Gayle pov
Antok na antok siya, sino ba kasi ang di antokin. Two hours lang ang naging tolog niya, kaya ang ending maaga silang nagsara at umuwe na siya agad para magpahinga.
Nang makauwe ay naabutan niya si Trina na nanonood ng tv ngunit tila tolog na din ang diwa nito mukhang pinipilit lang na imulat ang mga mata. Balak niya pa sanang asarin ang babae pero inaantok na din siya kaya hinayaan na niya. Dali dali siyang umakyat at inilapag ang mga dala niya. Kailangang makaligo siya medyo maalinsangan na naman kasi ang panahon at nagsuot ng malaking puting tshirt at short na itim.
Bumaba natolog na siya. Sa antok niya kahit harangin siya papasok ng kwarto ay walang makakapigil ng pagtolog niya.
Nagising siya naghilamos lang at toothbrush lang ay bumaba na siya, naabutan niya ang lalaking sinayawan ni allyson. Nakalimutan niya ang pangalan pero sure siya na ito yun.
"Hey, juice o juice?" alok ko dito sa dala kung juice. tumawa naman ito, susme ngiti palang ulam na. Sabagay gwapo naman talaga silang magkakaibigan.
Baliwalang kumain siya, habang todo interview ang mga tsismosa kung kapitbahay, haha choos ang mga kaibigan ko.
Maya maya ay may kumatok na naman, at lord, nagtama ang mata namin ni Polo ko, nalaglag ata ang aking pampers.
Iniabot naman agad nito ang pa bulaklak ni mayor, at syempre dahil likas tayong malandi at nagpahalik agad tayo mga kaibigan, joke lang, syempre demure lang ang inyong lingkod.
"Hi" narinig kung bulong nito, haist bakit ba kilikg na kilig ako, shitti naman talaga oo, pasimple akong napaayos ng bangs kung lihim.
"Hi, ahm gusto mo juice?" alok ko dito, tipong kaming dalawa lang ang makakarinig.
"Okay na ako dito", nanlaki ang mata ko nang makitang ang juice ko ang ininom nito, at tila sarap na sarap pa ito sa juice niya.
"That's mine, may laway ko na yan e." bulong ko dito, laway concious siya kaya naman ay napangiwi siya.
"Matamis naman ang laway mo." sabay kindat napalunok naman ako, sumasayad sa kalupaan ng pilipinas ang aking napakahabang hair. Nang aakit ba si papa Apollo ko, haist bakit kasi ang gwapo gwapo niya, napaka swabe ng dating manly kumbaga, tsaka yung mga ganito talaga ang tipo niyang lalaki. Dati sa internet at business section ko lang siya nakikita, now in flesh and take note katikiman ko na ng laway, ang haba talaga ng hair ko.
Napahagikhik ako ng lihim sa naisip ko, natoto na akong mag landi ngayon, kasama ang lalaking nakapag claim ng first kiss ko, how lucky this man naman talaga. Isipin mo yun first kiss niya ito with yakap pa o diba jackpot na tunay.
Kapwa kami tahimik kasi busy sila sa pag uusap ng mga anik anik nila sa buhay. Habang ako naman ay nananatiling high sa kilig na nadarama at ninanamnam ang pa flower ni Papa Polo ko.
Maya maya pa ay dumating na si Ally, sa wari niya'y mukhang trouble na naman ang balita nito, so yun nga masama naman talaga, ayon dito ay may humabol dito na tauhan ni mayor, ang admirer na pangit at drug addict ng kapatid nitong si Aviree.
Nagtanongan pa ang mga ito kung sino ang may baril, e kayang kaya na naman ni Trina ang mga iyon, silang dalawa palang ni Yumi baka ubos na ang kalaban, kaya lang syempre they have to consider the nieghborhood na baka madamay if ever na manlaban sila, tsaka may sinumpaan silang tungkulin, and that include protecting civilians what ever it takes.
Di pa man ako nakapag comment ay hawak na ako ni Papa Apollo ko, palabas ng apartment.
"Teka lang naman kasi." reklamo ko, paano kasi magkanda dapa ako sa paghila nito sa aking kamay. Haist di naman ako papalag, willing na willing naman akong sasama kahit di na siya nito ibalik walang problema.
"Act casually sweetheart," bulong nito sa akin, o diba may sweetheart na agad ako, nakakaloka ang life na itey, always running, tila ba ay nasa mission ako today, mabilis kaming nakasakay sa sasakyan nito, which is sedan, sabagay sa yaman nito e super afford nito ang ganito kagarang sasakyan.
"Naman kasi, wala akong bra, nanghihila ka nalang kasi agad agad." pinandilatan ko pa ito, wala kasi siyang bra di uso sa kanya ang ganun.
"Really?, Gayle nandun ang mga kaibigan ko, di ka man lang nag bra bago humarap." tila hilakbot pa ito, di naman halata paka oa pala nito, pero dahil pogi naman at crush na crush ko okay lang forgiven.
"Bakit ba, di naman nila nalaman, tsaka di naman halata." panganagtwiran ko na iniharang ko ang braso ko sa dibdib ko ng sinipat nito, tila kino confirm kung wala nga akong bra.
"Sabagay, it's so small to notice" sabi nito na mahina lang pero sapat na para marinig niya, biglang uminit ang ulo nya.
"ano??" mulagat ang mga mata na tanong ko dito, sasamain to sakin.
"Sabi ko maliit naman kasi," sabi nito na nakangisi, aba at inulit pa talaga ng damuho.
"Hello, cup b ako g*go, lahat ng lalaki naglalaway sa cleavage ko" gigil na gigil ako, how dare him na pintasan ako, uo gwapo siya. But it does not give him the right na pintasan ang boobs niya.
Kailangan niyang makaganti sa hinayopak na ito, pagbabayaran nito ang panghahamak at panglalait nito sa aking dibdib.
"Sobrang tangos ng ilong mo no, maganda ang pagkakagawa" kunwari sinisipat sipat ko pa, pero men ang gwapo niya talaga, kung di marahil pinintasan ang dide niya baka pinuri puri niya pa ito.
"Its not fake" tila naasar na sagot nito, napangisi ako mukhang nasaling ko ang di dapat masaling, the billionaires ego.
'One point Gayle, your doing great'
"Ows, di nga, promise di ko pagkakalat, fairness ah, di halata, saan mo pinagawa at magkano ang bayad?" konting konti nalang tatawa na ako.
"Are you making fun of me?" tanong nito nang bahagya kaming bumagal sa traffic.
"Ako fun, na ah I am super super serious here," sabi ko naman.
"I'm all genuine," mayabang na saad nito.
"I'm all genuine," pang gagaya niya.
"Are you saying something?" tanong nito, na interesado sa sinabi ko, gwapo sana kaya lang bingi.
Haixt bat ba english ng english to, nauubos yung baon niyang english.
"Wala ah, yung manibela ang kausap ko, hello traffic no, siguro pagod kana" sabay baling sa lalaki,
"See?" nakangisi kung baling dito.
"Crazy girl",nag ngingitngit ang kalooban ko, kailangan na makaganti ako.
"Saan tayo pupunta?" usisa ko dito, mamaya baka sa ilog pasig pala ang tungo nito at ihulog nalang siya, di niya maiwasang mapangiwi sa naiisip.
"Remember our deal?"
"Ah okay,"ngunit nang mag sink in ang sinabi nito ay napamulagat siya.
"As in now?, omg wala akong bra, ihaharap mo ko sa pamilya mo," mulagat na mulagat ako.
What the efF, napaayos ako ng upo, she never had a boyfriend and the dilema is she don't know how to act during meeting the family thing.
"Yes, now we are heading to the venue, and about your bra I'll just talk to your n*****s later, baby n*****s don't taunt later, so no one can notice you," sabi nito na kalmado pero may pang aasar sa gilid ng labi nito.
"Bastos yang bunganga mo, Paki lagyan ng alcohol." sikmat ko dito, humalakhak naman ito.
"Prude are we?"
"Wala kang paki hmmp, I never had a boyfriend" sabi ko.
"So?"tanong naman nito.
"So dapat practice muna, I don't know how to face the family thing,should I kiss all of them or what jezz, I felt so nervous" reklamo ko.
"Calm down miss virgin, so it means I'm your first kiss?" tanong nito.
"Eh ano ngayon, yabang nito, akala ko talaga magandang lalaki ka din gaya ni Jules, pero wala turn off." sabi ko, kumunot ang noo nito.
"Si Jules ang gusto mo pero sa akin ka nagpahalik?" kunot noo nitong tanong.
"Oo bakit, no choice lang ako nun, kaya ikaw nalang," sabi ko, nang marinig ko ang pagmumura niya ng paulit ulit ay napa ngisi ako.
'One point Gayle, galingan mo sa pag arte, wag mong ipahalatang lahat ng mga picture niya sa internet e mayron ka sa lappy mo, at wag na wag mong ipapahalatang pinag papantasyahan mo ang kanyang abs,' ngisi niya. Mas binilisan nito ang pagpapatakbo, siya kalma lang, nag headset at sumandal, bahala siya sa buhay niya, sanay siya na makipaghabol kay kamatayan. At chicken lang sa kanya ang pagmamaneho nito, boring nga kasi walang mga bala ng kalaban, at wala siyang dalang baril.