CHAPTER 1
"Anak, I believe you already know my guests, Engr. Vaughn Angelo Castillo and Engr. Sapphire Vergara, sila ang hahawak ng bagong project natin. Yung pinapakiusap ko sayo na ikaw ang maghandle? Well, this is going to be your first project here in the Philippines." Sabi ni daddy habang pinapakilala nya ang mga bisita niya at makalapit ako sa kanila.
"Ahh opo, I know them already, they're my schoolmates way back in college." I smiled, kahit yung nararamdaman kong tension ay abot ng bunbunan.
I really hate what's happening right now. Seriously?! Yung rason bakit ako umalis noon sila pa yung una kong madadatnan pagbalik ko? Oh tadhana nagpapatawa ka ba?!
"Hi Louise! Welcome home!" Sabay abot ni Sapphire ng kamay nya at dahil sa ayaw ko namang mapahiya inabot ko ang kamay niya at ngumiti.
"Thank you."
Nilingon ko naman ang katabi niya na nakatingin lang din sa akin.
"Welcome back." Angelo is smiling ear to ear habang inaabot ang kanyang kamay sa akin.
"Thank you." Simple kong sagot while shaking our hands.
Nanlalamig ako sa nangyayari, his hand on mine gave a turmoil on my being. I still cannot believe that he is in front of me right now. It's been ages since I saw that eyes intently looking at me and his smile that lightens up my mood every damn time.
"Oi baks halika na kumain na tayo. Namiss ko ang Filipino food." Sabi ni Carrie na nakapag balik sa akin sa huwisyo. "Tita thank you po niluto nyo ang mga paborito ko!" Baling naman niya kay mommy.
I immediately pull my hand on his grip at umupo na sa aking upuan without staring them.
"Bakit, hindi ba kayo kumakain ng Filipino food ni Louise noong nasa US kayo?" Tanong agad ni mommy kay Carrie.
"Naku tita! Hindi nga nagpapawat yung dalawang Luis sa trabaho, delivery and dine out lagi ang peg ng dalawa, dinadamay ako sa diet nila pati sa pagpapakamatay sa trabaho, ewan ko ba." Malalaki ang matang tiningnan ko si Carrie. Tsk! Mapapagalitan ako sa pinag gagagawa ng baklang 'to eh!
As if on cue ay tumunog na naman ang aking phone, sumenyas lang akong sasagutin ko ang tawag pero hindi na ko nagabalang tumayo.
"Sabihin mo kay Luis umuwi na dito ng hindi na sya tawag ng tawag! Two weeks lang kayong maghihiwalay, nakakaloka!" Sabi ni Carrie na natatawa habang sumasandok ng ulam.
Gustong gusto ko ng sapikin sa Carrie ngunit hindi ko magawa kaya I just rolled my eyes on her. Nararamdaman ko ang bigat ng tingin ng nasa harapan ko. Pinag sawalang bahala ko iyon tsaka sinagot ang tawag.
"Someone wants to talk to you." Bungad naman ni Martin sa akin.
"Hello tita Louise, I miss you I asked dad if I could come to Manila with tito po and he agreed since we will have a vacation there also. See you soon! Yun lang po, I love you." Malambing na sabi ni Alexa. Luis' 5 year old niece, sanay magtagalog ang bata lalo na't Pilipino naman ang mga magulang nito at sinasanay ding magtagalog sa kanilang bahay.
"I miss you too baby and I can't wait to see you here. See you after 2 weeks but I have to go now because I'm already starving and you need to sleep because it's late." Sabay sipat sa aking relo. "You take care okay? I love you too baby! Bye." Sabay patay ko ng tawag at nagangat ng tingin.
There it is, the pair of eyes looking at me with full attention. I can even see his jaw moving. What is he thinking? Is he mad or something? I shrugged at the thought ng makita kong nakatingin sakin si daddy.
"I'm sorry dad, come on let's eat." Sabay sandok ng pagkain.
"Alright kumain ka ng kumain. Inihanda ko talaga ang lahat ng yan para sa inyo." Inabot naman sakin ni mommy ang isang putahe ng ulam.
"So anak, since andito na din sila engineer, ano ba ang gusto mong mangyari sa hotel na itatayo natin?"
Dad wants me to put up a hotel another addition to the chains we have na hinahandle ni kuya Arthur. Kuya Arthur, our eldest is handling the chains of hotels we have in the different parts of the Philippines. Kuya Nicolo, the middle child, is the one managing our restaurants since he is a chef by profession.
A month ago, when my parents visited me in New York, dad asked me to settle here in the Philippines. Tumatanda na daw kasi sila and they want our family to be intact, dad pleaded me to go home and his tactic? The hotel.
"Actually dad, I already have some inputs from my team about this. Let's not stick on what's "in" like the casino hotels. The concept we are thinking is about family, we could put up a hotel na may museum and shopping mall sa loob or even a park like Disneyland so the family could bond."
Nagiisip si dad ng lingunin ko sya, ngumiti lang siya sakin at bumaling ng tingin kila Angelo.
"What do you think Gelo?"
"Well tito, for me that's a good idea since mostly nga ng mga hotel dito sa Manila are casino hotels." Seryoso ang sagot ni Gelo kay dad at bigla na namang bumaling sa akin.
His voice run down through my spine and his stares are sinking deep into my skin. I am being conscious now and I don't even know why he still has this kind of effect on me. Pinakalma ko ang aking sarili habang pinagpatuloy ko na lang ang pagkain at pinilit na wag siyang intindihin.
In my peripheral vision I can see na asikasong asikaso sya ni Sapphire, nilalagyan pa siya nito ng ulam at kulang na lang ay subuan pa siya. That's good, they are still together up until now, mukhang worth it naman pala ang paglayo ko. Nasa ganoong pagiisip ako ng magsalita ulit si dad.
"It's settled then. Siguro'y after a week or two pwede na kayong maghanap ng lupa for that. Magpahinga ka muna ng ilang linggo Louise, alam kong busy sa US kaya it's time para makapagpahinga ka muna kahit papaano. Have a vacation first bago ka sumabak na naman sa trabaho. Andito din naman sila Angelo para tulungan ka since hindi ka naman lisensyado dito mas mabuting sila na ang magdesign just check and supervise everything and do the interiors." Lintanya nya.
"Oo nga mamasyal ka muna at magpahinga, kung gusto mo kami na muna ang bahala ni Gelo na magscout ng mga lugar na pupwede, then we will present it to you tsaka natin puntahan isa isa after few weeks para hindi sayang sa oras at hindi ka na din mahirapan." Sabat naman ni Sapphire.
"Well, anything that will ease your work will do. Mukha namang lagi kayong magkasama sa projects at gamay nyo ang isa't isa. Sabihan nyo na lang ako sa plans nyo, hindi ko na naman alam ang mga pasikot dito, you can do the works tapos I'll just have to approve everything that is needed, wala namang problema sakin." I said in a cold tone, I don't want to sound bitter but does she just rub it to my face that they're still together?
"We will still need you to be there, every step of the way since sayo naman yung hotel na itatayo and of course para mafamiliarize ka na din ulit dito sa Pilipinas since matagal tagal kang nawala." I can see the hopeful eyes of Gelo nang magangat ako ng tingin para lingunin siya.
"Okay if that's what you want. Though I don't need to familiarize myself more here because after the project I will have to go back to States. That's where my life is, dad and you know that, right?" Sabay baling ko kay dad na nakikinig lang sa usapan namin.
"Alright, enough of that. Kakarating mo pa lang pagalis na agad ang nasa isip mo. Tama na din ang usapan about the project tsaka na iyan matagal tagal pa yan matatapos. For now, tapusin nyo na muna ang pagkain at ienjoy mo muna ang Pilipinas." Napangiti naman ako sa panenermon ni mommy.
I know to myself that I can't stay here long. Yes, I want to be with my family because I miss them but my life is already in US. Pupwede naman akong umuwi every time just to be with them but only for vacation.
Nang matapos ang lunch ay lumipat sila daddy sa sala habang si Carrie naman ay umakyat na sa kwarto ko. Sinasalansan ko na ang mga plato para maayos ng madala sa lababo at mahugasan, sanay ako sa mga ganitong gawain. Bata pa lang ako sinanay na kami nila mommy na hindi dapat inaasa sa katulong ang mga bagay na pupwede mo na namang gawin. That's why hindi rin ako nahirapang mamuhay magisa sa States.
Nasa kabilang panig na ako ng lamesa ng napansin kong may naiwan na cellphone dito, nasa pagitan iyon ng upuan ni Angelo at Sapphire kaya hindi ko alam kung kanino. Dinampot ko ito at lalabas na sana para magtanong ng marinig ko si Angelo na nagsalita.
"Sige po tito susunod po ako kukunin ko lang po ang phone kong naiwan." Bigla akong kinabahan sa boses niya. So this is his. Hindi ko alam kung iaabot ko ba sa kanya ang kanyang cellphone o ilalapag ulit sa lamesa at aaktong kakakita pa lang pero huli na para ilapag ko pa ito dahil nakita na niya kong hawak ang kanyang phone.
"Ahh, sayo pala 'to. Lalabas na sana ko para itanong." I simply smile at him at inabot ang kanyang cellphone.
"Oo, nakalimutan ko. Salamat. So, uh-hmm kamusta? Ang tagal mong nawala." I can't figure out the emotions in his eyes, the combination of happy and longing maybe?
"A-ayos naman. Kayo kamusta? I've heard isa ka na sa most in demand na engineers dito ahh. I am glad na naabot mo na yung pangarap mo."
I am really happy for him, this is his dream since then, ang isang maging kilalang inhinyero sa bansa. Taliwas sa gusto ng parents nya na maghandle siya ng airline business nila.
"I am too. Thank you. Eto din kasi ang gusto mo noon diba? Sabi mo kasi noon, kapag narating na natin yung gusto natin marating magpapakasal ka na sakin..." i saw a glint of smile on his face tsaka biglang tumalikod na.
ANO DAW?! Did he just said that out loud? Naiwan akong nakatunganga lang sa pintuang nilabasan niya. What the fudge?! Ano bang pinagsasasabi ng lalaking to? Does he even realize what he is saying? Matagal na kaming wala pero bakit kailangang ibalik pa ang usaping iyon? Buti hindi ito narinig ni Sapphire.
Ang mas malala ay bakit ganito ang nararamdaman ko? Why I felt like happy na naaalala nya pa pala ang mga sinabi ko noon? This is not freaking good. I'll be in a deep sh!t if this will continue.
-----
Flashback
"Hon, wake up. It's almost lunch. Pinapa gising ka na ni tita kakain na." I heard knocks from my door pero hindi ko pa din pinansin iyon. Antok na antok ako sa pagrereview at paggawa ng plates ng nagdaang gabi. Nang hindi pa din ako tumayo para pagbuksan si Gelo ay kusa na itong pumasok.
Nagkalat pa ang mga libro, papel at ballpens sa kama. Naramdaman kong isa isa itong niligpit at tinabi ni Gelo. We are already in our fourth year college, classmates kami sa halos lahat ng subjects kaya rin madalas kaming sabay gumagawa ng homeworks at plates.
"Hay kawawa naman ang baby ko pagod na pagod." Naramdaman kong lumundo ang kama sa kabilang gilid pati ang kamay niyang humaplos sa pisngi ko. Nagtakip pa ko ng mukha dahil alam ko at nararamdaman ko ang bigat ng tinggin niya. Kahit na sanay na kami sa isa't isa ay nahihiya pa rin ako ngayon dahil naabutan nya akong tulog at walang ayos. Tumawa naman sya at niyugyog ang aking mga balikat para ako'y gumising na.
"Come on hon, get up na. Hindi ka na kumain ng breakfast, maglulunch na." Nakabusangot akong umupo sa kama at sumandal sa head board na hindi pa rin nagmumulat ng mata. Bigla kong naalala na may game sila ngayon at usapan namin ay manonood ako. Pero dahil inumaga ako sa pagrereview dahil sa sunod sunod na quiz na naka line up ay hindi ako nagising kanina.
"Hon, sorry. Hindi ako nakapanood ng game mo. Late na po kasi ako nakatulog eh. Hindi ako nagising sa alarm. Sorry." Ungot ko.
Naramdaman kong umuga ang kama hudyat na lumapit siya sa akin, inabot niya ang mukha ko at pinanggigilan.
"It's okay hon, you don't have to worry about it. Nanalo naman kami eh tsaka ikaw pa din naman inspiration ko sa game. Pero dahil jan, you have to come with me today. Samahan mo ko sa mall, bibili tayo ng gift for mommy's birthday on Tuesday. Kaya halika na bilis get up na."
Napamulat ako ng mata at agad na yumakap sa kanya. "Kahit na, sorry pa din. Nagpromise ako eh." Nakalimutan kong birthday nga pala ni tita and I should buy her a gift too. Masyadong maraming iniisip ngayon na nakalimutan ko na ang mga bagay bagay. I should update my planner to be more organize.
"Okay na hon. Hay, pakasalan mo na nga ako para hindi ka na mapagod, ako na ang bahalaa sa lahat sa bahay ka na lang doing whatever you want." Bulong niya habang naka yakap sakin ng may pagiingat.
"Hon, promise kapag stable na tayo. Kapag naachieve na natin yung gusto nating marating as individuals. You will not gonna ask me twice, yes agad ang sagot ko." Lumayo ako sa kanya ng bahagya at mataman siyang tiningnan.
"I know baby and I will hold on to that. Give me four years hon, then we'll have our happily ever after. But for now you really have to kiss me and prepare for lunch. Come on." Ngumuso naman ako sa kanya. Napaka demanding talaga nitong lalaking 'to.
"Ayoko nga, hindi pa ko nagtotoothbrush. Mauna ka na sa baba susunod na ko." Tatayo na ko sa kama ng pilgilan ni Gelo ang kamay ko and gave me a peck on the lips. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya at sinamaan ko siya ng tingin.
"Hon naman eh! You're such a bully!" Sabay hampas sa balikat nya.
"Hon, I don't care if hindi ka pa nagtotoothbrush or hindi ka pa naliligo okay?" Tumatawa siya at pinanggigilan na naman ang mukha ko. "I love you and that's all that matters. Sige na magprepare ka na. I'll wait for you downstairs." Pagkasabi noon ay tumayo na ito sa kama at lumabas ng kwarto. Habang ako naman ay pigil na pigil ang kilig.
Sobrang swerte ko kay Gelo. Maalaga, sweet, sya ang madalas na umiintindi sa mga tantrums at hinaing ko sa buhay. He is everything that a woman needs and I need him. It's been two years, we, being in a relationship, he was my block mate on our first year kasabay non ay ang panliligaw nya on mid semester na. Second year na kami nung sinagot ko sya, from then on hindi na talaga humiwalay ang mokong sakin dahil lagi na kaming magkasama.
We have ups and downs through our relationship, madalas nagaaway, nagkaka tampuhan but we see to it na naaayos agad at napag uusapan namin ang differences namin. Two strong years together and counting.
-----
"Huy baks! Kanina pa naman ako kuda ng kuda anone tulaley ka jan!" It's Carrie bringing me back to reality.
"Ano ba yun? Sorry, mejo nararamdaman ko na ngayon ang pagod sa byahe." Palusot ko, alam kong tutudyuin na naman ako nito kapag nalaman niyang inaalala ko ang samin ni Gelo noon.
Paniguradong papagalitan na naman nya ko, she knows what I've been through noong naghiwalay kami. Nahirapan akong mag move on at ngayong nakita ko siya ulit. Tila ba ibinabalik noon ang alaala ng nakaraan, the good and the bad things we had. I thought that I already forgot everything about him but I am wrong. I know I am wrong, nang makita ko sya kanina nahalungkat lang non ang mga ibinaon kong emosyon para sa kanya.
Galit at sakit. Galit para sa aking sarili kung bakit nangyari ang mga bagay bagay. Galit kung bakit may kakaiba na naman akong nararamdaman. Sakit, now that I reminisce those times we had, things could have been better with different decisions, but I chose this so I have to face this.
"Sabi ko po eh napaka landi naman talaga nyang si Sapphire kung makadikit naman kay Gelo, asikasong asikako yung mokong. Nakakairita!" Padabog pa itong sumampa sa kama.
Kahit noon pa man ay mainit na ang dugo ni Carrie kay Sapphire, she's smart and talented, kaya feeling ni Carrie ay inaagaw noon ni Sapphire ang atensyon ng mga kaibigan namin. Though isa isa nga silang lumalayo samin ni Carrie and all of a sudden, it's just the two of us. Kaya rin siguro napapayag ko syang sumunod sa akin sa New York.
"Ahh hayaan mo na. Ang tagal na din nila eh. I am happy for them. Specially to Gelo, successful na sya sa field nya."
"Hoy hoy ano yan?! Wag mong sabihing bumabalik na yang feelings mo ha?! Aba iha, wala ka pang isang araw sa Pilipinas!" Taas kilay na sabi nya. Eto na nga ba ang sinasabi ko, she knows me so well at wala akong naitatago sa kanya. But that doesn't mean na magpapahalata ako sa kanilang lahat.
"Hindi no! I am just genuinely happy for him. It's takes a lot of courage para sundin mo yung passion mo habang sinusunod mo din ang parents mo. We all know na hinahandle din nya yung family business nila and I guess he's doing good."
Yes. I am posted on what's happening here in the Philippines kahit nasa malayo ako. I don't know why, pero kapag dinadalaw ako nila mommy or nila kuya sinasabi nila ang mga updates sa mga taong nakapaligid sakin noon, lalo na kay Gelo. Isa pa, laman din siya ng mga architectural magazines of Asia, branding him one of the most in demand engineer in the country na unti unti na ring nakikilala in and outside Asia.
"Well magaling nga sya. Pero hindi pa rin maaalis nun ang bwisit ko sa hitad na kasama nya." pagmamaktol pa din ni Carrie.
"Hayaan mo na nga ---" Naputol ang sasabihin ko ng may narinig akong kumakatok sa pinto.
"Pasok po!"
"Baby ko! Namiss ko ang prinsesa ko." Mahigpit akong sinalubong ng yakap ni kuya Nicolo. I miss my brothers so much lalo na ang isang 'to. Kuya Niccolo and I are really close, madalas din kaming magaway noon pero never nya kong natiis.
"Namiss din kita kuya! Sila kuya Art wala pa?" Sinipat ko ang pinto dahil akala ko ay sabay sabay silang dumating.
"Wala pa baby baka mamaya pa yun mga hapon. It's Friday at baka hinihintay pa ang kambal matapos sa school. Ang daya mo naman, ako ang nandito iba hinahanap mo." Nagtatampo nyang sabi. Natatawa naman ako sa kanya kaya niyakap ko sya ng mahigpit.
"Hi babe!" sabat ni Carrie mula sa likod ko.
"Babe ka jan! Andito ka na din? Tss." At eto na naman po kami, magbabangayan na naman sila na parang aso't pusa.
Sanay na ko sa dalawang 'to, hindi ko nga alam pero noong bago pa ako umalis ay close naman sila. Kung kelan naman bumalik kami ay dun nagaway. But I know better, alam kong may gusto si Carrie kay kuya since then, hindi ko nga lang alam ang score sa pagitan nila. Last serious relationship kuya had was years ago, alam kong nasaktan siya ng todo ng iwan sya ni ate Eli noon, after that? Kaliwa't kanan na ang pambababae nya.
"Alam mo grabe ka sakin, lagi mo na lang akong ginaganyan. Miss na miss pa naman kita love ko." Paglalambing ni Carrie kay kuya, nilapitan pa niya ito at akmang yayakapin dahil nakalayo na ako kay kuya. Agad namang dumistansya ang aking kapatid para hindi siya mayakap ni Carrie.
"Ay Carrie tigil tigilan mo ko ahh! Love love ka jan baka mabigwasan pa kita. Baby ko, bababa muna ko ahh sumilip lang talaga muna ko pero ang totoo nagugutom na ko kakain muna ko, then I'll be back okay?" Pagpapaalam niya sakin, mukhang natakot ata sa kaibigan kong may pagka abnoy din. Nginitian ko lang si kuya at tinanaw ang kanyang likuran habang papaalis ng aking kwarto.
"Ay talaga tong kapatid mo masyadong pakipot! Teka baks susundan ko lang." Dali dali namang tumalikod ang kaibigan ko para sundan si kuya.
Natatawa na lang akong umupo sa kama at ipinatong ang aking bagahe dito. Maguumpisa na akong mag unpack ng gamit para sa mga susunod na araw ay hindi na ako mahirapan. Kakaunti lang naman ang dala kong damit dahil hindi naman malamig dito sa Pilipinas, mostly mga pangopisina lang ang dinala ko dahil alam ko sa sarili kong babalik din naman ako pagkatapos ng project dito. Hinahanger ko na isa isa ang aking mga damit para hindi makusot ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Pasok po." Bumukas ang pinto at nagulat pa ko ng nakita ko ang taong nasa tapat ng pintuan.
"Hi Louise, umakyat na ko magpapaalam lang sana ko kasi aalis na kami. I am really thrilled in working with you soon." Sapphire with her plastered smile. Nilingon ko sya ng may pagtataka. Hindi ko alam bakit nagpapaalam pa siya sa akin hindi naman na kailangan, si daddy naman ang kausap nila at hindi ako.
"Oh I see ingat kayo. I am too. See you soon then." Nginitian ko lang siya ng tipid, ngunit nakita ko sa mukha nyang may gusto pa syang sabihin dahil hindi rin siya agad lumabas.
"And by the way, I hope you're not back for Gelo because I won't let you. You hurt him before and he's healed now. I believe he's already happy, kaya please lang wag mo na sana syang guluhin. Sige una na ko." Sabay sarado niya ng pinto.
Natigagal ako sa sinabi niya. WOW! Just wow! What is she talking about? I know where I stand but why the hell is she telling me this?! Mejo malakas din ang loob ng babaeng ito. Si Gelo nasaktan at ako hindi?! He's healed and they are happy now and I got that. Pero dapat pa bang ipamukha sakin?! Akala ba nya ay aagawin ko sa kanyan si Gelo?
-----