Chapter Ten: Game On

2134 Words
[Ivana's] "Mom, why did you go home early?" tanong ni Tyler sa'kin no'ng umuwi ako. Sinadya kong agahan ang pag-uwi para matawagan si Mr. de Guzman. I need to talk with him regarding what had happened today. "It's because I want to see you so bad," I lied. Buong araw kasi akong wala sa sarili at pauli-ulit kong iniisip ang nangyari noong umaga kaya umuwi na lang ako. "Don't you miss me, baby?" "I miss you too, mommy. So, where's my magazine?" pag-iiba niya sa usapan. "Go and get that paper bag," turo ko sa paper bag na nakalagay sa couch sa harap namin. Tumakbo naman si Tyler at agad kinuha ito. "Your magazines are inside. Check them out, baby." Noong pauwi ako ay dumaan muna ako sa shop ng kaibigan ko at bumili ng magazine para kay Tyler. "Wow! You bought me five magazines, mommy!" he exclaimed with joy. Kumunot ang noo ko at tinapunan ng tingin ang mga hawak niyang magazine. "I did?" naguguluhang tanong ko. I snapped when I realized something. Wala pala ako sa sarili no'ng binili ko ang mga `yon. Gano'n ba ako kawala sa sarili at hindi ko napansin na lima pala ang binili kong magazine? "Yeah. You did, mommy." "Okay. Come here and let's see what's inside your magazines." Agad tumakbo si Tyler at kumandong sa'kin habang hawak ang paper bag. "Look at that man, mommy. Isn't he handsome?" tanong niya sa'kin habang tinuturo `yung lalaki sa cover ng magazine. "Hmmm. Let me see." Tinignan ko ang lalaking cover ng magazine at sinabing, "You're way better than him when you grow up, baby." "You think so, mommy?" tanong niya. "Oo naman anak." Kadugo mo pa rin ang tatay mong businessman kahit paano. I wonder how's his business going? Nawalan kasi ako ng pakialam sa mga bagay na may kinalaman sa kaniya. We were browsing the magazine when my phone vibrated. Someone texted me so I checked my phone to see the message. Si Dianne ang nag-text sa akin at sinabi niyang may kliyente kami bukas. Nag-reply ako sa text niya at sinabing maaga kami bukas para i-ready ang mga paintings. I was busy texting with Dianne when my son asked me something. "Mommy, can you read this man's name?" "Okay. His name is Gene Marcus Carter," basa ko sa pangalan ng lalaking cover ng magazine. "His name is nice, mommy." Yeah, his name is..... teka lang! Nanlaki ang mga mata ko no'ng nag-sink in sa isip ko `yung pangalan na pinabasa sa'kin ng anak ko. "He's the most handsome among the other men in the magazine. Look, mommy, we have the same eyes!" turo pa ng anak ko sa mata ni Gene. Out of shock and nervousness, I grabbed the magazine from him and put it on the paper bag. "Uhm, Tyler? Let's not see what's inside that magazine, okay?" ani ko. "But why, mommy? I want to see it," he argued. "No, baby, you can't." "I want to see it, now." I froze in shock. Why does he look like his father when he's mad? And the way Tyler looks at me right now reminds me of how Gene would stare at me when I piss him off. "Don't look at me like that, Tyler," I warned him. I really don't want to accept tye fact that he inherited more of his father's facial features more than mine. Malaki na nga ang galit ko kay Gene tapos nadagdagan pa dahil sa kamukha niya ang anak ko. I know I sound unreasonable but I don't care. Sinisisi ko siya dahil kamukha niya ang anak ko. "Just..... gimme that magazine, mom. I want to see it." Matigas talaga ang ulo ng batang ito kaya minsan ay binabatukan ko dahil sa inis. "Nope, you can't have this one. Huwag mo na naman akong kulitin, Tyler," sita ko sa kaniya. He pouted his lips and folded his arms on his chest. He even gave me a sharp stare which again, reminds me of his father. Pinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim. “Fine. Here, take it and behave yourself, Tyler. Pupunta muna ako sa kusina para magluto ng dinner natin,” ani ko sabay abot sa kaniya ng magazine. "Thank you, mommy," sagot naman niya. I just nodded before heading out to the kitchen. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang nangyari kaninang umaga. I still can't believe that we met after how many years. Hindi nabawasan ang galit ko sa kaniya kahit ilang taon na ang lumipas. Just by simply seeing him brings back my old painful memories. Kailan kaya ako makakalimot? Kailan kaya mawawala `yung sakit? Akala ko kasi nawala na pero na-realize kong hindi pa pala noong nakita ko siya. "Mommy! Come and look at this! Hurry!" malakas na sambit ni Tyler. Tinigil ko muna `yung ginagawa ko at naglakad papunta sa sala. "What is it this time, Tyler?" I asked. "Look at this huge building, mommy. When I grow up, I want to build my own building as big as this one!" aniya habang tinuturo ang picture ng malaking building ng Carter Empire. Teka lang..... Carter Empire? Tinignna ko ng mabuti ng picture tsaka binasa ang caption sa upper right ng picture. Gene owns this huge building that my son wants to have when he grows up. Tinignan ko na lang ang anak kong masaya habang nakatingin sa picture. Bakit naman kailangan mo pang sundan ang yapak ng tatay mo anak? Paano na lang ako? Bakit parang siya ang gusto mo kahit ako naman ang kasama mo? "Don't you want to become an engineer or an architect? Maganda naman ang mga trabahong `yon anak," untag ko. I'm still hoping he would change his mind when he grow older. Pwede pang magbago ang gusto niya kapag lumaki na siya. "I don't want any of those, mommy. I really want to run my own business in the future," diretsang sagot niya. Hindi na lang ako nagsalita dahil naghihina ako. If that's what he wants then I hope he won't grow up so fast but who am I kidding? Mabilis siyang lumaki at alam kong determinado na siyang maging isang businessman. "Alright if that's what you want. Babalik na ako sa kusina at tatawagin na lang kita kapag ready na ang hapunan natin, okay?" "Yes, mommy." Nagluto na ako ng dinner namin at kumain na rin kami ng maayos. Ngayon ay nandito ako sa balkonahe ng kwarto ko para magpahangin. I have to call Mr. de Guzman and tell him about this morning. “Good Evening, Mr. de Guzman. Pasensya na po dahil napatawag ako kahit madaling araw na riyan sa Pinas," paumanhin ko nu'ng sinagoy niya ang tawag. "I'm fine. I'm already up before you called. Why did you call?" he asked. Napalunok muna ako bago nagsalita. "Nagkita kami Gene noong umaga sa gallery ko. I wasn't expecting that he's our VIP client kaya nagulat ako." "Maybe this is the perfect time for you to finally do you plan, right? Ito na ang pagkakataon mo para gawin ang matagal mo nang pinaplano," aniya. Tama siya, baka ito na nga ang tamang panahon para gawin ang plano ko, ang plano namin. "Ano ang unang gagawin ko?" tanong ko. "Don't proceed with the plan yet. Tsaka na lang kapag nagkita ulit kayo pero kailangan mo munang ipakita sa kaniya na hindi ikaw si Ivana. Kilala ko si Marcus at alam kong nagdududa pa rin siya sa pagkatao mo at gagawa siya ng hakbang para patunayan na ikaw si Ivana," paliwanag niya. Kinabahan ako roon dahil alam kong gagawin ni Gene ang sinabi niya. He will investigate and look for loopholes. ”I spent years practicing what to do when we finally see each other but when he was standing right in front of me, I was out of words. Luckily, I still managed to entertain him." "Don't overthink and relax for now. Basta alalahanin mo `yung mga sinabi ko sa'yo. Huwag kang magpadala sa galit mo. Kailangan mo munang isantabi ito para magawa mo ng mabuti ang plano," paalala niya. "You're right. I have to strengthen my mind and think for the best solution. Thank you for reminding me, Mr. de Guzman. Wala kami ngayon ng anak ko kung hindi mo ako tinulungan noon." I'm so grateful that he saved me that night. Hanggang ngayon ay talagang sobra ang pasasalamat ko sa kaniya. He's a good man, really. "Don't mention it. Basta mag-ingat ka at pakisabi rin kay Tyler na miss ko na siya." He really loves Tyler. Palagi niyang binibigyan si Tyler ng mga laruan at pera kaya spoiled talaga ang anak ko sa kaniya. "Yes, I will tell him." "I have to go now. I need to get ready for work," paalam niya. "Alright. Thanks for the time," ani ko naman. Binaba ko na ang tawag pero nakatulala pa rin ako sa kawalan. I can do it, right? Kakayanin ko para kahit paano. Bumalik ako sa loob at sinara ang pinto ng balkonahe para matulog ngunit inagaw ng magazine na nakalapag sa kama ko ang aking atensyon. Si Gene ang cover nito at karamihan din sa content ng magazine ay patungkol sa kaniya at sa kaniyang business. It was too late when I realized that I'm browsing the magazine. "So, he's this successful now," mahinang bulong ko. Binasa ko ang written interview sa kaniya at doon niya sinabi na lumago ang sarili niyang business. Patuloy akong nagbabasa sa mga interviews niya noong may nahagip ang mata ko. Tinanong siya kung may balak siyang mag-asawa tapos ang sagot niya ay wala siyang balak na mag-asawa dahil may sinayang siyang pagkakataon. He said, "I did something terrible in the past hence, I don't plan to get married. I was an idiot that's why I let the chance slip off from my hand. I wasted my lifetime commitment because I was so selfish and self-centered. I regret everything but I can't undone the damage I had created." It's a good thing that he regrets what he did but is that true? I nearly died because of him and his selfishness to keep me for himself. Binaril ako pero hanggang ngayon ay hindi ko pa kilala kung sino ang bumaril sa akin. Ang sinabi ni Mr. de Guzman ay hahanapin niya ang bumaril sa'kin pero hanggang ngayon ay wala pang lead. He told me to keep it a secret dahil malalaman nila na buhay ako kapag nagsampa ako ng kaso. Sinara ko na ang magazine dahil madami na akong nabasang article tungkol sa kaniya. I've read enough but I still have no idea how to fool him completely. He fooled me in the past and now is my turn to fool him. Larong lokohan lang ang gagawin namin sa isa't isa. Humiga na ako sa kama at pinatay ang lampshade para matulog. Lumipas na ang kalahating oras pero hindi pa rin ako makatulog. Paikot-ikot ako sa'king higaan pero hindi ako dinadalaw ng antok. Dahil sa inis ay bumangon na ako at nagtungo sa kitchen para uminom ng tubig. Bumalik ako sa kwarto ko at umupo sa kama para hintayin na dalawing ako ng antok. Nakatitig lamang ako sa balkonahe hanggang sa narinig kong tumunog ang cellphone ko sa bedside table. Agad ko itong kinuha para tignan kung sino ang nag-text sa ganitong oras pero nagulat ako noong binasa ko ang laman ng text. "Good evening, Ms. Perez. I will be visiting your gallery tomorrow since I want to buy one more painting from you. I bet you're sleeping now so sleep tight and read my message when you wake up. This is Gene Marcus Carter by the way. Save my number." "Ghad! Why do I need to see him again tomorrow? Ayoko na siyang makita Lord!" Hindi ba pwedeng sa susunod na araw o next week ulit kaming magkita? Baka biglang maubos ang kasinungalingan ko kapag nagkita ulit kami. Ibabalik ko sana sa table `to cellphone ko noong tumunog ulit ito. May nag-text na naman at galing ulit ito kay Gene. "Which one do you prefer? Tulips or white roses?" "What? Why is he asking me?" Ano na naman ang balak niya? What's with his sudden action? Wala pang isang minuto pero may text na naman akong natanggap at galing sa kaniya. "I'll go with white roses then. Is it okay with you?" I know what he's plannig to do. Gusto niya akong bigyan ng puting rosas dahil `yon din ang binigay niya sa'kin noon. He's provoking me I guess. I do love white roses up until now but I have to pretend that I don't for the sake of my plan. "Sige, Gene. Simulan na natin ang larong gaguhan." Sisiguraduhin kong ako ang mananalo ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD