ALAS OTSO na ng umaga nang magising si Natasha, napagod siya sa biyahe. Pati si Levi ay tulog pa rin hanggang ngayon. Marahan siyang bumalikwas at sinipat ang kaniyang cell-phone, nakalagay ang oras sa screen kaya halos mataranta siya nang maalala na ito ang unang araw nila sa Camarines Norte. "Jesus," sabi niya saka tumayo at sinuot ang tsinelas na nasa paanan niya. Pinuntahan niya ang balkonahe ng kaniyang bintana at sinilip ang nasa labas. Nandoon pa ang kotse at ang van, siguro'y hinihintay na siya ng kaniyang mga tao. Dali-dali siyang naghilamos at nagpalit ng suot, bahala na kung hindi man siya maligo, fresh naman ang mukha niya. "Okey na siguro 'to," aniya saka pa sinuot ang isang sando na kulay itim at isang shorts na parang nasa bahay lang siya. Marahang niyugyog niya si Lev