One day nalaman ko kung bakit medyo me ere sa tuktok tong si Marzon. Me dahilan naman pala talga kung bakit me kayabangan syang taglay. Nagkayayaan ang mga kaklase ko na magpunta sa Brgy. Janopol kung saan nakatira ang kaklase naming si Arlene Malabanan. Sya yung kaklase naming nag represent sa aming section para sumali sa Intrams ng school. At dahil Fiesta ng Brgy. Janopol ay nagpuntahan ang iba naming mga kaklase sa bahay nina Arlene, pero hindi ako sumama sa kanila kasi medyo strict ang Daddy ko. Hindi ako basta pinapayagan sa mga gala na kasama ang mga kaklase ko lalo na at may kalayuan ang lugar. Nagpunta sa fiestahan sina Marzon, Paul, Rodel at sina Ferdinand at iba pang girls na close ni Arlene.
Pag pasok ko sa school kinabukasan nag kukuwentuhan ang mga girls tungkol sa kaganapan sa fiestahan kahapon. Ako naman ay tahimik lang nakikinig sa kanilang usapan kasi wala naman akong ganap sa lakad nila.
"Alam nyo ba naging bisita rin nina Arlene yung dating teacher ni Marzon nung highschool at sinabi ng teacher ni Marzon na matalino pala talaga sya at Best in English sya sa school nila ng nag graduate sya! Kaya pala ang lolo nyo e laging slang kung mag salita ng Ingles!" may kalakasan ang boses na kwento ni Lilibeth.
"Kaya naman pala ganun ang datingan ni Marzon e, meron pala pinagmamalaki talaga." sabi naman ni Leila.
"Kaya pala napapansin ko na magaling sya sa mga quiz at exam, mahusay talaga sya kahit pa sa dating school nya." sabi naman ni Maureen.
"Pero in fairness hindi nya binubuhat ang sarili nyang bangko at ipinamamalita ang mga achievements nya sa dating school nya ha." sabi naman ni Arlene.
Batay sa naririnig kong pag uusapan ng mga babaeng kaklase ko, parang feeling ko lahat sila may crush na sa katalinuhan ni Marzon. Which I find it "weird", kasi sa dami nila baka naman pag awayan pa nila ang isang Marzon Padul no! opinyon ko sa sarili ko.
And speaking of the devil himself, pumasok sa pintuhan ang lalaking topic ng mga babaitang kaklase ko.
"Morning" bati ni Marzon pagkapasok nya sa pintuan ng classroom namin.
"Morning Marzon" halos sabay-sabay na bati ng grupo nina Lilibeth.
Dire-diretso naman na umupo sa likuran ng inuupuan ko si Marzon at kinulbit ako. "Wala pa ba si Paul?"
"Wala pa sya, hindi ko pa sya nakikita". sagot ko sa kanyang hindi sya nililingon.
"Wala pa din ang teacher natin?" tanung nya muli.
"Wala pa din, pero baka parating na yun kasi nakita ko si Mam Endaya sa faculty room kaninang nagpunta ako doon".
"Bakit ka nasa faculty kanina? Anung ginawa mo doon?" tanung nya ulit sa akin.
Patamad kong sinagot ang tanung nya ng "May iniabot lang ako na kakanin kay Mam Mary-Ann Abril. Nasabi ko kasi sa kanya na pag nagluto ang Tita Norma ko ng kakanin ay dadalhan ko sya".
"Ah okay. Meron ba para sa akin?" nagbibirong tanung nya.
"Wala kung para lang sayo, pero meron kung para sa tropa". medyo naaalibad-baran ko ng sagot sa kanya. Nayayabangan na kasi ako sa bitaw nya ng mga salita eh. Feeling close kasi.
Nagulat na lang ako ng tumayo sya at lumapit sa gilid ko. "Pahiram nga ng suklay mo? Meron ka ba dyan?" tinignan ko sya ng nakakunot ang noo ko habang binuksan ko ang bag ko at iniabot ang suklay na hinihiram nya.
Mas lalo akong nagulat ng pumuwesto sya sa likod ko at hinawakan ang buhok kong nakalugay at sinimulan akong suklayan ng buhok ko! Grrrr, anung pumasok sa utak nito at sinusuklayan ako? Nagugulumihanan kong tanung sa isip ko.
"Hoy anung ginagawa mo? Bakit ko ako sinusuklayan? Anung trip mo ha?" sunud-sunod na tanung ko sa kanya.
"Wala lang, gusto ko lang suklayan ka kasi magulo ang buhok mo eh. Tapos itatali ko to, meron ka bang pamusod ng buhok dyan? Bigay mo sa akin at itatali ko ang buhok mo". me pilantik pa ng kabaklaan na turan nya. Halatang nagbibiro na kunyari ay bakla sya na ikinatawa ng mga babaeng nag kukuwentuhan kanina tungkol sa kanya.
"Wag mo nga ako trip-in dyan Marzon, baka mabatukan kita. Akin na ang suklay ko at mamaya ako mag pupusod ng buhok pag tuyo na yan". inis na turan ko sa kanya.
"Ako na lang ang magtatali ng buhok mo baklang to. Wag kang mahiya sa akin, carry ko to ateng!" pagbabakla-baklaan nya ulit. Na ikinaaasar ko talaga.
Syang pasok sa pintuan ni Paul at nagmamadaling tumungo sa tabi ni Marzon sabay sabing, "Parating na si Mam, inunahan ko lang sya umakyat at baka mapagalitan ako pag nauna syang pumasok kesa sa akin". sabi pa nya.
Kinuha ko sa kamay ni Marzon ang suklay ko at dali-dali kong sinuklay at itinali ang buhok ko para nde maging sagabal sa klase namin sa Math mamaya.
"Good morning class" habang pumapasok ay bati ni Mam Endaya sa buong klase. Inilibot nya ang tingin sa amin at parang may hinahanap.
"Bakit parang kokonti kayo ngaun? Sino ang wala pa sa klase ko? nag aantay ng sagot mula sa amin ang guro pero wlang sumasagot sa amin. Medyo terror kasi si Mam Endaya na guro. Nang magsabog ata ng pagka-terror si Lord sinalo ni Mam Endaya at ni Mam Malabanan ang mga katangiang ito. Pero take note ha ang huhusay nilang mga guro. Matututo ka talaga sa kanila kasi pipilitin mong aralin ang subject nila kung ayaw mong mapahiya pag hindi ka nakasagot sa recitation nila.
"Okay, mag roll call na lang tayo para alam ko kung sino ang wala sa mga kaklase nyo. Late na nga ako dumating pero mas late pa sa akin ang iba nyong kaklase ah". at nagsimula ng mag roll call si Mam.
Natapos ang klase namin sa Algebra at recess na kami. Magkakasama kaming nagpunta sa tambayan namin doon sa me dalawam-piso na shade sa sulok ng school namin. Doon ko inilabas ang dala-dala kong kakanin at pinagsaluhan namin ng mga kaklase ko. Ang iba ay may mga baon at ishinare din nila sa lamesa para matikman ng lahat.
"Guys, mag-ilog tayo gusto nyo?" tanung ni Rodel sa amin.
"Uy, game! San naman tayo mag pupunta na ilog ha?" tanung naman ni Rosalie Oñate.
"Dun sa Darasa, me ilog kami doon, pag aari ng pamilya namin!" tatawa-tawang sagot ni Rodel.
"Sige-sige planuhin natin yan kung kelan tayo mag iilog!" excited na sagot ng karamihan sa amin.
Ako tahimik lang, nde ko kasi alam kung makakasama ako kasi nga strict ang Daddy Romy ko.
To be continued....