-
CATLEYAH CHLOE TATE
“Ikaw gumawa niyan. Wala akong pakialam sa pera na ipapasok mo sa kumpanya ko, hindi ako gagawa ng design na copy lang naman..” sagot ni Hayes at tumalikod na lang ito agad at umalis.
Ako naman ay nanatiling naka tulala lang, “Ano tini-tingin niyo d’yan?!” Nagising ako sa sigaw ni David.
Agad agad kong inawat ito. “Ano ka ba nakakahiya ka! Pati mga tao at crew na wala naman ginawa sa’yo galit ka!” Singhal ko dito at tumayo na ako ng padamog.
“Babe!” Tawag sa akin nito, ngunit mabilis akong nag lakad.
Yumuko pa ako para makaiwas sa mga matang mapanghusga, “Ano ba!? Kanina pa kita tinatawag!” Malakas na pag hila ang nag patigil sa akin sa paglalakad.
“Alam mo bakit? Dahil nakakahiya ang ginagawa mo! Lagi na lang tapos ano? Ako aayos ng gusot mo?” Pagtatanong ko dito.
Ngumisi ito sa akin at nag salita. “Baka nakakalimutan mo na kung hindi dahil sa pamilya ko wala na kayo ngayon?” Tanong nito sa akin. Gusto ko umiyak pero hindi ngayon.
“Bakit nakinabang ka naman diba? Sa katawan ko at sa marami pang iba!” Sagot ko dito at iniwan ko na ito.
“Calteyah! Come back here!” Sigaw nito ng makalayo ako sa kanya.
I need to do something para mawala na siya ng karapatan na hawakan ako sa leeg! Kailangan ko umisip ng paraan!
Ngunit anong gagawin ko? Nag tungo ako sa sarili kong sasakyan at mabilis ko ito pinaandar paalis sa lugar. Hindi ko na kakayanin pa ang mas malalang kahihiyan kung itutuloy ko ang kasal kay David.
Sobra na!
-
HAYES COX FERGUSON
“Anong next step mo?” Tanong ni Tiger sa akin habang naka upo sa harapan katabi si Luigi.
“Hayaan muna natin siyang kumilos,” sagot ko at tinapik ang balikat ni Luigi upang mag maneho na ito.
Umandar naman ito agad at nag salita si Tiger. “Balak mo ba silang gantihan? O balak mo lang mag hintay?” Tanong nito.
“Naiinip ka?” Tanong ko dito pabalik.
“Hey! Relax lang kayong dalawa!” Awat ni Luigi sa aming dalawa ni Tiger.
Imbes na sumagot ako lumingon na lang ako sa labas ng bintana. “Pinaalala ko lang sa’yo ang mission mo.” Malamig nitong sagot sa akin.
“Alam ko ang mission ko, hindi lang ako pwede mag pa dalos dalos pa dahil alam nilang gaganti ako.” Sagot ko dito at tiningnan ko na ito ng malamig.
Uniwas ito ng tingin at hindi na umimik pa kaya ganun din ako. Umiling na lang ako, hanggang makarating kami sa bahay ko.
Ngunit si Tiger nag desisyon na mag pahatid kay Luigi pauwi sa bahay nito, may kalayuan din ang bahay ni Tiger sa bahay ko.
Pumasok ako sa loob at hindi na ako ang abala pang mag tungo sa kusina dahil wala ako sa mood.
Nagtungo ako sa aking sariling silid at doon nagbihis ako muna ng pambahay ko bago ako naupo sa aking couch.
Binuksan ko ang laptop ko at doon ko nakita ang article tungkol sa rumors ng pag atras sa kasal ng pamilya Tate sa mga Mocorro.
Wala pang confirmation ito dahil rumors pa lang, pero sa nakita ko kanina hindi malabo na mangyari ang bagay na ‘yun.
Hindi rin ako umaasa na matatapos agad dito, at hindi rin ako umaasa na titigil na ang David na ‘yun. Yun ang sigurado ako.
Binuksan ako ng hidden files na nasa USB na kinuha ko sa opisina kanina at nilagay ko ito sa aking laptop.
Doon ko bumungad sa akin ang conversation ni Leona Tate at ang bestfriend ni Catleyah na si Monica Lincoln.
Ang alam ko may isa pang kaibigan si Catleyah kung tama ako ang pangalan nito ay Farah. Base sa mga information na nakuha nila Tiger ng makalaya sila ilang taon na ang lumipas.
Ngunit nasaan ang babaeng ‘yun? Ni anino nito ata hindi pa nag papakita? Ngumisi ako at umuling, ang tatlong babae na ito ay puro scheming b*tch.
Binasa ko pa ang ibabang article at doon ko nakita ang nangyari sa restaurant kanina at sa interview. Umiling ako at pinanood ang video kung saan nag tatanong sa akin si Tasia yung babaeng host.
Nakita ko ang reaksyon ng mga tao sa comment na lahat at nagsasabi ng hindi maganda patungkol sa akin.
“Grabe, ang gwapo niya sana kaso r*pist pala siya?” Nabasa ko
“Boo! Dapat paalisin ‘yan sa bansa! Dapat d’yan kinukulong!” Comment pa ng isa.
Sinara ko na ang laptop ko at huminga ako ng malalim, kung galit ba ako? Hindi dahil hindi ko kailangan magalit sa mga taong ito.
Tumayo na ako at nag tungo ako sa aking higaan at bago ako humiga nag tipa muna ako ng text message kay Nanay Andeng na hindi ako kakain.
Matapos nito ay nahiga na ako upang matulog at magpahinga na.
KINAUMAGAHAN maaga ako nagising dahil narin sa katok sa labas ng aking kwarto.
“Hijo, Hayes bumangon kana kailangan mo ito mapanood!” Narinig kong wika ni Nanay Andeng sa labas ng kwarto.
“Okay na, Nay. Gising na ako! Mag hilamos lang ako at lalabas na ako!” Sagot ko at ginulo ko ang buhok ko matapos ko bumangon.
“Anak, buksan mo ang tv matapos mo manood bumaba kana at mag agahan!” Wika ni Nanay.
Napa buntong hininga na lang ako, kahit kailan turing nito sa akin ay parang bata.
“Okay nanay! Maraming salamat!” Pasasalamat ko pero hindi ko alam kung narinig pa nito dahil narinig ko ang mga yabag palayo.
Kinuha ko ang remote ng aking tv at binuksan ang tv nilipat ko agad ito sa news at doon ko bumungad sa akin ang balita.
“Malaking balita ang bumungad sa atin, ang pamilya Tate ay winakasan na ang nababalita na pag kalas at pag atras nito sa business wedding ng taon. Ngunit hindi pa masabi kung ano ba ang dahilan bakit humantong sa ganito.” Bungad na wika ng babaeng reporter.
Naka tayo lang ako habang pinapanood ito at ang mga kamay ko ay nasa bulsa ng aking short.
Nakita ko nanlaki ang mata ng babaeng reporter at agad may lumapit dito na tingin ko ay staff sa news program. May inabot itong papel sa babae na kinuha naman nito at nakita kong tumango ang babae matapos ito bulungan ng lalaki.
Hanggang maayos na ang lahat, mukhang may pumasok na balita kaya agad silang nag ka gulo. Inayos ko muna ang higaan ko matapos ko ibaba ang remote ng tv.
“Ka Papasok lang na balita, ang mga Tate ay nag salita na bakit nila pinuputol ang ugnayan sa pamilya ng mga Mocorro..” putol nito sa pagsasalita hanggang tumingin ako sa tv.
Napa lunok ito at muling nag salita, “Sinabi sa statement ng dalagang si Catleyah Tate. Wala ng kasalanan na magaganap ngunit sinabi ng dalaga na she’s dating Mr. Ferguson. Walang ibigay na ibang detalye tungkol dito.” Wika ng reporters.
Kita ko ang kaba sa babae habang nagsasalita ito, huninga lang ako ng malalim at umiling, pinatay ko ang tv at nag desisyon na akong maligo at upang pumasok sa opisina.
LUMIPAS PA ANG ILANG minuto natapos na ako maligo at eto ako ngayon nag aagahan. “Hijo anong mangyayari ngayon?” Tanong ni nanay sa akin.
“Kailangan masunod ang gusto nilang mangyari, hindi na ako mahihirapan gawin ang plano ko.” Sagot ko at pinunasan ko ang bibig ko at tumayo na ako.
Inubos ko muna ang kape ko at nag salita, “Mauna na ako, Nanay. Yung katulong po na kinuha ninyo kayo na ho ang bahala.” Bilin ko at paalam humalik ako sa pisngi nito at kinuha ko ang briefcase ko at lumabas na ako ng bahay.
Nakita kong naka abang na si Dalton at Luigi na kapwa ay kumakain ng tingin ko ay sandwich na ginawa ni nanay.
“Let’s go..” malamig at mahinahon kong wika at pumasok na ako sa sasakyan ko.
Agad pumasok ang dalawa, “Sir, kailangan niyo ito makita.” Wika ni Dalton at pinakita sa akin ang cellphone nito.
“Photoshop ito na kasama mo si Catleyah sa isang restaurant.” Wika nito.
Kinuha ko ito at tiningnan maigi, binalik ko din agad ito sa kanya, “Hayaan niyo lang sila, mas maganda na sila na nag effort lumapit sa akin ngayon.” Sagot ko at sumandal na ako
Pinikit ko muna ang mata ko bago ako mag salita muli, “Kamusta ang inutos ko?” Tanong ko dito.
“Boss bad news, matagal ng wala sa bansa ang pinapahanap niyo,”wika nito at inabot sa akin ang isang folder.
“Pero ng icheck namin kung kailan ito posible na umalis walang lumabas, hinala namin tinatago ito sa hindi malamang dahilan..” sagot nito
Tumango naman ako at nag salita, “Pasundan niyo si David sa lahat ng oras at okasyon. Sigurado ako na siya mismo mag tuturo sa hinahanap natin..” utos ko dito.
Bumuntong hininga ito at tumango na lang bago ito nanahimik muli. Nang makarating kami sa kumpanya nauna na akong bumaba.
Saktong pag baba ko doon ko napansin ang maraming media, kasunod nito ang pag lapit sa akin ni Catleyah na kina salubong ng kilay ko.
“Hayes!” Naka ngiti nitong tawag sa akin at nang makalapit ito humalik ito sa pisngi ko.
“Mr. Ferguson?” Nag aalala na tawag sa akin ni Luigi, nilingon ko ito at umiling lang.
“Totoo ba ang rumors na nag de-date kayong dalawa Mr. Ferguson? Paano nangyari ito alam ng lahat na ikaw ang r*pist - - -” naputol ang sasabihin pa ng reporter ng hilahin ko si Catleyah palayo sa mga tao.
“Hayes nasasaktan ako!” Pag pupumiglas nito hanggang makarating kami sa loob ng kumpanya ko.
“Ganyan ka ba ka desperada? Ha?! Pati ako na nanahimik na idadawit mo pa sa gulo na ginawa mo?!” Gigil na tanong ko dito. Habang ang dalawang kasama ko naman ay naka tingin lang.
“Hayes please, pwede naman magpanggap kana lang diba?” Tanong ni Catleyah sa akin.
Nag salubong naman ang kilay ko sa sinabi nito, “Panggap? Hinding hindi ako papayag sa kalokohan na ginagawa mo! Mag isa ka na ayusin ito, at ialis mo ang pangalan ko dito kung ayaw mo maraming madamay!” Diin kong pag babanta dito at umalis na ako sa harapan nito.
Malinaw naman sa akin ang gusto nito gawin, pero hindi pa sa ngayon. Alam ko may gagawin pa ito na mas malala para idawit ako.
Ang babaeng yun ay hindi marunong tumigil sa mga gusto niya. Mas lalo kung makikinabang siya at ang buong pamilya nito.
Sumakay na ako sa elevator at nagulat pa ako ng sumunod si Catleyah. “Hayes please be with me muna, may gusto akong sabihin..” humahangos nitong wika.
Tiningnan ko ito at hinayaan ko na ito mag salita. “Kahit sa harap lang ng mga tao, magpanggap ka lang muna na boyfriend ko or what? Please.. hanggang mawala lang yung rumors at tumigil. Hindi na kakayanin ng pamilya ko ang marami pang isyu..” pakiusap at paliwanag nito.
Naka harang dalawang kamay nito sa pinto ng elevator upang hindi mag sara.
“This! Invitation para sa upcoming birthday ni Daddy sabi niya sa akin i-invite kita. Sana makapunta ka.” Naka ngiti nitong wika.
Kinuha ko ito ng iabot niya sa akin ito humakbang ako pa abante. “Wala akong pakialam sa pamilya mo at isyu ninyo. Kayo ang gumawa nyan kayo ang maglinis, idamay mo pa ako at lumapit ka pa sakin? Iisipin ko na ginagawa mo ang dati mo ng gawain. Para iframe up ako ulit..” bulong ko dito.
“Alam mo na walang nangyari sa atin but sinabi mo pa rin sa lahat. Lumapit ka pa sakin? Sisiguraduhin ko na malaki ang kabayaran ng bawat gagawin mo.” Banta ko dito at inalis ko ang kamay nito na naka harang.
Tinulak ko ito ng mahina para lumayo sa pinto hanggang mag sara ito, nakita ko pa ang mukha nito na halatang nagulat sa sinabi ko.
“Pero alam ko na hindi ka titigil..” bulong ko ng mag sara ang pinto ng sinasakyan ko.
-
CATLEAYAH CHLOE TATE
“Bwiset!” Inis kong wika ng maka balik ako sa kotse ko, wala na rin ang media sa labas na naghihintay kay Hayes kanina.
Napa hinga ako ng malalim at nag maneho na ako pauwi sa bahay ko. Mas binilisan ko pa dahil uuwi pa ako sa bahay ng parents ko.
Hindi nag tagal nakarating na ako at agad akong bumaba ng sasakyan. Mabilis akong sumakay sa elevator at pinindot ang pinaka huling numero dahil andun ang penthouse ko.
Nang tumigil ang elevator lumabas na ako agad at nag tungo sa bahay ko, nilagay ko muna ang pin number ko at pumasok ako sa loob.
Saktong nag ring ang phone ko at agad kong kinuha sa bulsa ng suot kong coat. “ Hello, Monica napa tawag ka?” Tanong ko dito at binaba ko ang bag ko sa kama ko.
“Walang hiya ‘yang Ferguson na yan! Sinampahan kami ng kaso? Dahil lumabas ang ilang clip ng video? Sinabi na namin na hindi kami ang may gawa non!” Galit na sagot nito sa akin.
“Okay Sis, calm down hindi ako ang kaaway mo. Inalam mo ba sino nag upload?” Tanong ko dito at umupo muna ako habang inaalis ko ang suot kong heels.
“Hindi nga makuha sa cctv sa loob ng pinag interview-han, nasa madilim na parte ang kumuha ng video. Hinala din namin na sariling kuha ‘yun para lang sadyain ito.” Paliwanag nito.
Napa hinga ako ng malalim, “Mahirap yan malaking tao si Hayes mahihirapan kayo banggain ito.” Wika ko dito.
“Oo sabi nga namin mag babayad na lang kami ng danyos, ngunit wala pa kaming nakukuhang sagot mula sa secretary o lawyer man lang nito.” Sagot ni Monica.
“Cat, have to go usap na lang tayo mamaya!” Nag mamadali nitong paalam, bago pa ako maka sagot ay naputol na ang linya.
Huminga ako ng malalim at umiling na lang, totoong mahihirapan kami kalabanin si Hayes kaya nag desisyon akong pumasok sa buhay nito. Sa ganung paraan magawa ako ma-control ito.
Pero mahihirapan din ako dahil na rin sa alam na nito ang gagawin ko.
O posible kong gagawin. Napa hinga ako ng malalim at kinuyom ko ang kamao ko. “Kung hindi kita makukuha sa pakiusapan? Gagawin ko ang bagay na hinding hindi ka makaka tanggi..” bulong ko.
Lalaki ka parin may kahiyaan ka at yun ang gagamitin ko kahit pa gawin kong pambayad ang sarili kong katawan at kaluluwa ko sa demonyo.
Gagawin ko yun magawa ko lang ang gusto ko.