KATATAPOS lang nilang kumain that time at napagdesisyonan nilang manood ng TV, hindi gaya noon, flatscreen na ang nakasabit sa dingding at may nga adornong nakalagay sa salas nila. Nakaupo na rin sila sa malambot na sofa na may magandang lamesita na yari sa glass. Class na class! Naramdaman nila ang bugso ng ulan sa labas, parang may bagyo sa kamaynilaan. Agad naman silang naglipat ng channel para manood ng balita. Doo'y napag-alaman nilang tama nga ang hinala nila. Pasado alas sais na ng gabi that time, kaya medyo madilim na sa labas, isabay pa ang malakas na buhos ng ulan. "Naku, may bagyo, baha pa naman sa daan, baka mahirapan kayong umuwi," ani nanay Dorang na sinipat si Natasha. "Mommy, ayoko pang umuwi, maglalaro pa kami ni Luntian, please." Ani Levi na parang namimihasa na s