-
HAYES COX FERGUSON
KINAUMAGAHAN napanood ko sa tv habang nag aagahan ako ang balita tungkol sa pag atras sa kasal ng pamilya Tate sa mga Macorro.
“Sir?” Tawag sa akon ni Luigi ang isa ko pang tauhan.
“Gumawa ka ng paraan para mag away ang pamilya na ‘yan masyadong mabilis ang pagsang-ayon ng plano sa akin..” utos ko dito.
Tumango ito at nag salita, “Naka handa na po ang plan B.” Sagot nito, tumango lang ako at hindi na umimik pa.
Hindi pa oras para ganun ganun kadali na lang nila malusutan ang lahat ng ito. Matapos ko mag agahan umakyat ako sa aking kwarto upang mag bihis ng aking pan-trabaho.
Matapos nito lumabas na ako ng aking kwarto at nag tungo sa labas ng bahay, nakita ko pang nagdidilig ng halaman si Nanay kaya hindi ko na ito tinawag pa.
Sumakay ako sa backseat ng pag buksan ako ni Luigi, pag sakay ni Luigi nag salita ako. “Tumawag na ba sayo si Dalton o si Micro man lang?” Tanong ko dito.
“Sir, wala pa po silang tawag. Sasabihan ko po kayo agad kapag meron na.” Sagot nito, tumango na lang ako at hindi na muling umimik pa.
Tahimik lang ako hanggang makarating kami sa aking kumpanya, “Ibaba mo na ako sa harapan ng kumpanya, tapos sumunod kana bago yun bumili ka ng pagkain mi Mariah panigurado hindi pa kumain ang sekretarya ko. Sa atin din.” Mahigpit kong bilin kay Luigi.
“Okay sir,” sagot nito at ng tumigil ito sa harapan ng kumpanya.
Sumenyas ako na huwag na itong bumaba, binuksan ko ang pinto at bumaba na ako habang hawak ko ang briefcase ko.
Napa lingon ako sa babaeng naka tayo sa tabi ng gwardya ng aking kumpanya. Walang iba kundi si Catleyah.
Lumapit muna ako at ng makita ako ng tauhan ko yumuko ito, “Sir. Nag pumulit siyang pumasok sabi ko hindi pwede kung walang appointment.” Pambungad nitong sumbong sa akin.
“Bumalik kana sa trabaho mo, ako na bahala dito.” Utos ko dito.
Yumuko ito at iniwan na kami ng anak ni Tate. “Anong kailangan mo Miss. Tate?”malamig kong tanong dito.
“Pwede ba tayo mag usap sa opisina mo?” Tanong nito pabalik sa akin.
“Make sure na may kwenta ang sasabihin mo, marami pa akong trabaho..” tiningnan ko ito ng malamig bago ako nag lakad.
“Thank you!” Sagot nito at sumunod na ito sa akin.
Sinenyahan ko ang tauhan ko na kasama ko ang babae sa likod ko. Nang maka tapat kami sa elevator nag salita ito. “Anong floor ang opisina mo? Hindi ako sasabay sayo dahil VIP yan..” tanong nito na kina salubong ng kilay ko.
“No need, ayoko sa lahat nagsasayang ng oras sumabay kana ng matapos na ang pakay mo.” Sagot ko dito.
Pumasok na ako ng bumukas ito nang humarap ako nakita ko itong may gulat sa kanyang mukha. “Make it fast Miss. Tate!” Pag didiin ko na utos ko dito.
“So-sorry!”nauutal nitong sagot at pumasok agad.
Pinindot ako ang 22nd floor o numero at umayos ako ng tayo, “Hayes..” tawag nito sa pangalan ko.
“We’re not close nor friends to call me by my first name. Call me Mr. Ferguson.” Malamig kong paalala dito.
Humarap naman ito sakin na bahagyang kina bigla ko din. “Alam ko naman na malaki ang kasalanan ko sayo, pero pwede ba na kalimutan na lang natin ‘yun? We can start it over right?” Tanong nito at lumapit pa ito sa akin.
“Hindi naman imposible ‘yun diba? Saka mukha naman naka move on kana. Naka laya kana ‘yun naman ang importante diba?” Dagdag nito.
Imbes na sumagot ako tiningnan ko lang ito hanggang tumunog ang elevator, hindi bago sakin na ganun ka bilis dahil express elevator ito.
“May opisina Miss. Tate,” simpleng paalala ko at nauna na akong lumabas.
Sumunod ito sa akin at ako naman ay nag lakad hanggang makita ko si Mariah na nagkakape. “Good morning, Boss nasa opisina na po ninyo ang pure black and no sugar niyong coffee.” Bungad ng sekretarya ko.
“Thank you, wait for Luigi he have a breakfast for you. Eat first and we will go out later!” Naglalakad kong paliwanag dito.
Sumaludo pa ito at ngumiti sa akin. Hinayaan ko na lang at pumasok na ako sa aking opisina, tinted ito at sound proof. “Have a sit Miss Tate.” Aya ko dito at tinuro ko ang upuan sa harap ng table ko.
-
CATLEYAH CHLOE TATE
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at doon ko nakita ang ganda ng kanyang opisina, “Tell me, ano ba talaga ang pinunta mo dito?” Napa lingon ako ng marinig ko ang baritong boses ni Hayes.
Huminga ako ng malalim at umayos ng upo, “De-deretsuhin na kita Mr. Ferguson. About sa offer mo,” putol ko.
Nakita ko itong sumandal sa kanyang upuan at tiningnan ako ng taimtim. Pakiramdam ko hinuhukay niya ang pagkatao ko gamit ang mga tingin na ‘yan.
“Pumapayag kana? Be my wife and i will pay the debt your father,” tanong at sagot nito sa akin.
Napa lunok ako at umiling, “ Hindi kami pumapayag, ayaw din ni Daddy na ako ang maging kabayaran ng pag tulong mo..” sagot ko dito at paliwanag.
“Then leave my office or better say my company.” Malamig na sagot nito at pagpapaalis sa akin.
Nanlaki ang mata ko at tiningnan ito, iniisip ko pwede niya akong pilitin sa gusto niya Takutin man lang o ano, but ito ang ginawa niya.
“Do you really think? Na mag mamakaawa ako at pipilitin ka sa gusto ko mangyari?” Tanong nito at tumayo sa harapan ko.
“Think again Miss. Tate. Gasgas na ang istilo mo, lahat ng ginawa ninyo ng pamilya mo hindi ko ‘yun nakakalimutan. Mas lalo ang ginawa mo..” bulong nito sa mukha ko.
“Yung sagot ko sa sinabi mo kanina? Na kalimutan na ang lahat? Pwede naman, pero hindi ko gagawin..” dagdag nito at lumayo na sakin.
“Umalis kana, bago pa ako mag tawag ng security.” Malamig na utos nito sa akin.
Tumayo na ako at tiningnan muli ito habang nag ta-trabaho. “Hayes. Sana mahanap mo ang pagpapatawad sa puso mo..” wika ko bago umalis.
Nakita kong tumigil ito sa pag tipa, kaya naman napa ngisi ako ng makita ang reaksyon nito. Ibig sabihin kaya ko siya paikutin muli tulad noon.
Nag lakad na ako palabas at sumakay ako sa bukas na elevator may lumabas din doon na lalaki na siyang driver ni Hayes kanina.
Ngumisi ako at pag pasok ko sa loob ng elevator. “Sisiguraduhin ko na mahuhulog ka ulit sakin..” bulong ko.
-
HAYES COX FERGUSON
“Sir, hindi sa nangingialam ako. Anong kailangan ni Miss. Tate dito?” Tanong ni Luigi sa akin. Nilapag nito ang pagkain na pinabili ko.
“Sinusubukan ako nito, iniisip niya siguro na may gusto ako sa kanya. Gusto ko isipin niya ang bagay na ‘yun.” Sagot ko at kumain ako ng salmon sushi na dala nito.
“Ibang klase, kinuha na nila ang lahat sayo noon pati ba naman ngayon?” Tanong nito.
“Hindi sila makukuntento hanggang hindi nila makukuha ang gusto nila, ganun kapag masyado kang gahaman.” Kahulugan kong sagot dito.
Umiling lang ito na parang hindi pa rin ito makapaniwala, kahit sino ganun ang magiging reaksyon mas lalo kung babae pa ang makaka isip na gumawa ng ganito.
MAKALIPAS ANG ISANG ORAS halos tanghalian na rin inaya ko ang secretary ko na kumain kami sa labas, i know she’s pregnant and she’s craving for japanese food.
“Luigi. Puntahan mo si Mariah tell her na kakain tayong tatlo sa labas. “ utos ko kay Luigi at tumayo na ako upang isuot ang coat ko ulit.
“Okay sir,” sagot nito at nauna na itong lumabas. Paglingon ko sa bintana, nakita ko na nag liwanag ang mukha ng secretary ko.
Nangako naman ako sa asawa ni Mariah na kahit secretary ko lang ito, hindi ko ito pababayaan mas lalo at first baby nila ang pinagbubuntis.
Maselan, kinuha ko ang wallet ko at cellphone bago ako lumabas. Paglabas ko nakangiting mukha ng sekretarya ko ang nakita ko.
“Sir, out na rin ang husband ko nag aaya siya, pwede po sumama na lang siya?” Tanong nito sa akin.
Tiningnan ko ito muna saka nag isip, nang maka pag isip ako kumuha ako ng pera sa wallet ko. “Mag date muna kayong dalawa kumain kayo ng maayos. Ito ang pera ayoko maka gambala sa inyo porket ako ang boss mo.” Paliwanag ko at inabot ang five thousand pesos sa kanya.
Napa nganga ito, “kainin mo lahat ng gusto mo, if kulang yan tawagan mo ako agad ako na bahala mag settle,” sagot ko at iniwan ko itong naka nganga. Tinapik ko si Luigi at umalis na kami ng sabay.
Ito ang pumindot ng open button sa elevator para makapasok na kaming dalawa ng maayos, nang makapasok ako agad itong sumunod.
“Matutuwa na naman ang buntis, tuwang tuwa din siya ng ikaw ang gumastos sa kasal niya.” Wika ni Luigi.
“Matagal na sa akin si Mariah, kaya naman sinusuklian ko lang ang pagiging loyal niya sa akin at sa magulang ko.” Sagot ko dito.
Ngumiti naman ito at tumango, tahimik na ako muli hanggang makarating kami sa ground parking. Pag labas ko saktong nasa harapan na rin pala ang sasakyan ko.
“Sir, deretso ba tayo sa location ng subastahan?” Tanong ni Luigi sa akin.
Tumango ako ng hindi umimik pumasok na rin ito ng makapasok ako, mabilis naman nito minaneho ang sasakyan patungo sa location.
“Drive-thru tayo,” utos ko dito, dahil tanghali na at nagugutom na rin ako.
Hindi naman malayo ang pag gaganapan ng subustahan dito, tumigil ang sasakyan sa isang fast food restaurant kung saan may malaking letter M na nakapaskil. Hinayaan ko na si Luigi na mag sabi ng order nito.
Dahil pareho ko naman na gusto ang pinili nito, matapos namin kumain at nang makarating kami nauna na akong bumaba dahil kailangan pa nito ipark ang sasakyan.
Nakita ko si Micro at Tiger na nakasandal sa mga kanya kanya nitong motor. Kumaway ako at agad nag lakad ang dalawa palapit sa akin.
“Sir. Sila po ba ang mga kasama ninyo sa kulungan noon?” Tanong ni Luigi sa akin.
Tumango ako nag pamulsa, “Oo sila din ang tumulong sakin sa lahat ng information na kailangan ko.” Sagot ko dito.
Tumango ito ng marahan, nang makalapit sa amin ang dalawa agad nag salita ako, “Luigi, Tiger and Micro guys Luigi..” pakilala ko sa bawat isa sa kanila.
Nakipag kamay agad si Micro. “Nice to meet you pare, “ naka ngiti nitong wika ganun din si Tiger.
Matapos nilang mag kamayan ay pumasok na kami sa loob. “In 30 minutes mag uumpisa na ang bidding.” Wika ni Tiger.
Tumango ako at hindi na umimik pa, hanggang makapasok kami sa loob. Nakita ko ang mga mayayaman na tao at mga negosyante tao dito.
“Sa taas kayo ni Luigi pu-pwesto para walang maka kita sainyo, kami na ang bahala sa pag bid.” Bulong ni Tiger sa amin.
Tumango ako at hindi na lang din umimik, tinanguan ko si Luigi at humiwalay na agad kami sa dalawang kasama ko.
Agad kong pinakita ng palihim ang inabot sa akin ni Micro na invitation card na maliit lang, pinakita ko ito sa guard na humarang sa amin at agad kaming pinapasok.
“Mula dito makikita at mapapanood natin paano mag bid ang dalawang yan..” wika ko at prente lang akong umupo.
“Hindi lang ba Sir Hayes ang necklace at earring ang habol ninyong item na kailangan niyong makuha ngayon?” Tanong ni Luigi sa akin.
Tumango ako bago mag salita. “Oo may isa pa,” sagot ko dito tumango naman ito at na nood na lang sa baba.
Nakita ko na nag datingan na ang mga tao kaya naman hindi nag tagal nag umpisa na rin ang subastahan. Unang pina subasta ang mahahaling portrait ng isang frances na babae, hanggang sa mga coins na.
Nang hindi nagtagal nilabas na ang pinaka main event ng auction na ito, ang Personalized Blue Sapphire Necklace and Earrings na pagmamay ari ng aking ina.
Worth of 880 million dollars ang halaga nito kung philippine peso ito nasa 48 billion pesos mahigit. Ganun ka mahal ni Daddy si Mommy, nakaya nitong gumastos ng napakalaki.
“This item is worth 880 million dollars. This is the Blue Sapphire Necklace and earrings.. we will start the bid on 2 billion dollars!” Announcement ng lalaki.
Nakita kong nabuwal sa pag kakatayo si Luigi sa narinig niyang presyo, “Totoo ba ito? 48 billion peso?” Hindi makapaniwala nitong tanong sa akin habang nakatingin sa cellphone nito. I think inalam nito ang convert ng item.
Tumango ako, nakita ko na walang nag taas ng kamay nila kaya naman nag taas si Tiger “ 48 billion pesos! I want that!” Malakas na anunsyo nito.
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Leona at Ang ka darating lang na si Catleyah. Ngumisi ako at hinintay na wala ng mag bid hanggang. “Sold for number 7!” Anunsyo nito.
“Sa oras na makuha nila ang alahas hindi nila ibibigay ang pera. Dahil binayaran ko ang utang ng kumpanya nito,” wika ko na kina lingon bigla ni Luigi.
“Ibig sabihin dinaya mo lang sila?” Tanong sa akin nito.
Tumango ako at nag salita. “Don’t worry may makukuha parin silang pakunswelo de-bobo lang,” sagot ko.
Pinag siklop ko ang kamay ko at agad inasikaso ng mga tao ng subastahan si Tiger, tulad ng usapan ibibigay nila ang necklace sa kasama ko matapos aalis na ito.
“Paano kung magalit ang mga Tate?” Tanong ni Luigi.
“Magagalit sila, may malalaman ba sila? Wala kahit isa. Takot lang nila gawin yan kung ayaw nila na isumbong ko sila na ilegal ang ginagawa nilang subatashan.” Sagot ko kay Luigi.
Umiling na lang ito, “Ibang klase talaga ang mga bilyonaryo..” wika na lang nito.
Kung tutuusin smooth exit na ng mga Tate ang ginawa kong ito, dahil kahit hindi nila makuha ang 48 billion pesos makakakuha sila ng halos 5 billion from me.
Hindi pa sila pwede mag hirap ngayon, kailangan pa nilang labanan ako bago sila mag hirap. Kung wala silang pera mas mabilis sa akin ang lumaban.
Kukunin ko parin ang lahat ng meron sila at kinuha nila sa akin, lahat yun kukunin ko. Hindi lang ako ang kalaban nila kundi marami kami.
Handa sila silang lumabas sa oras na mabuko na ang totoong pakay ko bakit ako bumalik.
Paghihiganti sa paraan ko at paraan naming lahat na tinapakan at inapi ng pamilya Tate. Yun ang tunay na layunin ko sa pag babalik ko wala akong pakialam sa masasagasaan ko ang pinaka importante sa akin ang mission ko.
Ang pabagsakin ang pamilyang sumira sa buhay ko at sa mga taong inapo nila. Umiling ako at inalis ang lahat ng panget na naiisip ko kailangan ko mag focus sa main goal ko.
Mahirap ito pero kakayanin ko ito. Naikuyom ko ang kamao ko sa galit ko, hindi ko mapigilan hindi magalit kung pwede ko lang tapusin na ngayon pa lang una pa lang ginawa ko na pero hindi na muna.
Bumuntong hininga ako at umiling para mawala ang nasa isip ko at mag focus ako sa nangyayayri ngayon.