SABADO ng umaga nang araw na iyon. Flex decide not to work for a valid reason. May emergency kasi sa araw na iyon, may pagdiriwang kasi ang ate Fiona niya sa Manila Hotel, at dapat siyang pumunta kahit ang totoo'y ayaw naman talaga niya. Nasa isang bar na siya suot ang tuxedo na kailangang attire sa party. May hinihintay kasi siyang kaibigan, si Gido. Sasamahan siya nito sa party para hindi siya gaanong maumay sa pakikipag-sosyalan sa mga nandoon. Wala pang isang oras nang dumating ang kaibigan niya, gaya niya'y nakasuot ito ng tuxedo at halatang naghanda sa pupuntahang party. "Dude! Kamusta," ani Gido sa kaniya na agad siyang niyakap at tinapik sa braso. "Good to see you here, bro. Hindi ko alam na model ka na pala ngayon ah," ani Gido kay Flex. Ngumiti si Flex na noo'y napasuklay s