Alvin Biglang tumaas ang dugo ko nang makita kong papalabas na ng shop ang gagong Joel Xavier, na ipinagpalit sa akin ni Liezel. "Dito ka lang. Maghintay ka lang muna dito." Mabilis akong bumaba mula sa motorsiklo ng tropa kong si Ronel. "Kalma ka lang, tol. May mga guwardya siya." "Alam ko ang gagawin ko, boy. Tinatarantado ako ng gagong 'to." Nakita kong patungo na sa kotseng nakaabang sa harapan ng shop ang gagong lalaking ito. Naroroon ang dalawa niyang guwardya at naghihintay. Ang isa ay pinagbuksan siya ng pinto sa backseat. Kaya naman nagmadali na ako. "Joel! Pare!" tinawag ko na siya bago pa siya makasakay sa loob. Kaagad din naman siyang huminto at lumingon sa akin. Mukhang nakilala naman niya ako at kaagad din siyang humarap sa kinaroroonan ko. "Sorry? Who are you?" tan