November 30, 2017
Happy Fiesta NorzaGARAY! Masaya ako kahit dito ako nag-fiesta sa loob ng kulungan. Nakatitiyak ako na ngayon ay nagkakagulo na ang mga tao sa kanila-kanilang street dito sa bayan ng Garay. Kasabay ng maingay na mga mosikong pakalat-kalat at ng mga igorot na sumasayaw ay tiyak na maingay nadin ngayon at pinagkakaguluhan ang hiwa-hiwalay na katawan ni Rodolfo. I surrender myself dito sa kulungan. Buhay ang nawala kaya buhay din ang gusto kong kapalit. Wala akong pakilam kung ilang taon man akong makulong. Ang mahalaga para saakin ngayon ay naiganti ko ang magulang ko. Napatay ko ang taong pumaslang sa kanya.
F l a s h b a c k . . . . .
Nung gabing 'yun ay wala akong ginawa kundi umiyak lang ng umiyak. Naglasing ako ng naglasing. Mainit ang ulo ko. Sa isip ko ay tumatakbo ang kagustuhan kong tadtadrin ng saksak sa katawan si Rodolfo.
Napakawalangya niya.
Di'ko siya sasantuhin ngayon kapag nakita ko siya ng harapin. Handa na akong makulong. Wala na akong pakelam kung makulong man ako.
Hating gabi ng magising ako. Masakit ang ulo ko, pero wala na ang kalasingan ko. Muli ko na namang naalala ang ina ko. Nagsimula na namang mag init ang ulo ko.
Hindi ko alam kung ano ang sumapi saakin at biglang nadimonyo ang isip ko ng gabing 'yun. Gusto kong sugurin si Rodolfo ngayong gabi.
Madaming plano ang nabuo sa isip ko.
Lumabas ako sa bahay ni lola Arsenia. Bago ako lumabas doon ay naglabas ako ng itak sa kusina ni Lola.
Bahala na sa mangyayari.
Wala na sa katinuan ang isip ko. Takam na takam na akong gumanti sa kanya.
Malalim na ang gabi kaya wala ng tao sa labas.
Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin ay tama nga ang hinala ko.
Saktong palabas na si Rodolfo sa bahay namin. Talagang naghalikan pa sila ni Mama.
Nang makita kong paalis na siya ay nagtago ako.
Hinayaan ko muna siyang umuwi para makauwi sa bahay namin.
Itinago ko muna sa labas, sa gilid ng mga paso ang itak ni lola.
Pag pasok ko sa loob ay nagulat sila Mama at tita Cora saakin.
Bakas sa mga Mukha nila ang pag-aalala.
Pero sa kabila nun ay galit kong mukha ang bumungad sa kanila.
"Si Rodolfo ang pumatay kay Nanay," saad ko bigla.
Agad na napatayo si tita habang gumagawa siya ng fruit salad.
"Anong sinabi mo?" Gulat na tanong ni tita.
"Pwede ba Lester, huwag kang gumawa ng kwento," inis na wika ni Mama.
Pinaliwanag ko ang lahat ng kinuwento saakin ng Ina ni Henjie.
Pati sila ay nagulat at gaya ko ay napaluha din. Pinsan nila ang Ina ko kaya hindi rin sila iba dito.
Napayakap saakin si Mama. Hindi daw niya alam na may nangyari palang ganoon.
Hindi niya alam na si Rodolfo pala ang pumatay kay Nanay.
Kaya ng sabihin kong gaganti ako ay wala silang naging sagot.
Bagkus ay naiintindihan nila ako dahil ina ko ang namatay.
Ang buong akala nila ay simpleng ganti lang ang gagawin ko kaya kalma lang sila.
Hiniram ko ang telepono ni Mama at nagsend ako ng message kay Rodolfo.
Pineke ko ang message ni Mama na sinabi kong magkita kami sa isang libleb na gubat sa matitic ibayo.
Sinabi kong mahalaga ito dahil biglaang date ang gusto ni Mama.
Date kako ng mag iinit sila sa gubat.
Alam kong malibog siya kaya doon ko siya mahuhuli.
Binura ko ang message ko sa message sent sa phone ni Mama para wala silang mabasa.
Mayamaya ay agad nading nagreply ang gago. Okay daw ang sagot nito.
Hindi na ako pinakelaman ng mga tita ko. Hinayaan nalang nila ako sa gusto kong gawin. Wala silang alam na ngayon gabi ay magiging mamamatay tao na ako.
Dinampot ko ulit ang itak at tinago sa likod ko.
Bukas pa ang bahay nila aleng Helen na kapitbahay namin dahil nagluluto parin sila ng handa para bukas.
Kaya naman hiniram ko muna ang tricycle ng asawa niya.
Mabait si aleng Helen kaya pinahiram din niya ako.
Inunahan ko na si Rodolfo sa tagpuan namin.
Nakarating ako sa matitic ibayo na walang takot na nararamdaman.
Itinabi ko ang tricycle sa isang libleb at inabangan na si Rodolfo. Sakto na may sako sa loob ng tricycle kaya dinala ko na rin. Kakailanganin ko 'yun para sa plano ko mamaya.
Mayamaya ay nakarinig na ako ng paparating na motor.
Huminto ito sa pwesto ng tagpuan namin.
Ito na siya.
Dumating na si Rodolfo. Nilibot niya ang tingin na tila ba hinahanap ang Mama ko.
"Rebecca?" Sigaw niya.
Naglakad siya at hinanap pang mabuti kung nandoon na nga ba talaga ang Mama ko.
Nang aktong palapit na siya saakin ay binato ko siya ng malaking bato sa likod niya.
Minalas ako ng dumaplis yun sa likod niya.
Tumumba siya pero agad na nakatayo kaya sinapak niya ako.
Tumumba ako sa damuhan. Pinagsisipa niya ako ng pinagsisipa kaya hindi ako nakatayo.
"Sino kang gago ka?" Sigaw niya.
"Ako ito. Ang anak ng babaeng pinatay mo!" Sagot ko.
Nakaramdam ako ng sakit sa labi ko. Tila pumutok 'yun at tumulo ang dugo.
"L-lester?" Gulat niyang tanong.
"Ako nga," matapang ko pang sagot.
Natadyakan ko siya sa mukha pero hindi siya natinag. Malakas ang gago kaya agad na naman niya akong pinagsisipa.
"Tamang-tama. Tignan mo nga naman. Ikaw pa talaga ang lumapit saakin."
Wika niya na nakangisi ng nakakasura. Tila siya dimonyo sa ngiti niya
"Plano ko ng patayin ka na din, kaya ito na siguro ang oras para sumunod ka na din sa pakelamare mong Ina." Wika niya na kinainis ko lalo.
"Mag Ina nga kayo. Parehas kayong pakelamero!" Sigaw niya at pinagsisipa na naman ako.
Bugbog sarado na ako pero sinuwerte ako.
Naakdampot ako ng malaking bato kaya naman agad ko siyang binato sa mukha.
Agad siyang tumumba at naliyo. Nakita kong dumugo agad ang kaliwa niyang mata.
Iyun na ang oras para ako naman ang gumanti.
Inilabas ko ang itak sa likod ko.
Agad ko siyang pinagtataga sa braso niya.
Nanlaban siya kaya naman dumanak ang dugo sa parehas naming katawan.
Nasaksak ko siya sa tiyan kaya mahina na siya at wala ng laban.
"Gago ka! Papatayin na kita! Wala kang awa! Pinaslang mo ang Ina ko!"
"Ito ang bayad sa ginawa mo sa kanya. Mamamatay ka na din!"
Sigaw ako ng sigaw. Tinadtad ko siya ng saksak. Galit na galit ako, kaya baon na baon ang bawat pagtaga ko sa kanya.
Gaya ng ginawa niya sa ina ko ay nilaslasan ko din siya sa leeg. Nangisay siya at halos tumirik ang mata niya.
Gigil na gigil ako kaya pinaghiwa-hiwalay ko ang katawan niya.
Bukas malalantad ang hustisya ng pagkamatay ng Ina ko.
Ikakalat ko sa mga kalye dito sa garay ang hiwa-hiwalay na katawan ni Rodolfo at bawat parte ng katawan niya ay may nakasulat na "Ang lalaking ito ang pumatay kay Gina Esteban. Adik siya kaya huwag tularan!"
Nakangiti ako habang kinakalat ng gabing 'yun ang katawan niya.
Tiyak na bukas ay pagpi-pyestahan din ang katawan niya.
Ang fiesta na ito ang tatak sa mga taga-garay.
E n d o f F l a s h b a c k . . .
Habang nasa loob ako ng kulungan ay nakita ko ang kaluluwa ng Ina ko. Nakangiti siya habang kumakaway saakin. Iba ang itsura niya. Tila ba masaya at walang bahid ng lungkot ang mukha. Gusto ko man siyang mayakap pero hindi ko magawa dahil malayo siya saakin.
Nagulat ako ng hawakan ako bigla ng isang matandang lalaki sa kamay ko. Naalala ko, siya 'yung matandang lalaki na nakasabay ko noon sa jeep habang papauwi ako dito sa garay. Hinawakan din niya ako sa kamay noon at sinabing may mahalaga akong gagampanan dito. Magiging susi daw ako sa isang kaluluwa na matagal ng pagala-gala.
"Sino ka'yo?" Tanong ko matapos niyang hawakan ang kamay ko.
"Isa akong black angel. Binabawi ko na ang pagbukas sa ikatlo mong mata," saad niya saka siya naglaho ng parang bula.
Nakakatakot siya pero ang galing. Marami pa lang misteryo na nagaganap dito sa ibabaw ng mundo. Nakakatuwa lang dahil isa ako sa mga naka-saksi ng ganoong eksena na alam kong hindi nararanasan ng ibang tao.
Ang sampong araw ko sa garay ay masasabi kong pinaka-masaya na naganap sa buhay ko. The best sa Garay dahil dito ako namulat sa katotohanan na i-enjoy mo lang ang buhay mo dahil hindi mo masasabi kung kailan ka mamatay.
And yes, i decided na patayin na ang sarili ko. Pero bago ko naisipang gawin ito ay iniwan ko kay lola Arsenia ang mga perang naipon ko. Bago ako sumuko sa mga pulis ay binigyan ko muna ng sandaling oras na makasama si Lola. Tinitigan ko siya ng matagal habang natutulog. Napatingin din ako sa mga gamit niyang bulok-bulok. Sa dami ng pera ko ay tiyak na makakabili siya ng madaming gamit. Nag iwan nadin ako ng liham para sa kanya.
Masaya na ako at para saakin ay sapat na ang kasiyahan na nadulot ng pamumuhay ko dito sa mundo. Matagal kong hindi nakasama ang Ina ko at gaya niya ay gusto ko na ding mamahinga. Para din makasama ko na siya. Miss na miss ko na siya. Pero bago ko ito gawin ay humingi muna ako ng kapatawaran sa panginoon sa lahat ng nagawa kong kasalanan.
Pagkatapos nun ay inilabas ko na ang gamot na dala ko sa bulsa ko. Ininom ko 'yun at ilang sandali lang ay nangisay na ako. Unti-unti akong naghingalo at pagkatapos nun ay tuluyan na ako nilamon ng malalim na kadiliman.
Kadiliman na alam kong kapalit ay liwanag na galing sa langit.
Iyon lang, hindi ko alam kung tatanggpin ako doon.
Sana!
T h e E n d . . .