CATLEYAH CHLOE TATE "Kailangan malaman kung sino ang talagang pumi-peste sa pamilya natin!" wika ni Dad. "Kung yan bang Ferguson na 'yan o may iba pa ba?" wika ni Dad ulit. Wala ako sa focus para makipag usap sa kanila dahil sariwa pa sa ala-ala ko ang nangyari sa batang sinapupunan ko. "Sa kwarto lang ako gusto ko mag pahinga." walang gana kong paalam at umakyat na ako. Nasa gitna pa lang ako ng hagdan ng mag salita si Daddy. "Kailangan makasuhan 'yang Ferguson na yan sa pag kitil sa buhay ng apo ko!" "Hindi nga alam kung si Hayes ba ang may kagagawan ng pagkawala ng anak ko o ako mismo!" sigaw ko at padamog na akong umakyat sa kwarto ko. Pabagsak ko sinara ang pinto at hindi ko mapigilan hindi umiyak. Ang anak ko lang ang naging lakas ko kahit hindi ko alam sino ang ama nito at