Nang araw na iyon ay nakauwe nga siya sa bahay ng mga ito. Di siya nito hinayaang makatanggi maliban sa umayaw siyang may nurse. Di naman siya imabalido. "Tita Gayle, help me please." Dinig niyang sabi ni Sydney sa kanya. Lumapit siya at tiningnan ang ginagawa nito, nandiyan naman ang mga magulang ni Polo maging ang kapatid nitong si Ace at Agatha ngunit sa kanya talaga ito lumalapit para magtanong. "Ano ba yan?" Tanong ko dito. Nag drawing pala ito, di niya lang matukoy kung ano ang bilog at pahaba. "I'm trying to draw a walking man." Sabi nito. Gusto niyang tawanan ang drawing pero baka magtampo ito sa kanya. "Give me another piece of paper and an extra pen." Sabi ko dito. Naupo ako sa mesa sa tabi nito. "I will draw step by step, then you just follow every line that I draw." Sabi k