ALLY'S P.O.V. Halos takbuhin ko na ang labas ng mansyon upang makasakay agad ng kotse kailangan kong pumunta ng Cebu. Malakas ang kutob kong may hindi magandang nangyari kay Frits. Pagkasakay ko pa lang sa kotse ko. Tinawagan ko na agad si Teo. "Bakit ka napatawag?" "May mga tauhan ka ba'ng malapit sa ginagawang kumpanya namin diyan sa Cebu?" "Malayo sila, bakit?" "Mga ilang oras bago sila makarating doon?" "Bakit nga? Anong problema?" "Damn it! Teo, sagutin mo ang tanong ko!" Pasigaw ko sa kanya. "Relax, okay thirty minutes biyaheng impyerno ang takbo." "Please, sabihin mo sa mga tauhan mo na tingnan si Frits do'n." "Maya nangyari ba sa kanya?" Tuluyan na akong umiyak. "Tumawag siya kanina sa'kin. He asking for help, parang may nangyaring masama sa kanya at binabanggit niya an