Liezel NAGISING akong bigla nang may maramdaman akong gumagalawgaw sa ilong ko. Pagdilat ng aking mga mata ay mukha ni Damien ang nasilayan ko. May kadiliman na pero nakikita ko pa rin ang maganda niyang ngiti habang nakatitig sa akin. "D-Darling..." Luminga ako sa buong paligid. Madilim na nga talaga at tanging lampshade na lamang ang nagsisilbi naming ilaw ngayon. Naririto pa rin kami sa silid niya. Muli akong bumaling sa kanya. "A-Ano'ng oras na? Nakatulog pala ako. K-Kanina ka pa ba gising?" Babangon sana ako ngunit nakayakap siya sa akin at bahagyang nakadapa sa kalahati ng katawan ko. Hindi na siya gaanong mabigat ngayon dahil nakababa na ang kalahati ng katawan niya sa kama. "Mga 5 minutes na siguro," sagot naman niya. Napatitig naman akong muli sa kanya. Maaliwalas ang any