THIRD PERSON POV HUMAGIS ang lahat ng mga kagamitan na mahawakan ni Damien sa buong bahay niya. Tumatama ito sa iba't ibang parte ng pader, hagdan at sa mga kapwa kagamitan. Nangabasag ang mga ito at nagkalat sa sahig ang mga bubog. "HAAAAAHH!!!" Nangingibabaw sa madilim at tahimik na gabi ang mga sigaw niya at mga pagmumura niya. Madilim ang kanyang anyo at tila wala na sa katinuan. Ang mga tao naman niya ay tahimik na nakatayo at nakahilera sa tapat ng front door ng bahay niya, sa loob na bahagi. Lahat sila ay nakayuko ang mga ulo. Wala rin silang magawa at hindi rin sila pwedeng makialam hangga't nasa ilalim pa ng matinding frustration ang kanilang amo. Sa ilang taon na rin nilang nakakasama ang kanilang amo ay nasanay na rin sila sa ugali nito, na madalas ay sinusumpong dahil sa