-
CATLEYAH CHLOE TATE
Hanggang ngayon gulat parin ako na ang 48 billion pesos na makukuha namin ay naging 5 billion na lang dahil sa mga utang ni Daddy.
At sa bahay na tinitirhan namin, “Ang laki ng 48 billion tapos 5 bilyon na lang natira?” Hindi makapaniwala na tanong ni Mommy kay Daddy.
“Ang importante hindi makukuha ang mansion sa atin!” Gigil na wika ni Dad.
“Pero hindi ba kayo nag tataka sino ang naka kuha ng necklace?” Tanong ko sa magulang ko.
Nilingon ako ng magulang ko na may nag tatanong sa mga mata nito. “Kahit Mommy, yung nag bid kanina at nanalo, hindi sila pamilyar sa akin. Nag tanong tanong ako sabi daw ay bago sila sa city..” paliwanag ko sa kanila.
“And then? I don’t get it my Daughter.” Naka salubong ang kilay ni Mommy habang tinatanong ako.
“Mom, kung bago sila paano sila naka kuha ng malaking pera? Hindi sila mukhang bilyonaryo!” Sagot ko sa mommy ko.
Habang si Daddy naman napahawak sa kanyang baba, “Tama si Chloe, Darling. Kung totoo na bago ang lalaki na ‘yun then how he can have a money like that?” Tanong ni Daddy at pagsang ayon nito.
“Malay niyo naman kung businessman din ito?” Tanong mom.
Agad sumagot si daddy. “Posible pero ang one time p*****t para sa ganung kalaking halaga? Ay hindi biro.” Paliwanag ni daddy.
Tumango si mommy at muling nag salita. “Kung ganun, baka may kasabwat yung lalaki? Baka inutusan lang ang lalaki na yun?” Tanong ni mommy sa amin ni Dad.
Pasagot na ako ng mag vibrate ang cellphone ko sa aking kamay, kaya naman nag excuse muna ako at sinagot ang tawag ni Monica ang kaibigan ko.
Umakyat na ako sa kwarto ko at doon ako nag salita, “Monica, napa tawag ka?” Tanong ko dito.
“Sis, hindi ka maniniwala sa nalaman ko tungkol sa bagong kilalang kumpanya na H.C Builders!” Wika nito, naging dahilan ng pagka kunot ng noo ko.
“Kilala ko ang may ari niyan sis, si Hayes yung ka-schoolmate natin sa college noon?” Sagot ko dito.
“Gaga! Alam ko na ‘yun open cam nga tayo bilis!” Pag mamadali nitong utos sa akin.
Umirap lang ako kahit hindi ako nito nakikita, agad kong nilagay sa video call at nilapag ko muna ito sa side table ng kama ko.
“Sis, yung si Hayes Cox Ferguson? Noon pa ay isa siyang bilyonaryo walang nakaka alam dahil nilihim lang ng magulang niya sa mga tao. Anak siya ni Hayden And Coleen Ferguson, yung bilyonaryo na mag asawa?” Paliwawanag sa akin ni Monica na kina tigil ko.
Natatandaan ko hindi naman kilala si Hayes noon sa school lagi ito binu-bully dati dahil sa isa siyang mahirap. Pero nag tataka kami bakit Ferguson ang last name niya.
But never itong nag salita tungkol sa pamilya niya, tikom ang bibig nito.
“Yun ang dahilan bakit hindi siya noon nag sasalita, pinaranas sa kanya ng magulang niya paano mabuhay ng simple.” Muling wika ni Monica.
“At ang H.C Builders at hango sa pangalan niyang Hayes Cox at sa initial din ng pangalan ng magulang niya na H and C din!” Napa tingin ako sa kaibigan ko habang nagpapaliwanag ito.
“Sis, ang kalaban mo ay mas mayaman pa sa pamilya mo. Siya ang ikalawa sa pinaka mayamang tao sa bansang ito..” wika ni Monica sa akin.
“Pero bakit niya yun tinago? Noong ginawa namin ang scheme bakit hindi niya nagawang lumaban?” Tanong ko sa kaibigan ko.
“Siguro dahil kapag nanalo siya guguluhin niyo siya lalo?” patanong na sagot sa akin din nito.
“Malay mo pag papanggap lang niya yun? Kukunin siya ng kumpanya ng Daddy ko para sa gagawin magazine at siya ang front at ilalagay din sa EDSA para makita ng mga tao.” Naka ngiti nitong pag babalita.
“What? Kailan naman yan? Pwede ba ako manood?”tanong ko dito.
“Oo naman kaya nga kita tinawagan. Ipapakilala din ako ni daddy sa kanya, malay mo naman isang Hayes Ferguson pala ang para sakin? Ang gwapo kaya niya at ang ganda ng katawan!” Naka ngiti nitong sagot.
Ngumiti naman ako ng mapait at umiling, “Basta bukas ng 1pm punta ka sa company sa office ko. Kasi may interview muna and then photoshoot na!” Wika nito.
Tumango na lang ako hanggang mag salita ulit ito, “ Oo nga pala sis, hindi ko alam pero mag ingat ka kay Hayes. May nalaman ako na marami na itong connection at ang ibang kasama nito noon sa kulungan ay matagal ng naka laya. Sigurado na nag tutulungan sila.” Ngumiti ito sa akin pero ang ngiti nito ay hindi umabot sa sulok ng kanyang mata.
Ito na mismo ang nag end ng call at ako naman ay huminga ng malalim. “Sino ba ang mga kasama ni Hayes sa kulungan noon?” Tanong ko sa sarili ko.
-
HAYES COX FERGUSON
“Akala ko hindi ka papayag sa Interview, plus photoshoot na yun?” Tanong ni Micro sa akin.
Inabot sa akin nito ang itim na paper bag na nag lalaman ng isa ko pang nakuha sa auction. Isa isang infinity volcano ring.
Nag iisa lang ito, kaya gusto ko makuha. “Mas maganda na ‘yun hindi na tulad noon na pwede ako mag tago sa likod ng mga magulang ko. Dahil takot ako makilala ng mga tao.” Sagot ko habang binubuksan ang box at kinuha ko ang ring na ito.
Agad kong sinuot ito sa kaliwang hintuturo kong daliri ko. “Then samahan pa kita? Saan mo pala ilalagay ang paired necklace ng iyong ina?” Tanong sa akin ni Micro.
Nilingon ko ito na naka upo lang sa gilid ko. “Dito lang sa bahay ko. Maraming salamat naisend ko na ang bayad ko sa mga bank account niyo ni Tiger.” Sagot ko at pasasalamat ko dito.
Tumango naman ito at tumayo, tinapik ako nito sa balikat. “Hindi mo kailangan lagi kami bayaran, tutulong kami dahil may atraso din ang pamilya na yun sa amin. Bukas na lang ulit.” Paalam nito,
“1 pm tomorrow after lunch..” pag bibigay ko ng information dito bago ito maka labas ng aking bahay.
Nakita ko lang itong tumango at tulungan ng umalis, kinuha ko ang isa pang paper bag at kinuha ko ang laman nito.
“Yan na ba ang paired sapphire na niregalo ng daddy mo sa mommy mo?” Tanong ni Nanay Andeng.
Tumango ako at binuksan ito, “Yes nay, finally nakuha ko ulit nabawi ko siya.” Naka ngiti kong sagot.
Ngumiti lang si Nanay Andeng at nag paalam itong aalis na. Ang mga gamit ko sa opisina ay si Luigi na ang pinakuha ko, at ang ilang paper work at dito ko na gagawin sa bahay.
Matapos ko matitigan ang paired necklace and earrings agad ko naman itong tinago sa aking kwarto.
DUMAAN ANG MAG HAPON AT NGAYON AY GABI NA kasama ko si Dalton at Luigi.
Dalton handed me a brown envelope kinuha ko ito at binuksan. “Andyan ang information ng pamilya Mocorro at ang ilang information din ng kumpanya ni Caezar Tate.” Wika nito.
Kinuha pa nito ang dinala ni Nanay Andeng na snack para sa akin. Binasa ko ito ng mailabas ko. “Bukod sa lulong si Caezar sa casino, maraming utang pero lahat yun nabayaran dahil sa bilyon na halaga ng nakuha nila sayo.” Wika ni Luigi, naka silip ito sa binabasa ko.
Imbes na magalit ako hinayaan ko na lang ito na makibasa.
“Tama ka Luigi, yung pera pa ata ang naging dahilan bakit sila back on track ngayon?” Pag sang ayon ni Dalton.
Hinayaan ko lang sila muna mag usap at ako naman ay binasa mg maigi ang information. “Ano itong nag karoon ng anak sa pag ka binata si David Von Mocorro?” Tanong ko at tinuro ko ang page kung saan ko nabasa ito.
“Oo totoo yan, pero hindi ko alam nasaan na yung mag ina.” Sagot ni Dalton.
“Gumawa ka ng paraan para mahanap sila at dalhin sa akin, mag patulong kana kay Micro at Tiger.” Utos ko dito.
Napa lunok ito sa utos ko, kalaunan ay tumango na lang, “ Okay ako na ang bahala dito.” Sagot nito sa akin kaya tumango na lang ako.
“May naisip ka ba?” Tanong sa akin ni Luigi. Si Dalton naman ay nanatiling naka upo sa receiving area ng opisina ko sa aking bahay.
“Gusto ko lang malaman pa ang mga sekreto ng dalawang pamilya na ito, bago ako kumilos ng malaya.” Sagot ko at sinara ko na ang aking laptop.
“Bukas si Luigi na muna ang sasama sa akin, ikaw Dalton ang kasama nila Tiger at Micro para mapabilis ang pag hahanap ninyo.” Utos ko.
Tumango naman ang dalawa, “Mauna na ako Sir!” Paalam ni Dalton, tumango ako at lumabas na ito agad ganun din si Luigi.
Habang hawak ko ang information ng mga kaaway hindi ko maiwasan hindi mag ngit-ngit sa galit. Mas lalo ng mabasa ko ang statement na ginawa ni Mrs Tate.
Hanggang may maalala ako, agad kong tinawagan si Micro. Ilang ring lang sumagot agad ito, “Pare, may sinend akong video sayo at gusto ko upload mo yan sa darating na kaarawan ni Caezar Tate ito ang birthday present ko sa kanya.” Pagbibigay ko ng utos kay Micro.
“Okay nakuha ko na, ako na bahala dito alam ko naman kailan kaarawan ng taong ‘yun..” sagot nito halata dito na kumakain pa ito ng kung ano.
“Sige mag kita na lang tayo kapag naka kuha na kayo ng information ni Dalton may inutos ako sa kanya.” Sagot ko dito.
“Whoo.. info again? gusto ko ‘yan!” Parang batang tanong nito.
“Nope, may hahanapin kayong tao.” Sagot ko dito, narinig kong tumawa ito bago sumagot.
“Okay sige, hintayin ko siya.” Sagot nito kaya naman binaba ko na ang tawag ko.
Sa mga ganitong bagay kailangan ko ng tulong nila, dahil kailangan ko maging inosente sa mata ng kalaban para malaya ako maka kilos. Pati ang mga kasama ko.
Tumayo na ako sa pag kakaupo at nag tungo ako sa aking kwarto upang matulog na at mag pahinga na.
KINAUMAGAHAN nag tungo na muna ako sa aking kumpanya upang maki balita. Hindi na ako nag pahatid kay Luigi magkikita na lang kami sa location kung saan magaganap ang interview at photoshoot.
Nang makarating ako agad akong dumeretso sa opisina ko hindi na ako dumaan sa main entrance, sa nag ground parking ako dumiretso. Hindi nag tagal nakarating ako sa floor kung saan ang opisina ko.
Pag labas ko ng opisina ko doon nakita ang mga tao ko na tahimik habang nag ta-trabaho.
Wala akong problema sa kanila dahil noon pa alam ko na ginagawa nila ang kanilang trabaho. “Good morning Boss!” Bati sa akin ng mga tauhan ko na naka kita sa akin.
“Good morning,” bati ko at pumasok na ako sa aking opisina.
“Sir? Coffee po?” Tanong ng sekretarya ko na naka sunod pala sa akin.
“No need, aalis din ako agad..” putol ko at kinuha ko ang ilang dokumento.
Muli naman ako nag salita. “Kung wala ka ng trabaho dito pwede ka na umuwi, huwag ka mag pagod ng husto.” Paalala ko dito.
“Okay lang Sir. Sir may meeting po kayo pala ka Mr. Johanes Macorro para sa gagawin na panibagong casino nito sa maynila. Nasa email po ninyo ang details at gusto po niya kayo ang gagawa ng design.” Mahabang wika nito.
Nilingon ko ito hanggang mag salita muli ito. “Ang anak niya po na lalaki ang nag dekomenda po sa kumpanya ninyo.” Alangan pa itong ngumiti habang sinasabi ang mga ‘yun.
“Okay ako na bahala don’t worry, tell him sa opisina niya ang meeting. Saturday 10 am.” Utos ko dito at nag lakad na ako palapit dito.
“Okay po Sir, makakarating po sa kanya.” Sagot nito at yumuko pa ito sa harapan ko.
Hindi na ako umimik at lumabas na lang ako ng aking opisina. Sumakay na ako ng elevator at nag tungo sa ground floor tulad kanina.
Hawak ko ang naiwan kong USB kung saan nandito ang mga kailangan kong files. Nang tumigil ang elevator nakatanggap ako ng message mula sa aking email.
Birthday Celebration of Mr. Caezar Tate from Tate enterprise.
Binulsa ko ito matapos ko mabasa dumeretso ako sa aking sasakyan na Maserati Granturismo Gray. Mabilis ko itong minaneho patungo sa location kung saan gaganapin ang interview.
Kung tama ako ang anak ng may ari ng elite publishing company na ‘yun ay si Monica Lincoln kung tama din ako kaibigan ito ni Catleyah.
Hindi na ako magulat kung nandito din si Catleyah, mag kaibigan sila noon pa kaya hindi yun malabong mangyari.
Nang tumigil ang mga nasa unahan kong sasakyan agad akong nag padala ng mensahe kay Luigi at pinaandar ko na agad ang sasakyan.
Hindi nag tagal nakarating na ako saktong nakita ko si Luigi na kausap ang guard. Nang bumusina ako lumingon ito at yumuko sa akin kahit hindi pa ako lumalabas.
Nang maipark ko ang sasakyan ko ng maayos ay bumaba na ako at nag tungo sa pinto ng kumpanya. “Sir.” Tawag sa akin ni Luigi.
“May interview ako sa loob. I’m Hayes Ferguson.” Pakilala ko sa gwardyang lalaki.
Nanlaki ang mata ng gwardya at agad binuksan ang pintuan. “Sorry sir! Ito po pumasok na po kayo.” Nag mamadali nitong wika, hindi ko ito inimik at nag lakad na patungo sa loob.
Hanggang may sumalubong sa amin na isang babae, kung tama ako si Monica ito, “Holy smoke! Sino siya?” Tanong ni Luigi.
Nilapit ko ang bibig ko sa teinga ng kasama ko at nag salita ako. “Bestfriend siya ni Catleyah.” Yun lang ang sinagot ko na kina asim ng mukha nito.
“Gusto mo parin?” Tanong ko dito na kina iling nito.
Hindi pa siya pwede mag ka gusto kay Monica dahil maaaring may alam ang taong ito sa plano ng kaibigan niya.
“Good afternoon Mr. Ferguson! I’m Monica this way please..” bati nito habang naka ngiti sa akin.
Tumango lang ako at sumumod na kami dito. “I heard everything about you. You became a successful businessman nowadays right?” Tanong nito, sumakay na muna kami ng elevator bago ako sumagot.
“Yeah. And i know you heard about me as ex-convict right?” Malamig kong tanong dito.
Ngumiti sa akin ito pero alam mo na alanganin ito. “Yeah, pero hindi naman yun big deal my father and me know that.” Sagot nito.
Tumango na lang ako at hindi na umimik pa hanggang tumahimik na rin ito, kung ang tanong nila mamaya ay tungkol sa pagiging ex-convict ko ay hindi na ito bago sa’kin.
Let’s just say, inaasahan ko na.