Kinabukasan ay nagisnan niya itong nag cecellphone. Gaya niya ay nakahilata pa ito sa kama. Di naman niya masilip kung ano ba ang ginagawa nito sa cellphone nito. Dahil baka sabihin nito tsismosa siya, kahit totoo naman. "Morning," sabi nito sa kanya ng makitang gising na siya. Medyo nangangalay lang ang balakang niya sa walang habas nitong pananalakay kagabi. "Morning, saan ka galing kahapon?"tanong ko dito. Ayos lang kung di ito sumagot at least nagtanong siya diba. "Sa office." tipid na sagot nito. Abala ito sa kung anong ginagawa nito sa cellphone nito. Sa ngayon ay gusto niyang malaman kung ano ba ang lagay niya sa buhay nito. Ang hirap kasing manghula lalo at lumalalim na ang koneksyon niya sa lalaki. Para at least alam niya kung saan siya lulugar o kung may lulugaran ba siya. "
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books