DUMATING ANG TAKDANG araw, biyernes na ng umaga. Nagising nang maaga si Natasha dahil gusto niyang mag-yoga. Alas siyete pa lang ng umaga ay uminom na siya ng kaniyang detox water at kumain ng cucumber at mansanas. Iyon ang daily diet niya kapag gusto siyang mag-detox sa kaniyang katawan. Nasa veranda siya ng oras na iyon, nakita niya ang mga katiwala niya na abala sa pagdidilig ng halaman sa kanilang garden. Hindi siya napansin ng mga ito kaya panay chismis lang sila habang nasa likod siya na naglatag ng kaniyang carpet. Naglagay din siya ng headset para ganahan siya habang nag-eehersisyo. Nang makapaglatag ay umupo siya at nag-squat habang nilagay ang dalawang palad sa unahan niya. Pumikit pa siya para makapag-focus, she is very relaxed today, animo'y pinaghahandaan niya ang date nil