HAYES COX FERGUSON
Nang mag gabi nag tungo ako kasama ang kanang kamay kong si Dalton sa mansion ng mga Taté.
Tama ako na ang bahay na pagmamay-ari ko talaga sila tumira, kasama ito sa nakuha nila sa akin naikuyom ko ang kamao ko sa pagtitimpi ko ng galit. “Sir, naka kuha ako ng information na hindi lang kayo ang bisita ng mga Taté.” Basag sa katahimikan ng kanang kamay ko.
“Sino pa ang kasama?” Tanong ko dito. Binaba ko muna ako ang hawak kong iPad.
“Ang fiancée ng nag iisang anak ng mga kalaban ninyo.” Wika ng kanang kamay ko.
Tumango naman ako bago mag salita, “Gusto ko Ikaw personally kumuha ng information ni David Von Mocorro.” Utos ko dito,
Tumingin ito sa akin gamit ang rare view mirror, “May plano po kayo?” Tanong nito sa akin.
“Sabi ni Sir. Tiger nagbigay siya sa inyo ng information ni Von?” Tanong nito.
“Hindi ‘yun sapat, gusto ko marami yung malalim..” sagot ko at tumingin ako sa labas ng bintana.
Narinig kong bumuntong hininga ito at nakita ko na pumasok kami sa isang villa, ang dating Stuart Residence na ngayon ay isa lang Taté villa.
Bakit napalitan? Dahil sa Mommy ko ang lugar na ito, Stuart ang dating apelyido nito bago ito nag pakasal sa aking ama.
“Sir, ang dami na pinag bago ng residence na ito..” wika ng kanang kamay kong si Dalton.
“Oo. Kapag nakuha ko ito ibabalik ko sa dati ang lahat ng ito.” Sagot ko dito.
Hindi na ito umimik hanggang makarating kami sa isang pulang gate na dati ay kulay puti. Kahit ang mansion nag bago na rin ang kulay maraming dinagdag.
“Tuluyan na nilang inangkin ang mansion ng iyong ina Mr. Ferguson.” Wika ni Dalton sa akin.
Tahimik lang akong tumango, kahit madilim ang ibang parte ng daanan makikita mo parin ang mga pagkakaiba ng noon at ngayon.
Bukas ang maliit na gate at lumabas ang isang lalaking gwardya, kaya binaba ni Dalton ang bintana sa gawi niya. “Mr. Ferguson.” Bungad ng tao ko.
Nakita ko nanlaki ang mata nito at yumuko, mukhang alam nito na darating ako ngayon. Hindi kasi nito nakuha pang mag tanong o harangan kami.
Agad itong pumasok at binuksan ang ikalawang gate upang makapasok pati ang sasakyan ko.
Pag pasok saktong nakita ko lumabas ang mag asawang Tate. Tumigil ang sasakyan at nilingon ako ni Dalton. “Sabihan mo ako Sir kapag kailangan mo na ako..” paalala nito.
“No need kaya ko sila.” Malamig kong sagot dito, tumango ito at lumabas na.
Mabuti at tinted ang salamin ng sasakyan kaya hindi nila nakikita ang nangyayari sa loob ng sasakyan. Pinag buksan ako ng pinto ni Dalton kaya lumabas na ako agad.
CATLEYAH CHLOE TATE
Nakita ko mula sa pintuan ang pag labas ni Hayes, kitang kita ko kung gaano ito katangkad. Napa lunok ako sa kaba at takot na rin.
“Babe, siya ang lalaki na naka banggaan ko diba?” Tanong sa akin ni David Von or Von.
Tumango ako bago sumagot. “ Yes babe,” sagot ko, hindi pumayag ang magulang ni Von sa gusto ko na hindi na magpakasal dito.
Dahil malaki ang utang ni dad sa dad ni Von, masakit man pero ako ang maging kabayaran ng mga ginawa ni Dad noon.
Isang may ari ng pasugalan ang ama ni David at ang iba ay casino pa. Nalulong si Daddy sa casino kaya ito ang nangyari.
“Bakit siya nandito?” Tanong sa akin ni David. Bumaba ang tingin ko sa kamay nito, naka kuyom ito sa galit.
“Kumalma ka ayaw ni Dad ng kahit anong gulo ngayong gabi, save it to another day.” Awat ko dito at iniwan ko ito upang salubungin ang bisita kasama ng aking magulang.
“Good evening, Mr. Ferguson masaya ako at nakarating ka!” Naka ngiting pagbati ni Dad dito.
Ngunit hindi ni Hayes tinanggap ang pakikipag kamay ni Daddy sa kanya na kina init ng ulo ko. Tumikhim si Mom ng senyahan ko ito.
“Eheem, Darling bakit hindi natin ayain si Mr. Ferguson sa loob?” Tanong ni Mommy kay daddy. Ako naman ay nahigit ang hininga ko ng lumingon si Hayes sa akin at tinatapunan ako ng malamig na titig.
Ngumiti ako ng alanganin dahil hindi ko alam paano ako ngingiti sa kanya, napaka bigat na aura ang binibigay niya sa akin.
“Let’s go inside Mr. Ferguson the table is waiting..” aya ni Daddy, nang simula itong humakbang gumilid agad ako upang maka daan ng maayos ang bisita.
Nang maka lagpas ito sa akin doon ko na amoy ang manly scent ng taong ito. Hindi ko alam kung bakit may kakaibang init akong nararamdaman kay Hayes.
Sinundan ko ng tingin ang pigura ni Hayes hanggang tapikin ako ni Mom na nag pabalik sa akin sa kasalukuyan. “Ano ba nangyayari sayo? Tara na..” tanong ni Mom sa akin.
Ngumiti ako at umiling , “ Nothing mommy,” sagot ko at nag lakad na kami patungo sa dining
Nilapitan ko si David at hinila ko na ito agad patungo sa dining, umupo ako sa kaliwang side dahil si Mom nasa kanan ni Daddy.
Habang si Hayes at Dad ay nasa gitna magka harapan sila, ang Fiancée ko naman ay katabi ko naman.
“Manang? Yung pagkain please..” tawag ni mommy kay manang Celia. Ramdam ko ang tensyon kay daddy at sa aming bisita.
Pakiramdam ko hindi magandang ideya ang ginawa ni Dad ngayon, “Kumain na muna tayo, bago pag usapan ang ilang bagay na gusto ko imungkahi sa’yo, Mr. Ferguson.” Anunsyo ni dad ng dumating ang mga pagkain.
“Kahit habang kumakain tayo, para maka uwi na ako agad.” Malamig na sagot ni Hayes kay dad. Tahimik lang akong kumuha ng pagkain.
Habang pinag hahainan ni Mom si Daddy ako naman ay sumubo na at hinayaan silang mag usap. “Kung yan ang gusto mo,” sagot ni daddy.
Nakita ko naman binigyan ako ng glass of wine ni David tinanggap ko ito at nginitian. “Alam ko na sinisingil kana ng pinagkakautangan mo, at itong bahay malapit na itong ma-remata.” Panimula ni Hayes.
Napa lingon ako dito at sa magulang ko, “Dad..” tawag ko dito..
Lumunok si daddy muna bago mag salita, “ Tama ka, ano naman sa’yo?” Matapang na tanong ni dad dito.
Narinig kong tumawa si Hayes at umiling pa ito habang hawak ang kanyang wine. “ Gusto ko lang? Ako magbabayad ng lahat ng utang mo, kapalit ang bahay na ito. Pero may isa pa akong gusto.” Malamig na sagot ni Hayes.
Bumalik ang mata nito sa pagiging walang emosyon, “Ano yun?” Tanong ni Mommy kay Hayes.
Tumingin si Hayes sa akin na kina kaba ko naman, “Pumayag kayo na pakasalan ko ang anak niyo, tutal sabi niyo may atraso ako sa kanya diba? Dapat panagutan ko yun. Which is..” putol nito ng mag salita si Daddy.
“Marrying my only child? No!” Sagot ni Dad, binagsak pa nito ang kamay niya sa mesa na maka likha ng ingay.
“Then tapos na ang dinner na ito, yun lang ang dahilan bakit ako pumayag. But my offer is still open..” sagot nito at pinunasan pa nito ang kanyang bibig bago tumayo.
Tumayo na ito at kinuha ang cellphone nito at may kung sinong tinatawagan. “Dalton, prepare the car we’re leaving here.” Utos nito sa kausap nito.
“Salamat sa dinner.” Pasasalamat nito at tumalikod na sa amin agad.
Kahit galit ako sa offer nito nagawa ko itong habulin, kung ito ang paraan para maka alis ako sa kasal ko kay David gagawin ko ito.
Ngunit bago pa ako makalakad nag salita si Daddy. “Catleyah! Tumigil ka, hindi natin kailangan ang tulong ng lalaking ‘yun hinding hindi ko ipagpapalit ang anak ko sa walang hiyang kriminal na ‘yun!” Pagpapatigil sa akin ni daddy
Wala akong nagawa kundi umupo ulit, “ Dad, ayoko po ikasal agad wala naman pag mamahal na namamagitan sa amin ni David..” pagmumungkahi ko.
Yumuko ako para hindi makita ang mga mata nilang galit o ano pa man na emosyon ang nandun. “But? Hindi pwede mapahiya ang pamilya ko sa mga tao!” Galit na reaction ni David.
“David, hijo this is a family matter. Umuwi ka muna sa inyo.” Utos ni mom.
Padamog na tumayo si David at naglakad din ito ng padamog. “Anak ayaw mo ba talaga?” Tanong ni Mommy sa akin.
Naka yuko parin ako at tumango, “ Yes mommy, hindi ko kaya pakisamahan si David. Mahilig siya sa gulo ayoko ng ganun hindi magiging masaya ang buhay ko sa kanya, mahilig din siya mambabae at bisyo din!” Pag amin ko.
Sa ilang taon na de-date kami ganun lagi ang nangyayari, kapag napapa away nito ako ang umaayos ng lahat.
“Ayoko habang buhay kong ayusin ang gulong ginawa niya, kaya Mommy, dad? Pag isipan po ninyo ang offer ni Hayes please? Pwede ko naman paibigin si Hayes,” sagot ko at tiningnan sila.
Hinawakan ni Dad ang kamay ko bago ito mag salita. “Tomorrow morning i will call off the wedding between the Mocorro family and Tate family’s. Let’s not talk about that now, kumain na muna tayo ng maayos.” Mahinahon na sagot ni daddy.
Ngumiti at tumayo, niyakap ko ng mahigpit si Daddy. “Thank you dad!” Pasasalamat ko at bumalik na ako sa upuan ko at kumain na kami ng maayos.
-
HAYES COX FERGUSON
“Sir, ano sa tingin niyo papayag sila sa offer niyo?” Tanong sa akin ni Dalton. On the way kami pauwi sa bahay ko.
“Hindi, pero hahanap sila ng paraan para malusutan ang lahat ng ito.” Sagot ko at tumingin ako sa labas ng bintana.
“Ang inutos ko sayo gawin mo agad..” pag papaalala ko dito.
Tumango ito at hindi na muling nag salita pa. Nang makarating ako sa bahay agad akong bumaba hindi ko na hinintay itong pag buksan ako ng pinto.
Dumeretso ako sa ikalawang palapag at nag bihis na muna ako ng pambahay ko. Bumaba ako matapos upang kumain, dahil hindi pa sapat ang kinain ko.
Kung may isang bagay ang hindi nawala sa akin matapos ko makulong? Yun ay ang lakas ko sa pagkain. Ito ang hindi nawala sa akin.
Habang naglalakad ako nakita ko ang mukha ng aking ina at ama na magkasama sa pinagawa kong portrait nila.
Naikuyom ko ang kamao ko at nag lakad na ako pababa ulit, “Pag babayarin ko sila ng malaki sa ginawa nila sa akin..” bulong ko at dumeretso ako ng kusina.
Pagdating ko saktong nakita ko si nanay Andeng na nag lilinis ng lababo. “Nanay, anong ulam natin?” Tanong ko dito ng lumingon ito sa akin.
“Nag luto lang ako ng sinigang na bangus, oo nga pala hijo kailangan na mag grocery bukas hihingi sana ako ng budget..” sagot ni Nanay.
Tumango ako at kinuha ko ang wallet ko at inabot dito ng blue credit card ko. “Hawakan niyo na po ‘yan lagi ako mag lalagay ng pera dyan para kayo na po ang mag withdraw. Ang pincode niyan nakasulat sa likod.” Paliwanag ko dito at kumuha na ako ng plato ko.
“Ay okay sige, mag papasama na lang ako sa isa mo pang driver.” Sagot nito.
“Nay kumuha na kayo ng dalawa pang katulong o tatlo para hindi niyo sino-solo ang pag aasikaso sa mansion. Mas nakakatulong po sa inyo ito.” Sagot ko dito.
Ngumiti naman ito, siguro dahil sa narinig sa akin. “Gusto ko yan anak, mas hindi na ako nahihirapan dahil sa hagdan mo at kapag ako’y nag akyat panaog nakakapagod.” Sagot nito na may kasamang paninisi.
Ngumiti naman ako at iniwan na ako nito, kumain naman ako ng maka alis ito.
Habang kumakain ako naka receive ako ng text message mula kay Micro.
From Micro;
Pareng Red. Sinusubasta na ang pinaka mahal na alahas ng mommy mo. Utos ito ni Caezar Tate.
Basa ko dito na kona tiim ng bagang ko sa galit. Agad akong nag tipa ng message
To Micro;
Kahit ilang million pa yan kunin mo huwag kang papatalo. Ito ba ang sapphire necklace at earrings?
Pag send ko agad itong tumawag sa akin, sinagot ko ito agad. “ Pare, oo bukas ng gabi ang start ng bidding! Si Mrs. Tate ang nag utos na isubasta na ito pero ang utos talaga ay kay Caezar nagmula.” sagot nito sa akin at paliwanag.
“Gawin mo ang lahat para makuha natin ang bagay na ‘yan. Hindi nila pwede basta basta ibenta yan!” Gigil kong bilin ito.
“Ako na ang bahala isend ko sa’yo saan gagawin ang subastahan.” Sagot nito at binaba na ang tawag nito mismo ng hindi ako hinihintay sumagot.
Napa higpit ang hawak ko sa kutsara sa inis at galit na nararamdaman ko para sa pamilya na ‘yun. Tulad ng inaasahan hindi sila papayag sa offer ko, gagawa sila ng paraan
Handa naman ako gawin ang lahat, makuha ko lang isa isa ang mga kinuha nila sa akin ng hindi nila nalalaman na ako ang may utos ng lahat ng ito.
Matapos ko kumain, ako na rin ang nag hugas ng pinagkainan ko dahil alam ko na nagpapahinga na si Nanay sa silid nito.
Matapos umakyat na ako sa aking silid at nag pahinga muna, umupo ako sa couch at binuksan ko ang brown na box na galing sa bilibid pinadala ito sa akin ni Jaguar.
Binuksan ko ito at nakita ko ang mga letter sa loob, hindi pa makaka labas si Jaguar if ever na maka labas na siya. Hindi ito agad nagpapakita sa amin, may kailangan pa itong gawin sa personal na rason.
Kinuha ko ang unang papel na nag lalaman ng sulat at binasa ito, “Sa oras na mabasa mo ito, maaaring nasa loob pa ako ng kulungan. Ipagpatuloy mo ang laban hanggang maka labas ako.” Yun lang at binalik ko na ang sulat sa loob.
Nakuha ko ang itim na wallet at binuksan ko ito, dito ko nakita ang mukha ng asawa ni Jaguar buntis ito sa litrato.
“Kailangan ko kumuha ng information kung ano ba talaga ang totoong nangyari noon, bago pumanaw ang asawa at anak ni Jaguar..” bulong ko at binalik ko ang lahat ng ito sa loob ng kahon.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag tipa ng mensahe kay Dalton, inutusan ko na isabay nito ang pagkuha ng information sa asawa ni Jaguar. Sinabi ko ang ibang detalye, kung saan ito nag ta-trabaho noon at anong taon.
Para sa pag labas ni Januar o mag pakita ito may maibigay na akong information dito. Kung hindi naman nito tatanggapin ay ayos lang.
Mag ina niya ito hindi ko kailangan mang himasok, alam ko ang nararamdaman nito. Dahil nawalan din ako tulad nito.
Hindi ko lang lubos maisip na pati ang kawawang sanggol na walang laman idinamay ng mga taong ‘yun. Mga wala silang puso, dapat talaga na mag bayad sila. Yun ang kailangan para sa mga taong sinaktan ng mga Tate.
Napa ingat ako ng malim at nakapag desisyon na akong mag pahinga na, pagod din ako ngayong araw.
Matapos nito tumayo na ako at nag tungo sa aking higaan at humiga na ako upang mag pahinga na. Saktong pag higa ko agad akong dinalaw ng antok, dahil sa pagod na rin sa buong araw.