-
CATLEYAH CHLOÉ TATÉ
"Paano nangyari ito Dad?" tanong ko kay Daddy. Kakauwi lang namin galing sa H.C Hotel, lahat kami ay nagtataka paano nangyari ang lahat ng ito at sino ang may gawa nito.
"Wala akong idea kung sino ang may gawa nito o sino ang may galit sa pamilya natin.." sagot ni Daddy sa akin.
"Darling, please alamin mo naman sino ang may gawa nito. May mga tao na kumakalaban sa atin sigurado yan.." pakiusap ni Mommy kay Daddy.
Niyakap ni Dad si Mom at pinagaan ang loob nito. "I will darling, gagawin ko ang lahat para malaman sino ang pumepeste sa atin." pagbibigay ng assurance ni Daddy sa amin.
Tumayo ako at si Dad naman ay pinalapit ako at niyakap ako ng mahigpit. "Paano daddy kung si Hayes ang gumawa nito?" tanong ko dito na kina tingin sa akin ng Mommy ko.
"No, oo naka laya na ang lalaking ‘yun pero marami nag sabi na lumayo na ito sa syudad. Malamang sa kahihiyan ba naman na binigay ko sa kanya. Maalala siya bilang mag nanakaw at rap*st.." matigas na sagot ni Daddy sa akin.
Tumango na lang at matapos yun ay nag paalam na ako na aakyat na ako, naiwan sila Mom and Dad sa sala sa baba dahil may pag uusapan pa sila.
Pag pasok ko ng kwarto lumapit ako sa kama ko ng may makita akong papel na naka tiklop. "Ano 'to?" tanong ko at kinuha ko ito.
Naupo muna ako sa gilid ng kama ko at binuksan ko ang papel na ito. Nabasa ko ang sulat na tingin ko ay isang hand written.
" Soon you will be choosing over pay your sin by death or going to jail.."
From: RED
Malakas kong basa dito na kina tayo ng balahibo ko sa aking katawan. Agad akong tumakbo pababa sa sala.
Ngunit ng nasa gitna na ako ng hagdan napa tigil ako ng makita ko si Mommy and Daddy na tila tulala sa hawak nilang papel.
"Mom? Dad?" tawag ko sa mga ito.
"Anak may nag padala ng sulat na ito dito sa amin.." umiiyak at natatakot na wika ng mommy ko. Mabilis akong bumaba at niyakap ito ng mahigpit.
"Pwede ko ba makita mommy?" tanong ko at agad nitong binigay sa akin.
Doon ko nabasa ang naka sulat. Pareho lang din ang naka sulat katulad sa akin.
"Mom, Daddy nakatanggap din ako, ito po." wika ko at pinakita sa kanila ang nakasulat.
Nakita kong nag hold back ng galit si Daddy sa pamamagitan ng pag tiim ng bagang nito at pag kuyom ng kamao. "Kung sino man ito hindi siya mag tatagumpay na sirain ang pamilya natin!" gigil na gagad ni Daddy.
Tumango ako at niyakap kami ni Mommy ni daddy. Kung sino man ito hindi siya mananalo sa amin.
Sisiguraduhin ko yan..
-
HAYES COX FERGUSON
Hawak ko ang papeles na kailangan ko pirmahan para sa darating na pag labas ko sa bilang CEO and President H.C builders. Simula ng makulong ako naging forbidden ang information ng kumpanya ko.
Gusto panatiliin ang ganun imahe kaya naisip ko na isang masquerade ball ang gagawin, ayoko pa lumabas ngayon. Hindi pa oras gusto ko muna sila pag laruan sa mga kamay ko.
Kapag nasa sakin na lahat ng meron sila saka ako mag papakita. "Handa kana ba sa gagawin party?" tanong sa akin ng kanang kamay kong si Dalton.
"Wala akong dapat pag handaan dahil hindi naman makikita ang mukha ko ng mga bisita." malamig kong sagot dito.
“Ngunit Sir, mas maganda kung nagpapakita na kayo. Upang malaman nilang dumating na ang bagyo na sisira sa kanila..” maka hulugan nitong wika..
Napa tingin ako dito at bigla ako napa isip sa sinabi nito. “Pag iisipan ko, kamusta na ang inutos ko?” Sagot at pagtatanong ko rito..
Tumawa lang ito at tumango. "Naibigay ko na ang imbitasyon sa mga pamilya na gusto mong nandun. Ngunit napansin ko na wala para sa pamilyang Taté?" tanong na pag tataka nito sa akin.
Binaba ko ang hawak kong papeles at itinabi ko ito bago sumagot. "Sila ang tipo ng pamilya na, kapag hindi pinag bigyan para silang mga bata kung mag amok.." maka hulugan kong sagot kasabay ng pag sulyap ko kay Dalton.
Ngumisi ito at tumango. "Kung ganun hihintayin natin na sila mismo ang humingi ng imbatasyon sa atin?" tanong nito.
"Exactly. Yun ang gusto ko na gawin nila, dahil gusto ko maranasan nila paano mag salita ng 'please' bago nila makuha ang gusto nila.." sagot ko.
Sumandal muna ako at tiningnan ito. "Tama ka d'yan, ngunit paano kung biglang malaman nila kung sino ka paano mo lulusutan ang patungkol sa iyong naging kaso noon?" may concern sa pag tatanong nito.
"Bago yan mangyari kailangan ko muna mapatunayan na lahat ng nangyari noon ay set up lang. Kaya kailangan ko makipag laro ng apoy sa nag iisang anak ng mga Taté." sagot ko kasabay ng pag kuyom sa kamao ko.
"Baka naman ang ending ay mag ka gusto ka sa kanya? Sir, maganda yun." pagdududa nito.
"Hindi muna ako mag sasalita ng tapos. Pero watch and learn.." malamig kong sagot na kina ngisi nito.
Mas maganda na ang hindi mag salita agad, pero kung sakali man sisiguraduhin kong wawasakin ko muna ang buhay nila ng paunti unti. Hanggang sa huli na nila malaman kung sino ba talaga ang sumisira sa kanila.
"Pero kapag lumabas ako sa party sigurado ako na kikilos sila, kaya kailangan ko malaman ng mas maaga ano ba talaga nangyari noon.." wika ko na kina gulat ni Dalton.
"Sir, kapag ginawa mo yan sigurado yan ibabalik ka nila sa kulungan.." wika nito na kina ngisi ko.
Hindi ako umimik pa dahil kahit mangyari ang bagay na ‘yun sisiguraduhin ko na ako pa rin ang panalo sa huli.
LUMIPAS ANG KALAHATING ARAW nandito ako ngayon sa ikatlong hotel na pagmamay-ari ko, kung saan gusto ko maganap ang aking Welcome back party.
Habang nasa elevator kasama ko ang aking sekretarya ko na si Mariah at kanang kamay ko. "Mr. Ferguson. Nag sabi po ang security guard ng hotel sa entrance na nasa building daw po ang anak ni Mr. Taté na si Catleyah ang Fiancé nito " wika ng secretary ko.
Tumango ako bago mag salita, " Then hayaan niyo na sila." sagot ko. Tumango ito at hindi na muli pang nag salita.
Pag labas namin ng elevator saktong may lumabas sa kabila ngunit hindi ko na ito nilingon pa. Malapit na rin kami mag kita at sisiguraduhin ko tata-tak ako sa mga tao.
Aalisin ko ang sentro ng atensyon sa pamilya ng mga Taté. Sisiguraduhin ko na sila mismo lalapit sa akin.
Pag dating ko mismo sa pag darausan ng okasyon nakita ko kung gaano ito kaganda. "Napaka ganda naman, ito na ba ang final look para sa gaganaping masquerade ball?" tanong ni Dalton kay Mariah.
"Opo, nang itawag ko po ito kahapon sa kanila inayos po agad nila kagabe pa lang. Para sa pag bisita ni Mr. Ferguson ngayon ay ma impressed si Mr. Ferguson." naka ngiting sagot ng aking sekretarya.
Tiningnan ko ito at nag salita. "Good job i like it.." sagot ko at papuri ko. Yumuko ito bilang paggalang.
Inutusan ko silang iwan muna nila ako at naglibot libot muna ako sa buong paligid hanggang labas. Ni isa habang nasa loob ako ng kulungan walang dumalaw sa'kin.
Dahil ayoko maka kita ng tao na taga labas, kahit naging mabilis ang proseso ng pag usad ng kaso. Nang dumating ang araw na hindi na pumunta ang pamilyang Taté sa mga hearing doon nagsimula na magkaroon ng pag asa na makaka labas pa ako.
Dahil walang hatol sa pag daan ng panahon at taon napawalang bisa ang kaso ko. Hindi ko alam kung nakarating sa pamilya na 'yun ang balita.
Ngunit sabi ko hindi pa ako handang lumabas, binayaran ni Dalton ang piskal para payagan ang kulungan na ihold pa ako ng ilang taon sa kulungan.
Oo hindi pa ako handa at mahina pa ako ng mga panahon na ‘yun. Sa lumipas na taon inutusan ko ang mga tao ko sa pamamagitan nila El Mayor at ng grupo niya na kumalap ng information ako na ang bahala sa presyo pag labas ko.
Ngunit binibigyan sila ng kanang kamay ko ng pera sapat para hinihiling nila, gamit ang mga sulat sa akin kaya ako nagawang makipag communicate sa labas.
Habang nag lalakad ako may naka banggaan akong lalaki. "Hey moron! Tumingin ka naman sa daan!" sigaw nito. Nilingon ko ito at pinaka titigan ng malamig.
"Ano mayabang kana? " tanong nito na kina iling ko. Siya ang Fiancé ni Catleyah.
"If i where you luluhod ako sa aking harapan at hihingi ng tawad!" sigaw nito.
Natawa naman ako ng pagak at saktong dumating ang babaeng dahilan ng pagka sira ng buhay ko. Wala akong paki alam kung mag kita na kami.
Hindi ako ang dapat matakot kundi sila. "Baby what's happening here?" malambing na tanong nito.
"Baby, yang lalaki na yan binangga ako!" panunumbong nito na kina lingon sa'kin ng babae.
Pag lingon nito gumuhit ang taka, takot at pagka lito sa mukha nito. "Hindi ako kasing baba mo para lumuhod sa harap mo. Kung ako sayo aayusin ko ang ugali ko bago ako mag salita. " malamig kong sagot at akmang tatalikod na ako ng tawagin ako ni Catleyah.
"Hayes, pa-paano ka nakalaya?!" tanong nito.
Nilingon ko ito at tiningnan ng malamig, imbes na sagutin ko ito ay tumalikod na ako at hindi na nag salita.
Ngumisi ako habang pabalik sa aking opisina rito, "Ito na ang umpisa ng hindi mo pag tulog ng mahimbing sa gabi.." bulong ko at pumasok na ako sa pribadong elevator na para lang sa akin at sa mga empleyado ng hotel.
Isa akong may ari ng mga 5 star hotel isa din akong architect pero ang kadalasan kong disenyo ay siyang nagiging building ko lang na pag ma-may ari.
H.C builders means Hayes Cox Builder at initial din ng Mom and Dad ko. Kung saan mga magagaling at dekalidad na arkitekto ang mga nag ta-trabaho at gumagawa ng bahay at marami pang iba.
Yun ang dahilan bakit H.C Builders at H.C hotel ang tawag.
May firm ako yun ang H.C builders. "Mariah may meeting pa ba ako? "tanong ko sa aking sekretarya.
Nakita ko muna itong tumingin sa iPad nito bago sumagot. "Sir. Wala na po kahit isa, cleared na po ang schedule niyo for today.." sagot nito.
"Okay you may go home now.." utos ko dito. Tumango ito at umalis na rin agad.
"Dalton, iwan mo na ako may pupuntahan ako muna. " utos ko kay Dalton.
Yumuko ito bago nag salita. "Mag ingat po kayo my lord!" paalala nito sa akin.
Tumango lang ako at nag pasalamat, nauna akong lumabas ng opisina ko sa hotel na ito at sumakay ng private elevator patungo sa ground floor dahil nandoon ang aking mga collection ng mga sports car.
Habang nasa elevator, naalala ko ang nangyari kanina sigurado ako na ipag sasabi niya ito sa kanyang magulang.
Sigurado din ako na hahanap sila ng information tungkol sa akin. Tama si Tiger aalaminin nila kung nag paka layo-layo na ako, ngunit ang totoo plano lahat ito ng grupo namin.
Ang Cosa Trese. Ang ipalabas na nag paka layo-layo ako upang hindi na sila mag hinala pa. Ngunit walang sekreto ang hindi na bubunyag.
Kinuha ko ang cellphone ko ng maka labas ako ng elevator at ang tungo ako sa itim na Lamborghini monster ko.
Tinawagan ko si Micro at agad itong sumagot. Yow! What's up! Anong atin?" tanong nito bungad sa akin.
"Hype beast Club, tonight 7pm call the others.." sagot ko at binaba agad ang tawag ko.
Sumakay ako sa kotse ko at mabilis itong minaneho patungo sa Hype beast Club. That's club is belong to me too..
-
CATLEYAH CHLOÉ TATÉ
"Ano ba ito Caezar? May gaganapin na masquerade ball party sa sabado at hindi tayo imbitado? " tanong ni Mommy kay Daddy.
"Relax, Darling Leona gagawan na ng paraan ng secretary ko para maka kuha tayo ng invitation." sagot ni Daddy.
Napa hawak ako sa sentido ko habang nakikinig sa kanila. One of the biggest construction firm ng Asia ay mag kakaroon ng party. Simula pa 5 years ago hindi ito nag karoon ng kahit anong party.
Matunog sila pero pribado ang information nito, kahit ang may ari ay walang nakaka kilala dito. "God! Isa siya sa mga sikat na kumpanya sa Asia tapos tayo lang wala doon? Ano na lang sasabihin ng amiga ko?!" hysterical na tanong ni Mommy.
Napa buntong hininga na lang at umiling. "Ginagawan na ng paraan okay? Bukas pa naman ng 4pm ang start ng party so may oras ka pa para mag ayos.." sagot ni Daddy kay Mom.
Inirapan ni Mom si Dad bago balingan ni Mommy. "Sweetie, Cat? What's wrong?" malambing na tanong ni Mommy sa akin.
Umupo pa ito sa tabi ko kaya agad akong sumagot. "Nakita ko si Hayes kanina mom, dad. Siya yun hindi siya nag salita pero alam ko ang hitsura niya mom. Siya yun lumaki lang ang katawan niya." kwento ko na kina laki ng mga mata ng magulang ko.
"Huh? Ibig sabihin nandito lang din siya sa city?!" gulat na tanong ni Mommy.
Tumango ako na kina imik ni Daddy. "Kung ganun nag sinungaling si Po1 Jim!" galit na wika ni Daddy.
Napa iling ako at tiningnan sila. "Sigurado ako na gaganti siya sa atin. " wika ko sa kanila.
Narinig ko ang pag singhap ni Mom ng hangin. "How? Wala siyang makukuhang evidence!" tanong ni mom.
Agad nag salubong ang kilay ko ng maalala ko ang suot nito. "Mom, daddy. Yung suot niya kanina para siyang mayaman. Diba inubos na natin ang pera niya paano siya naka bili ng suit na ganun ka mahal at halatang pasadya pa?" tanong ko.
Napansin ko yun dahil halatang mahal ang kanyang suot. Pati ang suot nitong Rolex watch napaka mahal ng ganung klase.
"Ngunit paano mangyayari yun kung wala na siyang pera?" tanong ni Daddy.
Yun din ang tanong ko. Dahil lahat ng ari-arian niya at pera niya ay kinuha ko na kaya paano pa siya magiging mayaman kung wala na siyang kahit piso?
"Hindi ko alam daddy, basta ang alam ko at maniwala kayo o hindi bumalik na siya!" wika ko at padamog akong tumayo. Umakyat ako sa taas at iniwan sila.
-
HAYES COX FERGUSON
NANG MAG GABI DOON KO NAKITA MULA SA ITAAS ang mga tao sa ibaba na nag sasaya sa pag mamay-ari kong club. Nakita ko din ang mga kaibigan ni Catleyah at ang Fiancé nito.
Ngunit ang hinihintay ko ay wala pa. Sinabi sa akin ni Tiger na lagi silang nandito sa club ko gabi gabi.
"Drink?" alok sa akin ni Micro at ibabot sa akin ang hawak nitong whiskey.
Kinuha ko ito at inamoy ko muna. "Sigurado ako na mag tataka na ang pamilyang ‘yun paano ako nakakuha ng pera. Kaya mo ba harangan yun? Name your price.." tanong ko kay Micro.
"No need bata, ang importante magawa mo ang pag hihiganti mo." wika ni El Mayor. Agad kong kinamayan ito pati si General at Tiger.
"I know.." sagot ko. Sasagot na sana ito ng makarinig kami ng away sa baba ng kina lingon ko.
"Ang yabang mo ah?!" sigaw ng lalaki na hindi ko naman alam kung sino.
Bumaba na ako sumunod naman ang kasama ko. "Anong nangyayari dito?" tanong ko.
Yumuko naman ang babaeng server ko. "Boss, sinabi ko po na hindi po pwede ang pag table ng babae dito. Bigla po niya akong hinawakan sa pang upo ko at nagalit po siya ng sampalin ko siya." mahabang sumbong at paliwanag ng tauhan ko.
Nilingon ko ang lalaki at malamig ko itong tiningnan. "Ano ikaw ba ang amo niyan? Kapag mag tayo ka ng club we expected na may babae kaming makakasama sa table!" sigaw nito na tanong sa akin.
Humarap ako ng maayos habang ang mga kasama ko ay umatras na. "Pakipot pa basur-----" hindi ko na pinatapos ito ng salubungin ko ng malakas na suntok ang bibig nito na bagsak nito.
Malakas na tili ang narinig ko pero wala akong pakialam at hinablot ko ang kwelyo nito at bumulong. "Wala akong pakialam sa pera mo na mas maliit pa sa bay*g mo! Ang akin kapag hindi mo nirerespeto ang tauhan ko na nag ta-trabaho ng maayos at marangal makaka tikim sa'kin!" putol ko.
"Uulitin ko. Hindi sa'yo nag ta-trabaho ang mga tao ko hindi ikaw nagpapasahod kaya ‘wag kang mag demand ng kahit ano, dahil baka hindi ka na sikatan ng araw sa akin.." bulong ko at binitawan ko ito na kina handusay nito sa malamig sa semento.
"Alisin niyo ang grupong ito at simula ngayon banned na sila dito. Ayoko ng basura sa pagmamay-ari ko!" Malakas na utos ko at tumalikod na ako.
Umalis na ako at ganun din ang mga kasama ko, ngayon ilalagay ko sila sa dapat nila kalagyan. Damay damay na ito paliliitin ko ang mundo nila at mga taong nakapaligid sa kanila.