pinakawalan niya. Nabuwal at agad na bumulwak ang dugo sa braso ng babae. Sigaw siya ng sigaw. Halatang sakit na sakit siya sa ginawa ng lalaki. Nang magsisigaw at lalong umingay ang boses ng babae ay winakasan na ng lalaki ang buhay niya. Nilaslas niya ang leeg nito. Nangisay ang babae, hanggang sa mawalan na ito ng buhay. Awang-awa ako sa babae. Wala manlang akong nagawa para tulungan siya. Pero ganun-ganun nalang ang gulat ko ng makita ko ang mukha ng lalaki habang tumatakbo siya paalis sa harap ng simbahan. Hindi ako makapaniwala na siya ang pumatay sa babaeng 'yun. Ang ama ni Henjie. **** Humahagulgol na iyak ang gumising saakin. Nilingon ko ang buong paligid ng kwarto ko at mula sa paanan ko ay nakita ko na naman ang kaluluwa ng babaeng duguan. Kitang kita sa leeg niya ang malaking hiwa na punong-puno ng dugo. Umiiyak siya na tila ba humihingi ng tulong. "Tigilan mo na ako!" Hiyaw ko. Ipinikit ko ang mata ko at saka ako nagtalukbong ng kumot. Nang hindi ko na madinig ang nakakakilabot niyang iyak ay saka ko ulit sinilip kung wala na siya. Nakahinga ako ng maluwag na sa wakas ay wala na siya. Dali-dali akong bumaba sa ibaba. Pagbaba ko sa ibaba ay nagulat ako ng makita ko ang ama ni Henjie. Kausap siya ni Mama habang magkahawak ang kamay. Nang makita nila ako ay agad silang naghiwalay. "A-ano ito?" Gulat kong tanong. "A-anak, si Rodolfo nga pala," sagot ng mautal-utal na si Mama. "Kilala ko siya. Siya ang ama ng kaibigan kong si Henjie. Ano ang nakita ko? Bakit kayo magkahawak ng kamay?" Tanong ko. "H-hiwalay naman kami ng ina ni Henjie. Gusto ko ang ina mo, Lester. Sana naman tanggapin mo'ko," saad ni tito Rodolfo. Gulong-gulo na ako sa mga multo na nakikita ko tapos dinadagdagan pa ni Mama. Ano naman ang kahibangan nila at kung kailang tumanda sila ay saka pa sila nagkaganito. Naalala ko tuloy ang panaginip ko. Bigla tuloy akong kinutuban na parang may mali. Parang kinabahan ako bigla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD