CHAPTER 8

2601 Words
- CATLEYAH CHLOE TATE Nakatingin lang ako sa isang tinted glass window kung saan kausap ni Monica si Hayes habang nasa kabilang pinto ang mga ito. “Please be comfortable here Mr. Ferguson. Aayusan ka ng aming make up artist and then go na for your interview.” Narinig kong wika ni Monica. Ngunit wala parin imik si Hayes at dahil doon lumabas na si Monica at nag tungo sa kwarto kung nasaan ako. “Grabe sobrang intimidating ng lalaking ‘yun wala siyang emosyon!” Bulong nito habang umaaktong pinay-payan ang kanyang mukha. “Sabi sa’yo ang laki ng pinag iba niya noon sa ngayon..” wika ko dito at umupo ako. “Okay lang ‘yun but anyway yung mga tanong? Tulad ng request ni Tita na tanong about sa pagiging ex-convict niya.” Sunod sunod na wika nito agad ko naman tinakpan ang bibig nito. “Shut it girl! Baka marinig nila tayo.” Awat ko dito at inalis ko agad ang kamay ko. Umirap naman ang babaeng ito sa akin at nag salita, “Kahit naman marinig niya may magagawa ba siya? Totoo naman na ex-convict siya?” Tanong nito na kina iling ko. “Basta! Huwag kana maingay!” Awat ko muli dito. Inirapan naman ako nito “ Oo na! Mauuna kami pumunta sa studio tapos sunod kana lang ha? Babush na!” Paalam nito at humalik ito sa pisngi ko. “Okay.” Naka ngiti kong sagot at hinayaan ko na itong umalis. Nang maka alis ito agad kong sinabihan ni Mom na manood na ng tv. Oo may kinalaman si Mom sa mga tanong kay Hayes dahil gusto namin mapahiya ito at titingnan ko kung hanggang saan ang tapang ng taong ito. LUMIPAS ANG ISANG ORAS nandito ako sa gilid kasama si Monica. “Ang gwapo talaga niya. Yung jawline niya? Perfect yung kamay at yung daliri niya? Sh*t lang pakiramdam ko kapag nasa loob ko ‘yan makaka rami ako ng ilalabas.” Mahalay na kwento ni Monica na kina laki ng mata ko. “Hey bibig mo!” Suway ko dito. Tumawa naman ito at nag salita. “Girl, nagsasabi lang ako ng totoo. Ang ganda din ng katawan kasi niya, pwede ko pag pantasyahan o pwede ko din naman akitin kahit isang gabi lang..” kumindat pa ito sakin na kina iling ko na lang. “Girl. Alam ko tinatamaan ka din sa kanya, kilala kita hindi mo ba naimagine na nasa ibabaw mo siya? O hawak ka man lang niya?” Bulong nito sa akin. Pakiramdam ko biglang uminit ang pakiramdam ko sa narinig ko, at naramdaman ko din ang pamamasa sa ibaba ko. “Tumigil ka na, hindi ko gagawin yan at hindi rin ako papayag.” Sagot ko dito na kina tawa nito. “Akin na lang siya ha? Gusto ko talaga siya eh!” Sagot nito at paalam pa nito. “Sana lang hindi malaman ng jowa mo ‘yan!” Pananakot ko dito. Ngumisi nito at nag salita, “He never know about this..” bulong nito. Umiling na lang ako at pinanood ko si Hayes na mag pakuha ng litrato para sa billboard at magazine. “Mr. Ferguson pwede ba namin ilagay ang pagiging ex-convict mo sa parang magiging billboard mo?” Tanong direktor na kina kaba ko. Nagawi ang tingin ko kay Hayes na wala kahit anong emosyon sa mga mata nito. “Do it whatever you want, yung totoo lang.” sagot nito at umalis na agad, kasama nito ang isang lalaki. Nagkatinginan kami ni Monica at doon nakita ko na ngumiti ito, “I really want him in my bed!” May pagka excite nitong wika. Napa irap na lang ako. Nang makalabas si Hayes patungo sa studio for the interview hinila na ako ni Monica para pumunta na rin doon. - HAYES COX FERGUSON “Dito ka uupo Mr. Ferguson at ang host na po ang bahala magpakilala sa inyo.” Wika ng assistant ng director. Tumango lang ako at umupo na ako tulad ng utos nito, ni pasasalamat ay hindi ko ginawa. Dahil halos 98% ng tao sa loob ng studio na ito ay kasabwat ni Leona Tate. Inaasahan ko na ‘yun kaya hinihintay ko na lang, kung anong mangyayari sa mga susunod na minuto. Hanggang lumabas ang isang babae na tingin ko ay host, nag pakilala muna ito sa akin bago kami mag umpisa. “ I’m Tasia Mores, ako ang mag iinterview sayo ngayon Sir. Relax ka lang okay?” Naka ngiti nitong wika. “I am, don’t worry about me.” Malamig kong sagot dito at nakipag kamay ako dito. Ngumiti naman ito at umupo na sa kanyang upuan, hawak nito ang isang card kung saan nakalagay ang question. Hanggang mag roll na ang camera ng makapag pakilala na ito at ako naman ang sunod nitong pinakilala. “ At sa kasama natin ngayong hapon live na live. The owner of H.C Builders Mr. Hayes Cox Ferguson!” Pakilala nito sa akin sa harap ng camera. Imbes na ngumiti ako ay hindi ko ginawa kahit pa ang tumingin sa camera. Nakita ko ang pag ka ilang ng babaeng host pero wala akong pakialam sa nararamdaman niya. “Eheem.. okay let’s proceed.” Tikhim nito at muling tumingin sa kanyang hawak na question. “Wait bakit ganito ang question? Bakit- - - direct bakit ganito ang mga tanong puro sa pagiging ex-convict niya at r*pist? Alam niyo na hindi ito pwede ita- - -“ naputol ito sa pagtatanong sa mga kasama niya nag mag salita ako. “Just ask me what ever questions it is.. gusto ko na matapos ito at maka uwi na ako.” Malamig kong wika dito na kina singhap ng lahat ng tao sa loob. Nakita kong paano mapahiya ang host pero wala parin akong pakialam. “Okay ito, totoo bang ex-convict ka? At nakulong ka dahil sa pang gagah*sa sa isang anak ng businessman?” Alanpgan nitong tanong. “Sa bansang ito madali mag sabi ng nir*pe sila dahil sa bansang itong walang hustisya na umuusad. Walang tamang proseso ng pag iimbestiga, basta may pera bayad mo na ang lahat.” Mahabang pahayag ko. Ngumisi ako at nag salita muli. “Kung sino man ang taong tinutukoy mo na ginah*sa ko? Ang galing niya mag frame up. Well darating din ang oras na lalabas ang totoo at sisiguraduhin ko ‘yun. Sa ngayon hahayaan ko siyang maging malaya muna.” Dagdag ko pa. Alam ko nandito si Catleyah at sisiguraduhin kong bibigyan ko siya ng takot sa dibdib. “May tanong ka pa? Dahil mukhang yun lang ang itatanong ninyo sa akin.” Tanong ko sa host at yumuko ito at pinakita sakin ang mga question. Natawa naman ako dahil tama ako, “ Kung hindi niyo sasabihin sino ang nagbigay sa inyo ng question na ito at sino nag bayad sa inyo? I will sue this company big time!” Banta ko at binagsak ko ang question sa mesa na maliit. “Bibigyan ko kayo ng oras.. 12 hours!” Utos ko bago ako una nag lakad palabas. Sumunod naman si Luigi sa akin, “Okay lang ba ang ginawa mo baka maka-apekto ito sa kumpanya mo?” Nahihimigan ng pag aalala ang tono nito. Sumakay na kami sa elevator at ng sumara ito ay nag salita ako, “Sigurado ako na hindi nila ikakanta si Leona. Alam ko si Leona ang may pakana nito.” Bulong ko sapat lang para marinig nito. “Kung ganun? Tama ka na nandito si Catleyah?” Tanong nito sa akin. Tumango ako at napa hilamos naman ito ng mukha niya. “Pambihira! Hindi talaga sila marunong tumigil!” Punong puno ng frustration ang pagkaka bigkas nito. “Sa susunod asahan mo na ito mas lalo bukas nasa headline ako.” Paalala ko dito at umayos ako ng tayo dahil nasa first floor na kami. Kinuha ko ang cleared eye glasses ko at sinuot ito. “Let’s go, ikaw na mag drive.” Malamig kong utos dito at hinagis ko ang susi kay Luigi. “Alright!” Sagot nito kaya sabay kaming nag lakad palabas. Sigurado ako na wala itong dalang sasakyan at nag commute na lang ito ng pumunta dito. - CATLEYAH CHLOE TATE Naka tulala lang ako habang naka tingin sa pinag labasan ni Hayes na pinto. “Paano ito? Malalaman niya na si Tita Leona ang may pakana ng mga tanong na ito?” Kinakabahan na tanong ni Monica. Dahil doon nagising ako at agad kong kinuha ang bag ko. “Mauna na ako!” Nag mamadaling paalam ko at mabilis akong nag lakad na halos takbuhin ko na. Hanggang makarating ako sa elevator at agad akong pumasok dahil bukas ito. Hinanap ko agad ang susi ng sasakyan ko at ng makuha ko ito cellphone naman ang kinuha ko. Agad kong tinawagan si Mommy at naka ilang ring lang agad itong sumagot. “Mommy! Linisin mo ang kalat mo please, mukhang mali ka ng ideya na labanan si Hayes ngayon. Marami siyang connection mom!” Nag mamadali kong wika sa mommy ko at nag madali na akong lumabas ground floor. Agad kong binuksan ang sasakyan ko at pumasok na ako agad sa loob. “Malines ang ginawa ko anak! Umuwi kana dito.” Utos ni mommy kaya binaba ko na ang tawag ko at nag maneho na ako agad ng sasakyan pauwi ng bahay. Mas binilisan ko pa ng maka labas ako ng ground parking. Hindi biro ang pag babanta ni Hayes kanina alam ko na gagawin niya ang sinabi niya. Hindi ko kakayanin kung malagay kami sa kahihiyan. Hindi nagtagal nakarating na ako at agad kong binigay sa driver namin ang susi ng sasakyan ko ng maka labas ako. “Cat anak andito kana rin..” nag aalala na salubong sa akin ni Mommy at niyakap ako nito ng mahigpit. “Mom, paano kung mag pa imbestiga si Hayes?” Tanong ko kay mommy umupo muna ako, ganun din si Mommy. “Huwag kayo mag aalala sisiguraduhin ko na hindi ko hahayaan na malagay kayong dalawa sa kahihiyan.” Wika ni dad na kina lingon namin ni mommy ng sabay. “Dad!” Tawag ko dito at niyakap ko ito ng makalapit ito sa amin. “Magaling ang ginawa niyo, ang buksan ang nangyari noon para mag hirap siya muli at pag initan siya ng mga police.” Wika ni Daddy at ngumiti ito sa amin ni Mommy. Ngumiti na lang ako at tumango, ganun din ang mommy. Hindi ko kailangan matakot at mag aalala dahil nandito si Daddy para sa amin ni Mom. Walang iwanan sa problema at mga ganitong bagay. Kaya namin ito. - HAYES COX FERGUSON Binaliwala ako ang mga bashers online tungkol sa mga tanong sa akin sa isang live interview. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang company ng pamilya ni Monica Lincoln. Agad sumagot ang secretary ni Monica. “Hello, this is- -” i cute her words. “Tell your boss, delete all my photos that they shoot me a while ago! Kapag hindi nila ginawa? I will put your company in an embarrassing situation and I will sue your entire company! This is Hayes Ferguson!” Madiin kong utos at binaba na ang tawag ko at nilagay ko sila sa blacklist ko. Sa ginawa ko sigurado na malaki ang malulugi sa kanila sa pag atras ko at utos ko, sa oras na hindi sila sumunod pakakainin ko sila ng demanda at kahihiyan. Nakita ko na naka silip ang secretary ko sa pinto may hawak itong box. “Pumasok kana,” mahinahon kong utos dito agad itong ngumiti sa akin at parang bata itong pumasok. “Sir, bigay ito ng hubby ko masarap ‘yan mangosteen flavor. Pero kung ayaw mo po may ube cake po d’yan..” paliwanag nito at tinuro nito ang loob. “Nag abala pa kayo, pero salamat paki lagay na muna ito sa ref sa opisina ko i-uwi ko sa bahay.” Nginitian ko ito. Tumango ito at masaya itong kinuha ang dala niya at umalis sa harap ko. Nang maka balik ito nag salita ito “Sir, hindi po ako naniniwala sa news na lumalabas sa tv alam ko po na hindi po ninyo magagawa ‘yun!” Wika ko. “Huwag ka mag aalala never ko ginawa ‘yun pero kailangan ko patunayan muna na wala akong kasalanan para malaya na ako sa isyu na ito.” Paliwanag ko dito na kina ngiti nito ng husto. Nag paalam na ito at agad na aalis kaya naman ay bumalik na ako ulit sa pag ta-trabaho. Hanggang nakita ko ang isang gray na folder at doon ko kinuha ito at binuksan ito. Binasa ko ito habang naka sandal ako sa aking upuan, hawak ko din ang ballpen ko, “Mariah pumasok ka nga muna dito,” tawag ko sa secretary ko gamit ang intercom, “Okay Sir.” Sagot nito kaya umayos na ako ng upo ko hanggang makapasok ito. “Sir ano po ang kailangan ninyo?” Tanong nito, pinakita ko sa ang folder kung saan naglalaman ito ng design na gusto ng pamilya Mocorro sa kanilang ipapatayo na Casino. “Hindi ko tatanggapin ang design na ‘yan, ibalik mo sa kanila yan.” Utos ko dito at nakita ko pang nagulat pa ito. “Pero ito po kasi ang gusto ng anak niyang lalaki, yung David.” Sagot nito. “Sinabi mo ba sa kanila na hindi ako tumatanggap ng pre-made design? Mas lalo baka kinopya lang yan?” Tanong ko dito. Ngumuso ito ng parang bata bago tumango. “Opo sinabi ko po sa kanila, pero yan daw po ang gusto nila.” Sagot nito. “Mag set ka ng dinner tonight now!” Utos ko dito. Tumango agad ito at umalis na. Tuturuan ko lang ng leksyon, nag trabaho na lang ako ulit hanggang sabihin sa akin ng sekretarya ko na pumayag na ito. Sinabi din nito kung saan kami magkikita. Sa isang italian restaurant. KAYA NANG MAG GABI sinabihan ko si Luigi na samahan na lang ako muna. “Anong gagawin mo kapag nag matigas yung David?” Tanong ni Luigi sa akin habang patungo kami sa restaurant. “Edi turuan ng leksyon ang bata. Maiwan kana lang dito,” sagot ko na kina tawa nito. Tumango ito at hindi na umimik ng makarating kami, bumaba ako ng mag isa at tinanguan ko ito na patawa tawa lang sa loob ng sasakyan. Umiling na lang ako at nag tungo sa loob, “Good evening Sir, table for?” Bungad ng babae sa akin. “Mocorro.” Malamig kong sagot na kina tingin sa akin nito. “A-ahmm.. this way sir.” Kinakabahan nitong aya sa akin kaya sumunod naman ako. Tahimik lang ako na nag lalakad hanggang makita ko si Catleyah at si David Mocorro na magkatabi. “Mr. Mocorro nandito na po si Mr. Ferguson.” Wika ng babae kaya lumingon sa akin si David. Umalis naman ang babae agad. Ngumisi sa akin ito, “Have a seat.” Aya nito sakin. “No need saglit lang ito, kung ipipilit mo ang design na ito.” Wika ko at hinagis ko sa mukha nito ang folder. “Ikaw gumawa niyan. Wala akong pakialam sa pera na ipapasok mo sa kumpanya ko, hindi ako gagawa ng design na copy lang naman..” sagot ko at tinalikuran ko na sila na halatang nagulat sa ginawa ko. Nag lakad ako ng prente palabas ng restaurant habang ang mga taong nadadaanan ko ay nag si tabihan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD