CATLEYAH CHLOE TATE "Anong wala si Hayes sa Maynila? Kung ganun asan sya?" tanong ko sa kaibigan kong si Bonnie. Kasama ko sila sa restaurant para mag dinner. "Oo, kahapon nakita ko si Hayes naka motor may hinihintay ata ito." sagot ni Bonnie. "Saan naman kaya sila pupunta?" tanong naman ni Monica ngunit nag kibit balikat lang si Bonnie. " Oo nga pala sis? Yung sinasabi mong Elijah? Ano ba ang gusto niya sa'yo? " tanong sa akin ni Bonnie Bumuntong hininga ako bago sumagot. " Tingin ko wala naman, gusto lang niya pumasok sa kumpanya dahil nag hahanap nga ng papalit sa akin muna. Pero bakit ganun nag dududa parin ako? " tanong ko sa kanila sinubo ko ang kinakain kong beef. " Kung ganun nasa delikado ka pa lang sitwasyon niyan? Ay naku bantayan mo ang lalaki na yan! " paalala ni Monica