2 years later...
-
HAYES COX FERGUSON
Nag lalakad ako patungo sa gate mismo ng bilibid habang hawak ko ang papeles na katunayan na laya na ako ngayong araw.
Sinukbit ko ang bag ko sa aking balikat at naglakad hanggang pag buksan ako ng gate ng gwardya. "Maligayang pag laya cosa Red." bati sakin ng gwardya.
Nakipag fist bump lang ako dito at lumabas na ako. Pag labas ko sakto ko nakita ang mukha ng pamilyang sumira sa'kin.
Tinitigan ko ito at mahigpit kong hinawakan ang aking bag. "Malapit na tayo mag kita." bulong ko at nag lakad na ako, hanggang makarating ako sa makarating ako sa sakayan ng jeep.
"Grabe ang gwapo ng lalaki at ang tangkad ng lalaki!" narinig kong bulong ng babaeng tingin ko ay estudyante.
Nanatili akong naka tayo at naka tingin sa kabilang side ng kalsada. Pinunit ko ang papel na hawak ko hindi naman ito sobrang kailangan kaya pwede ko na itapon.
Nakakita ako ng bus na patungo ang daan sa bahay ko. Tinaas ko ang kamay ko at ganun din ang mga kasama ko na nag hihintay din. Nang tumigil ito at pinauna ko ang matanda at mga babae bago ako sumakay.
Pag sakay ko doon ko napansin na wala ng kahit isang upuan, ngunit hindi ko na ininda pa ‘yun. Humawak ako sa bakal na hawakan at humarap ako sa binatana. "Kuya body builder ka po ba?" tanong sa akin ng estudyanteng babae
"Hindi. Isa akong ex-convict." sagot ko at tumalikod na ako, humarap ako sa ibang direksyon.
"Kriminal pala siya? Nakaka takot baka bigla tayong saktan niyan.." nahihimigan ng takot ang boses ng matandang babae sa likod ko.
Hindi naman ako nag eexpect ng kahit ano alam ko naman mangyayari ito. "Manong sa Villa Ferguson." malamig kong wika
Napa tango ito at alangan na tumingin sa'kin. "Anong kaso mo?" tanong sa akin ng isang kundoktor. Tiningnan ko ito at hindi sumagot.
Kapag nag salita ako sigurado akong matatakot sila. Kinuha ko ang pera ko na 100 pesos, kinita ko ito mula sa mga paghahabi namin ng mga bahay na yari sa kawayan.
Binebenta ito sa labas at binibigay sa inmate na katulad ko noon upang may kita kami sa loob. Dahil hindi ako mahilig mag pabili at wala din akong pag bibigyan ng kita ko.
Tinago at inipon ko ito, "Dito na lang Manong." malamig kong wika at binigay ang bayad ko sa kundoktor. "No ticket and keep the change.." wika ko na kina singhap ng mga pasahero.
Siguro dahil nag english akong salita, bumaba ako at tahimik na nag lakad. Balak ko mag pahinga muna kahit isang araw at bukas kikilos na ako agad.
Nag lakad ako hanggang sa guard house at inalis ko ang suot kong baseball cap. "Young Master?! Kayo nga po pasok po, maligayang pagbabalik po!" gulat na bati nito sa'kin.
" It's good to be back. Huwag kang tatawag sa mansion na nandito na ako." paalala ko dito.
Tumango ito at pinapasok na ako, nag lakad lang ako hanggang makarating na ako sa harapan ng aking mansion. Nag doorbell ako na agad naman may lumabas na gwardya.
Tinapat ko ang hintuturo ko sa aking bibig at nag salita. "Just zip your mouth and let me in.." utos ko dito na agad naman yumuko sa harapan ko bago buksan ang gate.
Pumasok na ako ng tahimik sa aking nag iisang ari-arian na hindi nakuha sa akin ng pamilyang Taté.
Pag pasok ko sa main gate saktong baba ni El Mayor, Tiger, Micro at si General. "Ikaw ba yan Cox?!" gulat na tanong ni Tiger.
Binaba ko ang bag ko at tiningnan sila. "Wala ng iba." malamig kong sagot.
Ngumisi sa akin si El Mayor at inilahad ang kamay nito sa akin na siyang tinanggap ko naman. "Saka na natin simulan ang plano, sa ngayon mag pahinga ka muna." wika nito.
Umiling ako at nag salita. "Bukas sa araw ng panibagong launching ng pamilya Taté ng kanilang bagong kumpanya. Gusto ko doon icelebrate ang aking pag laya.. " pag mumukahi ko,
Ako ang unang bumitaw at naupo ako sa aking sofa. "Nay Andeng mag dala ka ng maiinom ng boss mo dito." utos ni Micro sa aking katiwala.
"Seryoso kana ba d'yan sa plano mo? Ayaw mo muna ba mag pahinga?" tanong sa akin ni Tiger.
Tiningnan ko ito at pinag siklop ko ang dalawang kamay at nilagay ko ito sa aking bibig bilang harang. "Oo handa na ako simulan ang plano na matagal ko ng kinasa sa isip ko. Handa na ba ang H.C Builders?" seryoso kong sagot at tanong dito.
"Matagal na silang handa, ikaw na lang ang hinihintay nila." sagot ni General.
Tumayo naman si El Mayor at nag salita. "Kung ganun kailangan na namin umalis dito, huwag ka mag alala kung kailangan mo kami alam mo isang tawag lang kami." maka hulugan nitong paalala.
Tumango ako at nag salita. "Maraming salamat tatandaan ko yan. Hindi ito ang huli nating pagkikita yun ang sigurado ako." Nakakasiguro kong sagot.
"Aba syempre kasama mo pa kami bukas! Hindi kami makaka payag na hindi makita ang gagawin mong pasabog bukas!" nagagalak na wika ni Micro.
Ngumisi lang ako at tumango, "Bueno, mauna na kami. Maligayang pag babalik Hayes.." naka ngiting pag bati ni El Mayor sa akin.
Tumayo ako at nakipag kamay muli dito. "Maraming salamat, kita na lang tayo sa venue bukas." wika ko.
Tumango ito at isa isa na silang umalis. Ako naman ay hinatid sila ng tingin, may isa na lang akong hinihintay na maka labas ng kulungan at para mabuo na kami.
Pero sa ngayon.. kailangan ko na simulan ang plano ko na pabagsakin ang pamilyang sumira sa akin at naging dahilan ng pag kamatay ng aking pinaka mamahal na ina.
"Kakain ka ba hijo?" tanong ni Nanay Andeng sa akin.
Nilagay ko ang kamay ko sa aking bulsa at lumapit dito, hindi ko maiwasan hindi ito yakapin ng mahigpit. "Na miss ko po kayo Nanay Andeng. Kamusta po kayo dito?" tanong ko.
Naramdaman ko ang mainit na yakap nito at ang pag hikbi nito ay narinig ko din. "Hindi mo alam kung gaano ako nag alala sa'yong bata ka, mas lalo ng makita kitang dinampot at binugbog ng mga tao! Anak kahit hindi ka galing sa akin hindi iba ang turing ko sa'yo hindi lang alaga. Anak na ang turing ko sa iyo." pilit nitong hindi lumuha habang nagsasalita.
Kumalas ako at pinunasan ko ang pisngi nito. "Huwag na kayo mag aalala, nandito na ako ulit. Pahatiran na lang po ako sa aking silid." naka ngiti kong sagot upang maging magaan naman ang loob nito.
"Sige mag pahinga ka muna." naka ngiti nitong utos.
Tumango ako at kinuha ang gamit ko at pumanik ako sa taas, alam ko naman ang kwarto ko kaya madali akong pumasok.
Pag pasok ko binaba ko ang bag ko sa aking higaan at nag tungo ako sa aking bathroom. Nag quick bath ako at doon ko nakita ang mga latay sa katawan ko.
Napa iling ako at tumalikod sa salamin, kahit empyerno ang naging buhay ko sa loob may natutunan parin ako. Yun ang lumaban ka para sa sarili mo,
Lumaban at mag paka tatag, naging instrumento ang kulungan sa akin upang pag labas ko, kaya ko na humarap sa mga hay*p na pamilyang 'yun. Mas lalo sa babaeng ‘yun.
Matapos ko maligo lumabas ako ng naka tapis ang pribadong parte ng katawan ko. Nag suot ako ng sandong itim at boxer shorts ko.
Umupo ako sa couch kung na saan ang aking itim na laptop. Binuksan ko ito habang hinihintay ang tanghalian ko.
Nag hanap ako ng information tungkol sa pamilyang Taté. Doon ko nakita na ngayong taon gaganapin ang kasal at ang official engagement party between Taté at Macorro family.
Kumuha ako ng information at kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Dalton. Mabilis itong nag ring at sinagot ng aking kanang kamay ko. "My lord ano po ang ipag uutos mo? Maligayang pagbabalik." tanong nito at pagbati
"Gumawa ka ng paraan para maka kuha ako ng invitation sa lahat ng magiging event ng pamilya Taté. Simula ngayon yun ang trabaho mo." mahabang utos ko dito.
"Okay my lord. Gagawin ko po." sagot nito ito na mismo ang nag baba ng tawag ko.
Saktong pasok ni Nanay Andeng dala ang pagkain ko. "Kumain kana hijo, masama ang nalilipasan. " wika nito. Tumango naman ako bilang tugon.
"Hijo, wala ka bang balak mag pa party para sa pagkaka laya mo?" tanong ni Nanay Andeng.
Umupo ito sa tabi ko habang ako at nag sasandok ng ulam na tinola na luto niya. "Wala Nay, hindi na yun importante sakin ngayon. Ang importante naka laya na ako sa kulungan na 'yun." malamig kong sagot.
Tumango naman ito at iniwan na ako sa silid ko. Inubos ko lang ang pagkain ko ng tahimik, sa mahigit tatlong na taon ko sa kulungan naranasan ko masaktan ng husto. Tatlo dahil nakiusap ako na ihold nila ako sa loob binayaran sila para gawin ang gusto ko.
Bastusin dahil isa akong r*pist ang totoo never ko ginalaw ang babaeng ‘yun. Nagising na lang ako na wala na akong suot at ganun din ito.
May nakita akong bruises sa katawan ng babaeng 'yun but never ko itong sinaktan. I was drunk that night.
Hindi ko maalala ang nangyari, ngunit matapos ako akusahan, pag bintangan at ikulong. Ulit ulit ko inalala ang nangyari ng gabing 'yun.
Doon ko napag tanto na plano nila ito, iset up ako para makulong ako. Nagawa din nila akong pa pirmahin ng papel para lang makuha ang pera ko at ari-arian ko bilang bayad sa lahat ng kasalanan ko sa kanila.
That time hindi ko naisip na niloloko lang ako, ngunit hindi ako pumirma sa sinasabing kasulatan, kaya nagtataka ako paano nila nakuha ang pera ko at mga ari-arian ko.
Isa lang ang nakikita kong dahilan pinike nila ang signature ko para makuha nila ang lahat ng meron ako.
"Pwes babawiin ko ang lahat ng yun. Wala akong ititira kahit piso at piraso ng ari-arian ko.." bulong ko.
MAKALIPAS ANG MAG HAPON naisip ko ng mag gabi na lumabas at mag lakad lakad.
Suot ko ang itim kong baseball cap at itim na hoodie jacket ko, nag lakad lang ako sa ilalim ng ilaw ng poste. Hindi nag tagal nakarating ako sa isang parke kung saan maraming tao na nag lalakad.
Umupo ako sa harap ng isang statue na hindi ko kilala kung sino, tanaw ko sa kina uupuan ko ang sumasayaw na ilaw ng mga Christmas lights.
Ilang buwan na lang pasko na, masaya ako na naka labas ako bago mag pasko. May chance ako na mag celebrate ng pasko, habang tahimik akong naka upo nakita ko ang pamilyar na mukha ni Catleyah Taté.
Naglalakad ito na tila nag mamadali, may kausap ito sa cellphone nito habang hawak ang mainit na kape. Naikuyom ko ang kamao ko sa galit na nararamdaman ko.
Ni isang beses walang namagitan sa amin ng babaeng yan. Hindi ko siya minahal o ano, isang araw nakipag kaibigan ito sa akin at tinanggap ko yun.
Tumayo ako at sinalubong ito saktong pag lakad ko ang pag bangga nito sa akin. "What the f*ck?! Watch your step moron!" inis na wika nito.
Nilingon ko ito at doon ko nakita ang nanlalaking mata nito. Siguro dahil nakikilala niya ako. "Ha-hayes?!" gulat at utal nitong tanong.
Yumuko ako at nag lakad na ng hindi ito iniimik. "Hayes! Alam ko ikaw yan!" sigaw nito. Ngunit nanatili akong walang imik at hindi na ito nilingon pa.
-
CATLEYAH CHLOÉ TATÉ
Hindi ako pwede mag kamali alam kong si Hayes ang lalaking 'yun. "Teka sinusundan niya ba ako? At naka laya na siya?" sunod sunod sunod kong tanong.
Kung ganun kailangan ito malaman nila Mommy at Daddy. Hindi siya pwede maka alis ng kulungan na 'yun! Gaganti siya sa lahat ng ginawa namin at ginawa ko!
Halos takbuhin ko na ang patungo sa parking, hindi ko alam bakit ako takot na takot, kahit ang kamay ko ay nanginginig sa takot.
Huminga muna ako ng malalim at kinuha ko ang susi sa loob ng bag ko, ngunit..
"D*mn it!" mura ko ng hindi ko makapa ang car key ko. Nang tumingin ako sa paligid may nakita akong naka tayo na hindi ko alam kung lalaki ba o babae.
Malayo ito sa'kin pero alam ko na naka harap ito sa'kin. "God! Ngayon mo pa talaga pinatagal!" inis kong paninisi.
Nang mahanap ko ang susi ng kotse ko ay agad kong binuksan ang sasakyan ko at pumasok na ako.
Mabilis kong minaneho ito pauwi, kung totoong nakalaya na si Hayes ibig sabihin delikado na kami ngayon.
Matapos ng ginawa namin hindi ito mag dadalawang isip na gumanti sa amin. Mas lalo sa akin, hindi nag tagal naka uwi na ako sa mansion ng magulang ko.
Mabilis akong pumasok sa loob at lumabas sa aking sasakyan. Hinagis ko sa driver namin ang susi ng sasakyan ko. Pumasok ako sa bahay nakita ko si Mom and Dad na nonood ng balita sa TV.
"Daddy, you can't believe what i saw earlier.." bungad ko at umupo ako sa pang isahang tao..
"What?" tanong ni Dad.
I cleared my throat bago ako nag salita. "I saw Hayes Ferguson! In my own two eyes dad. Naka laya na siya!" wika ko na kina diretso ng upo ni mommy na kina gulat ni daddy.
"What paano?" gulat na tanong ni daddy.
"Daddy hindi siya pwede maka labas ng kulungan babalikan niya tayo!" wika ko, natatakot ako para sa akin at sa aming lahat.
"Kumalma ka muna, bukas na bukas itatanong ko sa kaibigan ko sa kulungan kung talagang naka laya na siya. Baka guni guni mo lang ‘yan." kalmado na wika ni Daddy.
Pero ang kamay nito at naka kuyom tila nag pipigil ng galit. "Opo Dad, hindi rin malinaw ang nakita ko pero nakita ko na siya si Hayes." pag amin ko.
Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at ngumiti sa akin. "Hindi na yun makaka labas pa anak matibay ang ebidensya natin laban sa kanya. Kumalma kana hindi maganda para sa isang soon to be bride ang nag papaka-stress okay?" pag papagaan ng loob ni mommy sa akin.
Ngumiti ako at tumango. "Thank you mommy, thank you daddy! Aakyat na po ako sa taas ha?" paalam ko, ng tumango si mommy ay humalik ako sa pisngi nito at umakyat na ako sa taas.
-
HAYES COX FERGUSON
KINAUMAGAHAN naka tanggap ako ng tawag mula kay Micro, handa na ang lahat para sa gaganapin na party ng pamilya Taté.
Nag suot lang ako ng itim na all black suit and trousers, "Handa ka na ba Mr. Ferguson?" tanong sa akin ang aking kanang kamay na si Dalton.
Nilingon ko ito bago mag salita. "Matagal na akong handa." sagot ko at pinag buksan ako nito ng pinto.
Pag mamay-ari ko ang H.C hotel at doon mismo gaganapin ang party ng pamilyang sumira sa akin.
HINDI NAGTAGAL nakarating na kami at ako naman ay nakatanaw lang mula sa aking silid. Habang nasa ibaba ang pamilya Taté na nag sasaya.
"Mr. Ferguson, handa na po ang mga tao mo na paalisin ang pamilya Taté dito." wika ng kanang kamay ko.
Umiling ako at nag salita, "Hindi, mas maganda kung mananatili sila at may surpresa ako para sa kanila." malamig kong sagot.
Tumango ito hanggang mag umpisa na sa mag salita ang Emcee, hanggang umakyat na ang pamilya Taté sa maliit na stage. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Tiger.
Naramdaman ko ang pag tabi sa akin ni El Mayor, Micro at General. "Ngayon na Tiger." wika ko.
Hindi ito sumagot ngunit pa salita pa lang si Mr. Taté ng may bumagsak mula sa itaas nila ang bangkay ng taong binili ni Micro sa hospital.
Gamit ng kumpanya ang helicopter na ito, hindu rin ako natatakot na mahuli ito kung sakali..
"AAAAAAH!!!" malalakas na tili ng mga babae sa party na ito.
"There's more.." bulong ko.
"Ito ang simula ng pag ganti mo sa kanila Hayes sana mag tagumpay ka.." wika ni El Mayor.
Tinapik nito ang braso ko at umalis na, saktong dumaan na ang helicopter ng kumpanya nag buhos ito ng tubig na hinaluan kulay pula, upang mag mukhang dugo ng tao.
Kasabay nito ang pag litaw sa LED screen ng salitang. "MAGNANAKAW at MANGGAGAMIT at SINUNGALING!! "
"Sino ang may gawa nito?!" tanong ni Mr. Taté.
"Dad! Umalis na tayo dito! May taong gusto tayong sirain!" wika ni Catleyah Taté.
"Paalisin niyo na sila at pabayaran ng malaki ang danyos at kahihiyan na dinala nila sa aking building!" utos ko sa kanang kamay ko na katabi ko lang ngayon.
"Yes my lord.." sagot nito at umalis na ito.
Pinanood ko lang ang mga tao na nag kaka gulo at nandidiri sa tubig, alam na ng mga tao ko paano nila ililigpit ang ginamit nila.
Tiningnan ko ang mga taong nagka sala sa akin at ngumisi. "Umpisa pa lang ito. Mas malala pa ang sasapitin ninyo kesa dito sa mga kamay ko.." wika ko at tumalikod na ako..