CHAPTER 3

2688 Words
Handa na ang lahat para sa araw ng ipapakilala na ang may ari ng H.C Builders. Lahat ng nabigyan ng imbitasyon ay nasa loob na ng malaking kwarto, ngunit ang pamilya Taté ay nagmamadali sa pagbibihis dahil sila na lang ang huling nakakuha ng imbitasyon. Ang nakaka insulto pa dito ay hindi sila kilala ng may ari H.C builders kahit ang totoo ay sinadya ito ng binatang si Hayes. "Makilala ko lang ang sinasabi nilang CEO ng H.C Builders i will pay that human!" galit na wika ni Mrs. Taté. "Mom, relax na okay ang importante makaka punta na tayo kahit late." pag papakalma ng dalaga sa kanyang ina. "Yes you're right Cat, late sobrang late! Halos kabibigay lang sa atin ng imbitasyon na ito 15 minutes ago! Tapos ang sabi ng sekretarya niya? Hindi tayo kilala?" hysterical na tanong ng ginang. Napa buntong hininga na lang ang anak nito at nag salita naman ang ama ng dalaga na asawa naman ni Leona Tate. "Nandito na tayo, umayos kayo ayoko masira ngayong gabi." paalala ni Mr. Caezar Taté sa kanyang mag ina. "Okay dad." sagot ng dalaga. Nang tumigil ang sasakyan lumabas na ang pamilya Taté at agad sa kanila lumipat ang lente ng camera. SA KABILANG BANDA habang papasok ang pamilyang sumira sa buhay ng binatang si Hayes. Naka tanaw ito sa isang silid na kahit isang ilaw ayaw walang naka bukas. Kitang kita niya ang pag galaw ng pamilya Taté habang kumakaway sa mga tao at sa harap ng camera. Wala itong imik at wala din itong kasama, gusto niya siya lang ang kikilos mula dito hanggang pag tawag sa kanya sa mamaya. Nang makita niyang wala na ang pamilyang sinadya niyang hindi bigyan ng maagang imbitasyon, Kinuha nito ang kanyang Mask at sinuot na. Nag lakad ito patungo sa isang sekretong kwarto para mabilis siyang maka punta sa grand hall ng kanyang hotel. Nang makapasok ang huling pamilya na hinihintay sa Guest list at agad naman sinara ang pinto at ang mga bisita ay kanya kanya ng pwesto habang inaalalayan sila ng bawat tauhan ng binatang si Hayes. Nag taka naman ang pamilya Taté dahil ni isa ay walang nag a-assist man lang sa kanila. "Ano ba itong party na ito? Lahat ng angkan o pamilya na narito may nag aasikaso tapos sa atin wala?" tanong ng ginang na si Leona Taté. Mag sasalita pa lang sana ang asawa nitong si Caezar ng may lalaking damating at nag salita. "Sorry ma'am, nasa last guest list kasi kayo. Inutos na lang ni Big Boss na isama kayo at gawan ng bagong invitation card kasi nag pumilit po kayo." naka ngiti nitong sagot at binigyan sila ng wine sa kanilang table. Hindi naman naka pag salita ang ginang dahil sa pag ka pahiya. Napa tingin ang ginang at ang dalaga sa paligid ng makitang pinagtatawanan sila. "Mom, dad. Umalis na lang tayo nakakahiya naman ito. Para tayong saling pusa dito. " bulong ng dalagang si Catleyah sa kanyang magulang. "No! Mas nakaka hiya kung aalis tayo at saka ang daming media sa labas." salubong ang kilay ng ginang mg sagutin nito ang anak niya. Umirap naman ang dalaga sa kanyang ina at hindi na sumagot pa, dahil na rin nag salita ang Emcee ng party ang secretary ng binatang si Hayes. "Ladies and gentlemen.. please welcome the CEO and President of H.C Builders, the self made billionaire. Mr. Hayes Cox Ferguson!" malakas na anunsyo ng Emcee na kina palakpak ng bisita. Bumukas ang malaking pinto na siyang pag pasok ng matipunong lalaki na naka suot ng mask. Habang ang pamilya Taté ay pawang gulat ang gumuhit sa kanilang mukha at napa tayo pa ang dalagang si Catleyah. Kitang kita ng dalawa niyang mata ang pag akyat ng lalaki na matagal na niyang naipakulong ngunit ito nasa harapan ng mga bisita. Agad inabot ng server ang isang Champagne glass sa binatang si Hayes at ang mic naman ay ganun din. "Mom, dad. This is can't be, paano siya naka laya?" tanong ng dalaga sa kanyang ina. "Hindi ko alam paano siya naka laya at anong sinabi nila na bilyonaryo? Paano?" tanong at sagot ng ginang. Mag sasalita pa lang ang asawa ni Mrs. Taté ng mag salita na ang binatang si Hayes. "Good evening everyone. I'm not into a long speech person but i would like to say, gusto ko lang mag pasalamat sa lahat ng dumalo ngayong gabi. Sana maging masaya ang party na ito. Masaya ako na nakabalik na ako at handa na ako balikan lahat ng taong may atraso sa'kin..." maka hulugan na wika ng binata.. Gumuhit naman ang pag tataka sa mga bisita. Nakita nilang lahat paano ito ngumisi at natawa ng mahina. "It's a joke, anyway ‘wag na nating patagalin ito. Let's enjoy the party!" anunsyo nito at tinaas ang kanyang hawak na champagne. "Let's have a cheers to start the new partnership!" aya nito at sabay sabay naman nag taas ang mga bisita ng kanilang wine glass at champagne glass. - CATLEYAH CHLOÉ TATÉ Hindi ako mapalagay sa kina uupuan ko ng makita kong pababa na si Hayes mula sa stage. Nanatili itong naka pamulsa at nakita ko pa itong nakikipag usap kay Mr. Reynes. Nakikita ko kung paano ito makipag usap, naikuyom ko ang kamao ko sa galit ko sa kanya. Bakit pa siya naka laya paano siya naka laya? Nakita ko itong nakipag kamay at umalis na, "Mom, paano siya naka laya?" tanong ko kay mommy. Agad sumagot si Daddy. "Naka laya s'ya dahil sa hindi na natin na asikaso ang kaso natin sa kanya. Kaya naman ang habang buhay na pagkakakulong umikli ito. Hanggang nabigyan siya ng parole dahil na rin sa hindi nito pag ka sangkot sa kahit anong gulo sa loob ng kulungan---- sa bahay na natin pag usapan.." sagot ni Daddy. Napa irap ako hanggang dumaan ito sa gilid ko, amoy na amoy ko ang panlalaking pabango nito. Hindi ito nakaka hilo o masakit sa ilong sobrang bango nito na kahit sino ay maakit. "Mr. Ferguson. Masaya ako na naka laya kana, i hope this time ay mapag bigyan mo na ang kumpanya ko sa pakikipag partnership sa iyong kumpanya?" tanong ng lalaking hindi ko kilala. Nanatili akong nakatalikod at umiinom ng alak. "Let me think about that. Ayoko basta basta may desisyon tungkol sa kumpanya." malamig nitong sagot. Naramdaman ko ang kilabot na dumaan sa batok ko sa lamig ng tono ng boses nito. "Well thank you kahit pag iisipan mo pa. Nice Hotel ang ganda nito!” papuri ng lalaki. Nag pasalamat naman ito sa isa't isa hanggang tumayo si Daddy. "Dad.." tawag ko. "Darling..." tawag din ni Mom kay Daddy. "Mr. Ferguson hi, nice party." wika ni dad napa lingon naman ako kay Hayes nakatingin ang mga mata nito sa kamay ni Daddy. "Thanks." yun lang at sinagot nito na kina nga-nga ko. Nakita ko si Dad paano ibaba ang kamay nito, kahit naka maskara kami ramdam ko ang pag titig ng mga bisita sa amin. Nakakahiya ito. "Paano ka naka laya?" deretsong tanong ni Mom. "Mom!" awat ko dito, natatakot ako na lalong mapahiya. Nakita kong gumalaw ang mata ni Hayes bago ito nag salita. "Pumunta ba kayo dito at pinilit ang sarili ninyo para bastusin ako? "tanong nito. Nakita ko pa itong tumingin sa likuran namin. "Bukas ang pinto makaka alis na kayo. Ayoko ng panira ng gabi.." malamig na utos nito at tinalikuran kami. Ang lamig ng boses nito at napaka delikado ng salita nito. Pakiramdam ko maling galaw lang namin dito kaya kami nito ipakalad-kad palabas. Ang pag katao niya ay malayi sa Hayes na kilala ko noon. Si Hayes ngayon ay kaya mag bigay ng Arrogant and domineering . Bago ito maka layo nag salita si Daddy. "Wala kang karapatan para bastusin ang pamilya namin ng ganito! You r*ped my daughter at ikaw pa ang maykapal na mukha na m------" Napa hinga kami ng lahat ng humarap ito ng may hawak ng bar*l at ngumisi. "If I were you hindi na ako magsasalita, r*pe? Ni panaginip hindi ko papangarapin na sipingan ang anak mo. Gasgas na dahilan yan para pabagsakin ako, kung may kwento man akong gustong sabihin yun ang katotohanan sa likod ng kasalanan ng mga taong nagkasala sa akin.." putol nito. "Handa ka ba?" tanong nito at kinalabit ang gatilyo na kina tili ng mga tao. "Surprised! Please everyone enjoy the whole night.." wika nito na kina angat ko ng tingin. Mabilis itong umalis at nakita ko pang pinasa nito ang hawak niyang fake gun sa isang lalaki. Napa upo ako ramdam ko ang nangangatog ang aking hita, "Mom..dad we really need to leave. This is not funny anymore, I don't wanna be here anymore nor longer.."pakiusap ko kina Mommy at Daddy. Lumingon ako sa kanila ngunit mukhang ayaw nila pareho umalis. "Umuwi ka kung gusto mo.." mahinang pa utos ni Daddy kaya tumayo ako at hindi na nag paalam sa kanila. Ayoko ng ganun ayoko ng tingin niya, tingin na handa kaming paglaruan. Nag uumpisa pa lang siya actually wala pa siyang ginagawa. Gaganti siya yun ang sigurado. Habang mabilis akong ang lalakad patungo sa pinakamalapit na elevator, may naka banggaan ako na dahilan ng pagka upo ko. "Ano ba hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo!?" pasigaw kong tanong at ng tiningnan ko ito. Nagulat ako ng makita ko ang malamig na tingin ni Hayes. "H-Hayes ikaw pala yan.. can you help me?" tanong ko at pag hingi ko ng tulong para makatayo ako. Ngunit nawala ang ngiti ko ng mag salita ito, "Why would i? You're not a lady in my eyes, for me you're a such a piece of b*tch." malamig nitong sagot at nag lakad na paalis upang lagpasan ako. Sa gulat ko hindi ako nakapag salita pa, nagulat ako sa sinabi nito. Hindi ko namalayan na pumatak ang luha ko. Naninikip ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko nasasaktan ako sa sinabi nito. Tumayo ako ng dahan dahan at humawak pa ako sa pader ng hallway para maka kuha ng lakas. Pinunasan ko ang luha ko na pumatak bago dahan dahan nag lakad papasok sa bagong bukas na elevator. Pag pasok ko na pahawak ako sa aking dibdib, "Para saan ang pain na ito. Hindi ko naman siya gusto kahit konti wala naman akong nararamdaman para sa kanya.." mahinang bulong ko. Paulit ulit kong iniisip ang pain na gumuhit sa dibdib ko, kahit ang mga salita nito. Isa akong b*tch? No hindi yan totoo! Umiling ako at tumayo ako ng tuwid. Hindi ako pwede panghinaan ngayon mas lalo na at nasa harap na ang kalaban ng pamilya namin. Si Hayes bumalik siya upang gumanti, kailangan handa kami sa lahat ng magiging action niya. - "You treated her like a trush? Hindi mo muna galawin." pilyong wika ni General. Nilingon ko ito saglit at binalik ang tingin ko sa ibaba habang nag sasaya ang mga tao. "You want? I can seduce her and give it you. " i ask him. Natawa naman ito at umiling. "You're so heartless man. Well pag isipan ko muna maganda naman yung babae. Kaso may kasamaan ata ang ugali." sagot nito. Nagkibit balikat ako at umiling. "Hindi ko alam, ang alam ko lang dati ko siya naging kaklase at naging schoolmate, pero matapos ang high school umalis na ako sa school and 3 years ago mabilis lang at nangyari na ang lahat." malamig kong sagot. "Wala din akong pakialam sa kanya, kahit pa konti. Kung ano man ang makita ninyong gagawin ko kasama ‘yun lahat sa plano ko." sagot ko at iniwan ko na ito muna dito sa taas. Hindi pa ako kikilos ngayon kailangan ko pa muna mag palamig at hayaan silang lumapit sa akin. Hahayaan ko sila maging kampante ngayon at sa mga susunod pa. Nilapitan ko si El Mayor kasama nito si Tiger. Kilala ko sila kahit naka maskara pa sila alam ko sino ang dapat kong lapitan. "Nakakuha kami ng information na nag papa-kuha ng information si Caezar tungkol sa'yo." bulong ni Micro sa akin. "Hayaan niyo lang muna sila. Mas maganda na makita nila ang mga info ko na gugulat sa kanila. " utos ko at lumayo na ako sa kanila para hindi na kami pag hinalaan pa ng marami. Mabilis akong lumayo at lumapit sa iba pang mayaman na pamilya. Nakipag kamay ako at nakipag usap sa mga ito. "Masaya ako na naka laya kana hijo. Sigurado ako ngayon na masaya ang iyong ina at ama na ang kanilang anak ay mapawalang sala na.." wika ni Mr. Delos Reyes." Tumango ako ng maalala ko ang magulang ko. "Ang balita namin ay matagal ka na talaga dapat naka laya diba? Bakit ka pa nag tagal sa loob ng kulungan hijo?" tanong muli nito. Inabutan naman ako ng kanang kamay ko ng wine, tumango ako bilang pasasalamat dito. Mabilis naman ito umalis, "Nag palakas lang ako sa loob at hinintay ang tamang oras para maka labas ako." malamig kong sagot. Nakita ko ang gumuhit na gulat sa mga mata nito. "Good yan hijo para rin yan sayo mas lalo ngayon ay ikaw na lang mag isa sa buhay." mabilis itong naka bawi ng kanyang emosyon at nginitian ako. Hindi ako at umimik ay nag paalam na lang sa kanya. Tama siya mag isa na lang ako pero tulad ng iba kailangan ko parin lumabas para mabuhay pa ng maayos. Patungo ako sa backstage ng may humarang sa akin. "You think panalo kana ngayon? Sisiguraduhin ko bukas na bukas ibabalik kita sa kulungan.." pagbabanta sa akin ni Mr. Taté. Inalis ko ang mask ko at tiningnan ito ng malamig. "Natatakot ka na nandito ako? "tanong ko imbes na sagutin ko ito. Natawa ito ng pagak at muling nag salita. "Tingin mo ba may maniniwala sayo? Na isang rap*st at magnanakaw?" natatawa nitong tanong sa akin. Ngumisi ako at nag salita. "Lahat ng kinuha niyo sa'kin kukunin ko, at sisiguraduhin ko na huhubarin ko ang natitira ninyong dignidad..” putol ko sa sasabihin ko. Nakita ko ang gulat sa mukha nito, kaya muli akong nag salita. "Pero sa ngayon, mag enjoy ka muna sa perang hawak mo na pagmamay-ari ko dahil baka yan ang huling beses na magagamit mo ‘yan.." babala ko dito at iniwan ko na itong naka tanga at tulala. Dahil yun ang gagawin ko babawiin ko ang pera at lahat ng bagay na kinuha nila sa akin. Nag lakad ako patungo sa aking silid sa hotel na ito at doon ko nakita ang magkasintahan na si Catleyah at ang Fiancé nitong si Macorro kung tama ako ito ay David Von Mocorro. Kanina wala akong pakialam kung isang beses pa siyang bumagsak. Wala akong dapat maramdaman na kahit ano sa pamilyang sumira sa buhay ko. Nag lakad ako at nilagpasan sila ng mag salita ang lalaki. "Ikaw yung lalaki kahapon ah? Ang yabang mo ano ginagawa mo dito?!" tanong nito sa akin kaya humarap ako dito. "Balita ko gusto makipag partner ng Mocorro enterprise sa kumpanya ko? Kung gawin ko kayang personalan ito? Hindi ko tanggapin ang kumpanya ninyo, balita ko kasi palugi na?" sarkastikong tanong dito. "Aba't gago ka----" agad kong pinutol ito ng mag salita ako. "Subukan mo, dahil baka idamay kita sa galit ko sa pamilyang nasa tabi mo." banta ko dito na kina lingon nito sa babaeng isa sa mga paparusahan ko. Tumalikod na ako at nag salita. "Ipaparanas ko sa inyo paano mabuhay sa impyerno. Tulad ng pag paparanas ninyo sa akin sa loob ng kulungan." malamig kong wika at tuluyan na akong umalis. HINDI NAG TAGAL nakarating na ako sa kwarto ko at kinuha ko ang brown na envelope at kinuha ko ang nasa loob nito. "Caezar Taté, lulong ka pala sa casino ha? Mabuti kung ganun.." wika ko at ngumisi ako. "Ngayon gagawin ko na ang kauna unahan mong kahihiyan." bulong ko at tinawagan si Micro. "Micro, bukas gusto ko gawin mo na.." utos ko dito. "Yun lang pala ako na bahala." sagot nito at ito mismo nag baba ng tawag ko. Nginisian ko ang mukha ni Caezar na hawak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD