- HAYES COX FERGUSON KINAUMAGAHAN habang nanonood ako ng balita dahil wala naman akong trabaho ngayon dahil weekend. Nakita kong pumasok si ang bagong katulong namin kaya agad kong tinanong ito, “Anong pangalan mo? Mukhang bata ka pa ah?” Tanong ko dito. Tumigil naman ito at yumuko sa harapan ko, “Opo Sir, kailangan po kasi ng katuwang ni inay at itay sa paghahanap buhay.” Sagot nito. “Ilan taon kana? Nakatapos ka? Tanong ko ulit dito. Lumabas naman si Nanay Andeng mula sa kusina, may dala itong kape ko at almusal ko na sandwich lang. “Ako po pala si Cristina, Sir Tina na lang po. High school lang po tinapos ko.” Sagot nito ng maka upo ito. Dahil sinenyasan ko itong umupo muna na siyang ginawa nito, “Gusto mo ba mag aral habang nag ta-trabaho ka? May alam akong school na tumatangg