PROLOGUE
AUTHO’S NOTE;
Alam ko na matagal na po itong tapos pero ito lang po ang gusto kong sabihin. Dahil sa pangyayari kailangan ko ito ilagay sa PTR program hindi ko man po gusto pero kailangan po kesa ipa force delete po sa akin. Nalulungkot ako babawi po ako pangako yan.
-
"Anong kaso mo bata?" tanong ng mayor ng kulungan sa binatang si Cox.
"Balita ko Boss, pinag nakawan daw niyan ang big-time na pamilya sa labas. 10.5 Million pesos at sinabi din na ginah*sa niya yung nag iisang babaeng anak ng pamilya Taté." mahabang paliwanag ng ka-cosa nitong lalaki.
El Mayor ang tawag ng mga nakakulong sa lalaking mataba at malaki ang t'yan, isa siya sa mga notorious na k*ller at hired g*n man.
Malalaki at kilalang tao ang dati nitong ka-transaksyon, nang ito pa ay nakaka-laya pa.
Si General na isa sa mga gumagawa ng bomba, ito ay ang tinatawag na bomb creator.
Micro ang delikado sa grupo dahil kaya nito kumuha ng kahit anong information basta sa maayos na usapan.
"Wa-wala akong kasalanan, inosente ako." naka yukong sagot ng binata. Sumiksik pa ito sa gilid at yumuko.
Tumayo ang lalaking nag ngangalang El Mayor at kinilatis ang binata mula ulo hanggang paa ng lalaki.
"Frame up?" tanong ng lalaking si El Mayor.
Nag katingnan ang mga mag kaka-cosa, gumuhit ang pagtataka sa mga mata ng mga ito. "Mukhang may inosente na naman na pinakulong ang mga Taté. " umiiling at maka hulugan nitong wika.
"El Mayor anong ibig ninyong sabihin?" tanong ni Micro.
Umupo ang nagngangalang El Mayor at nag salita ito, "Magpakabait ka dito sa kulungan, lahat ng gagawin nila sayo na pahirap tanggapin mo yun. Doon ka tatag sa pag laya mo dito," wika nito sa bintana.
"May bago tayong kasama gusto ko maging mabuti kayo sa kanya. Tulungan tayo dito sa Selda Trese, maliwanag ba?" muling pagsasalita ng lalaking may pangalan na El Mayor sa mga ka-cosa nito.
Ngunit ang binata naman ay naka yuko at nanatiling naka siksik sa gilid ng maliit na Selda. Hindi man naiintindihan ng kasama niya ang dahilan bakit mabait ang kanilang amo ay wala silang magagawa kundi sumunod dito.
DUMAAN ANG ISANG BUWAN NG BINATANG SI COX sa loob ng kulungan, nag lalakad ito habang hawak ang kanyang pagkain. Nang may humarang sa kanya na kapwa niya din ay inmate din.
Tinabig ng leader ng mga ito na si Jaguar ang pagkain niya na naging dahilan ng pagtapon nito sa sahig. "Sa isang buwan mo dito sa kulungan bata. Balita ko protektado ka ni El Mayor ah?" mayabang na pag tatanong ng lalaki.
Tinatawag itong Jaguar ng lahat ng ka-cosa nito. " Wa-wala akong alam sa tinutukoy mo.." nauutal na sagot ni Cox.
Ngumisi ang lalaki at isang malakas na suntok ang binigay nito sa sikmura ng binata na kinadaing nito at kina luhod nito.
Yumuko ito sa malamig na sahig at dumura pa ito ng pulang likido. Napa tayo naman ang ka-cosa ni El Mayor ng makita ang dehado ang kailangan ka cosa.
"Umupo kayo.. laban niya yan kailangan niya matuto ipagtanggol ang sarili niya. Dahil walang ibang gagawa niyan para sa kanya kundi siya lang.." makahulugan na wika nito.
Hindi man lang nito bigyan ng tingin o sulyap ang binata at nag patuloy ito sa pagkain ng kanyang tanghalian.
Nakita ng mga kasama nilang inmate kung paano sipain at bugbugin ang bagong salta na si Cox. Kahit pa ang mga gwardya sibil ay walang ginagawa upang mapigilan ito.
Lumingon ang binata sa gwardya na kumukuha ng video kung paano siya saktan ng mga tao na ito.
Doon niya napag tanto na kailangan niyang lumaban na, tinanggap niya ang lahat ng sakit ng bugbog sa kanya ng mga kasamahan niya sa kulungan.
Hanggang may nag salita na kina lingon ng lahat. “Tama na ‘yan! Nakita niyo na hindi na niya kayo labanan pinagtutulungan niyo pa?” Nag lingunan ang lahat ng marinig ang boses ng isang babae.
Nang lumingon ang lahat nakita nila na ito ang inmate sa katabing selda ng binatang si Hayes. “Diba ikaw yung naka kulong sa katabi ng Selda Trese? Ikaw yung asawa na inakusahan?!” Tanong ni Jaguar dito.
“Isyu sa’yo? Get up young man!” Ma otoridad na utos ng babae at tinulungan itong tumayo kahit hirap ito.
“Aba’t gag* ‘to ah!?” Pikon na wika ni Jaguar ngunit tanabig lang ni Hayes ang kamay ng babae.
“I don’t need your help!” Wika ng binata at umalis na lang ito matapos kunin ang kanyang lalagyan ng pagkain sa sahig.
Napa tingin ang babae sa lalaking pa ika ika kung mag lakad palayo sa kanila, umiling ito at tiningnan ng masama si Jaguar umalis ito ng tahimik.
Siya si Agatha inakusahan ng kanyang sariling asawa ng pagnanakaw at pag pat*y sa sarili nitong Biyenan, kaya ito nakulong.
Nang makarating ito sa sariling selda napa hawak ito sa kanyang t’yan. “Kapit ka lang kay mommy, anak ha? Kaya ito ni mommy po-protektahan ka ni mommy kahit anong mangyari..” pag kausap nito sa kanyang anak na nasa loob ng kanyang sinapupunan.
SA KABILANG BANDA nag sasaya ang pamilya Taté dahil sa wakas nasa kanila na ang pera at ari arian ng mga Ferguson.
"Anak Catleyah, huwag mo na isipin ang r*pist na yun. Mabuti 'yun at mabulok siya sa kulungan!" wika ng ama ng dalagang si Catleyah.
Hindi umimik ang babae, mahigpit ang hawak nito sa kanyang suot na dress at pilit hindi lumuha.
Hindi man alam para saan ang luha na 'yun ngunit ang babae lang ang totoong nakaka alam ng totoong rason ng mga luha na yun.
Nag sasaya ang mga tao hanggang mag tanong ang isang lalaki sa dalagang si Catleyah. "Kamusta ka naman hija? We heard and we know everything that man named Hayes Cox Ferguson's r*ped you.. are you alright hija?" nag aalala na tanong ng ka-syosyo ng ama ng babae sa negosyo.
"Yes Mr. Labrador." ngumiti ang dalaga at tumango.
HABANG ANG BINATA ay naka tanaw sa maliit na tv sa labas ng selda nito. Kahit bugbog sarado ang mukha nito at hindi niya ito ininda.
"Siya ba bata ang sinasabi nilang ginah*sa mo?" tanong ni Tiger ang isa sa grupo na magaling kumilatis ng tao
Tahimik ngunit kayang bumasa ng galaw ng mga tao sa paligid nito.
Lumingon si Cox dito at tumango, "Naniniwala ako na nagsasabi ka ng totoo, tingin ko pera mo ang kinuha nila sayo. Sigurado din ako na ginamit nila ang anak niya para gawin ito sa'yo." wika ni Tiger.
Naka higa na ito at tinakpan ang kanyang mata gamit ang braso nito mismo. "Mag palakas ka at mag paka bait tulad namin. Dahil kapag nangyari yun ang habang buhay mong sintensya ay iikli..." putol nito.
Hindi umimik ang binata at pawang nakinig at hinintay ang muling sasabihin ng lalaki. "Dahil makaka labas ka dito sa loob ng dalawang taon o isang taon. Sigurado ako d'yan, ngunit habang nandito ka magpaka lakas ka. Handa kami tumulong sayo kapag mag kaka sama tayong lumabas." mahabang paliwanag nito.
Nanlaki ang mga ng binata sa narinig hanggang napag tanto niya ang sinabi nito. "Huwag ka mag alala bata hindi ka mabubulok dito, tandaan mo ito kahit nasa kulungan ka na maaaring gawin nilang impyerno ang buhay mo dito.." wika ni Micro.
"Ngunit hayaan mo sila, dahil sigurado kami na mag rereport sila sa pamilya na gumawa nito sa'yo. Hayaan mo silang saktan ka bugbugin, dahil sa oras na maka labas ka ibang tao kana." naka ngising singit ni Jaguar.
"Tama sila." wika naman ni Micro at nginitian ang binata.
"Matulog na tayo kailangan pa natin gumising ng maaga bukas upang mag linis ng mga selda!" utos ni El Mayor.
Habang ang binata ay naka yuko habang hawak ang kwintas ng yumaong ina, nag salita ito. "Pinapangako ko, pag babayarin ko silang lahat. Pangako kahit isa wala akong palalag-pasin. Lahat sila sisirain ko at kukunin ko ang lahat ng meron sila.." pangako nito sa kwintas ng ina.
Lumuha man ito ngunit kaunti lang. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Cox ay nakikinig ang kanyang mga ka Cosa.
Ngumiti ang tinatawag nilang El Mayor. Matapos nito humiga na sa higaan niya ang binata at natulog.
DUMAAN PA ANG DALAWANG BUWAN HANGGANG ANIM NA BUWAN.
Tuluyan ng sinawalang bahala ng pamilya Taté ang kaso na sinampa nila, kahit na sinentasyahan ng habang buhay na pag kaka kulong si Hayes Cox. Nagkaroon ito ng pagkakataon na makalaya din.
Dahil na rin sa pinabayaan na ang kaso nito, ngunit walang pakialam si Hayes dito. Gusto niyang manatili sa kulungan hangga't kusa na siyang palayain ng kulungan.
Mahirap man para sa binata ang hindi lumaban sa mga nanakit sa kanya ngunit wala siyang magagawa kailangan niyang tiisin ang lahat.
Habang gina-gamot nito ang pasa at sugat na tinamo mula sa pang bu-bugbog ng mga ka cosa nito.
Malaki ang pinag bago sa katawan ng binata sa nagdaan na anim na buwan. Ang dating patpatin ngayon ay isang maskuladong lalaki.
"Oy mga ka-cosa may libreng tattoo doon oh! Baka gusto niyo!" sigaw ng isang inmate.
Dahil doon nakuha ang kanyang atensyon. "Ikaw Red gusto mo ba?" tanong ni Tiger sa binata.
"Oo sana Tiger, parang gusto ko bahiran ng tinta ang balat ko." malamig nitong sagot.
Nag suot ito ng kanyang damit na kulay kahel bago tumayo. "Mas mainam, tara sabay tayo sunod sunod naman yan bawat selda tatawagin." sagot ng lalaking may pangalang Tiger.
HABANG ANG PAMILYANG sumira sa binatang si Cox o mas kilala bilang si Red sa kulungan ay nanatiling naka tayo. Nanatil din ang pagmama-yagpag ang pangalan sa buong Asia.
Ang hindi nila alam nalalapit na ang pagbagsak ng pamilyang ito. "Cheers to success!" anunyon si Mr. Taté
Ngumiti naman ang mag inang si Catleyah at Leona Taté. "I'm so proud of you anak!" bulong ng ina nito sa kanyang unica hija.
"Thank you Mommy." naka ngiting pasasalamat ng dalaga.
Nag patuloy ang kanilang pag sasaya habang ang taong dahilan bakit sila nasa rurok ng tugatog ay patuloy na ang babayad sa kasalanan na hindi naman nito ginawa.
Ngunit sadyang walang pakialam ang babae dahil na rin nakuha niya ang lahat ng luho niya. Pera, alahas, bag, bahay at sasakyan, gamit ang perang ninakaw ng pamilya niya sa binatang si Hayes Cox.
Nag lakad ang dalaga patungo sa sekretong kwarto ng pamilya at doon tumambad sa kanyang pag pasok ang mga gold bars at limpak limpak na pera.
Kasama ang mga alahas at ang mga furniture na million ang halaga.
Lahat ito ay nakuha ng dalaga dahil sa ginawa nilang agreement ng binata, nang mapa pilit niya itong papirmahin na kapag may nangyari sa kanila at nalaman ng mga tao ito mas lalo ang kanyang ama.
Kukunin ng dalaga ang pera at lahat lahat dito, hindi pumirma ang binata ngunit dinoktor ang mga pirma nito kaya nakuha nito ang lahat lahat.
Hinawakan nito ang mga ari-arian na kinuha nito ng sapilitan. "Hihintayin kitang mabulok sa bilang-guan at sana d'yan kana mamatay sa loob." bulong nito habang naka ngiti.
SA KABILANG BANDA ni konting sakit ay walang pinakitang emosyon ang binata habang dumadaloy ang karayom kanyang balat.
Doon na rin unti unting napansin ng mga kapwa nitong inmate na nag iba na ang lalaki. Nawala ang emosyon ang mga mata ng binata.
"Okay tapos na. Huwag mo muna basain at inumin mo ito kapag bigla kang nilagnat ka." utos ng isang tattoo artist.
"Salamat boss dito." walang emosyon na pasasalamat ng binatang si Cox a.k.a Red.
Tumayo ito at nag lakad palapit sa kanilang tambayan bilang inmate. Sumali din ito sa mga inmate na gumagawa ng parol na gawa sa kawayan.
Ito ang pangunahin nilang kabuhayan habang nasa loob, ibine-benta sa labas upang gawin nilang dagdag sa kanilang pangangailangan sa loob ng bilibid.
"Uy, mga ka-cosa may nasagap akong balita na malapit na daw ikasal ang unica hija ng mga Taté sa isang mayaman na business. Kaso hindi pa opisyal itong na aanunsyo." bulong ng isa nilang ka-cosa.
Habang si Red ay nanatiling walang imik, ngunit sa isip naman nito ay kailangan na niya maka labas dito para sirain ang pamilyang sumira sa buhay niya.
Nang mag gabi habang ang ibang inmate ay tahimik lang upang mag pahinga na. Sa isang gilid naman ay nag babatak ng katawan ang binata.
"Handa kana ba lumabas sa kulungan na ito bata?" nakapikit na tanong ni El Mayor.
"Oo naman, kating kati na ako makalabas dito at balikan lahat ng may atraso sa'kin." walang emosyon na sagot nito.
"Sa sunod na taon lalabas na kami, mauuna kami sa'yo. Hihintayin ka namin matapos ang isang taon pa. Huwag ka mag alala lahat ng kailangan mo naka handa sa paglabas mo." panini guro ni El Mayor sa binata.
"Ako na bahala sa mga information." wika ni Micro.
"Maraming salamat, naipadala ko na sa kanang kamay ko ang bilin ko na patirahin kayo sa isang bahay ko na hindi nakapangalan sa akin bilang Hayes. Doon kayo tutuloy sa loob ng isang taon hanggang maka labas ako." mahabang paliwanag ng binata sa magiging kasama niya.
"Walang problema.." naka ngising wika ni Tiger.
LUMIPAS PA ANG DALAWANG BUWAN nalalapit na ang paglaya ng kasamahan sa kulungan ni Hayes Cox.
Naka tingin lang ang binata sa labas habang nag sasayaw ang ibang inmate dahil sa kanilang morning routine.
Mag exercise sa umaga matapos kumanta ng Pambansang Awit ng bansa. Lumapit si Jaguar at kinausap ito ng masinsinan.
"Magka sabay tayo binigyan ng parol, ngunit kailangan natin maging mabait at huwag pumasok sa gulo. Tama ang ginawa mo na hindi lumaban sa'kin." wika ng lalaki.
Lumingon dito si Hayes at hindi umimik, "Susuportahan kita sa paghihiganti sa pamilyang yun. Ang pamilya na naging dahilan ng pagkamatay ng baby ko at asawa ko. Mag babayad sila!" galit na wika nito.
Bumaba ang tingin ni Hayes sa kamao nito, doon niya nakita ang galit sa kamao ng bintana. "They killed your family?" tanong ni Hayes.
Tumango ang lalaking si Jaguar at huminga ng malalim. " Dahil sa hindi nila nagustuhan ang pag sagot ng asawa ko ng isang beses itong ma late. Buntis na ang asawa ko sa unang anak sana namin, ngunit ang Leona na yun ang tumulak sa asawa ko sa hagdan kaya namatay ang anak namin at ang asawa ko. Dahil na rin sa pamumuo ng dug* sa ulo! Mga wala silang puso!" galit at mahabang kwento nito.
"Kung ganun bakit ka naka kulong?" tanong ng binata dito.
"Ako ang tinuro nila na pumatay sa asawa ko. Wala na ako nagawa kahit anong laban ko, natalo ako. May pera sila mayaman at makapangyarihan." wika nito at yumuko.
Tumango ang binata at hinawakan ang balikat nito. "Mag kita na lang tayo sa address na sasabihin ko, kapag nakalabas na ako. Bibigyan natin ng hustisya ang mag ina mo." wika nito at umalis agad ito at iniwan ang lalaki.
"Hindi ko lang ito laban, laban ito ng lahat ng taong inagrabyado ng pamilyang yun. Kahit maliit talagang dudurugin nila.." putol nitong bulong.
"Kung ganun.. ako na ang mag sisilbing taga singil ng lahat ng kasalanan ng pamilya 'yun sa lahat ng ina-grabyado nila." bulong ng binata.
Bumaba na ito at muling bumalik sa kanyang selda upang mag pahinga. Habang ito ay nag lalakad nakita niya ang palabas sa TV ang pamilyang sumira ng buhay niya.
Naikuyom niya ang kanyang kamao sa galit niya at tiningnan ang pamilyang nag nakaw ng lahat lahat sa kanya. Kahit ang kalayaan ng binata ay pinag kait ng pamilyang ito.
"Babalik ako at sisingilin ko kayo ng malaki, kasama ang interest, malaking malaking interest ang sisingilin ko." bulong nito.
Nakita ng binata paano ngumiti ang babaeng sa harap ng camera. Ang babaeng dahilan bakit nasira ang buhay niya, ang babaeng napaka tahimik at anghel sa harap ng maraming tao, ngunit isang mababang babae din pala.
Ang taong dahilan bakit siya ngayon nasa impyerno.
"Baba din kayo sa laylayan ng lipunan at sisiguraduhin kong kakain kayo ng putik at burak sa gagawin ko sainyo.." bulong nito at umalis na muli.
Dumeretso ito sa kanilang selda, makalipas ang ilang minuto narinig niya ang pag iingay mg security ng bilibid.
"May naka takas daw na inmate!" sigaw ng ibang inmate habang pumasok sa selda nito.
Ngunit wala naman imik o kahit anong reaksyon ang binata ng marinig yun.
MAKALIPAS ANG ISANG TAON..
"Hihintayin ka namin sa labas ka-cosa." wika ni El Mayor at nakipag kamayan pa ito sa binata.
Tinanggap ito ng binata at sumagot. "Salamat, ingat kayo." sagot nitong paalala.
Tumango ang El Mayor at umalis na agad. Bumalik ito sa pag kakaupo sa gilid at pinag siklop ang kanyang palad. "Malapit na.." bulong nito habang naka pikit ang mga mata nito.
"Malapit na ako gumanti." naka ngisi nitong wika.
Siya si Hayes Cox Ferguson, an ex-convict na ninakawan at inakusahan sa kasalanan naman na hindi ginawa.
Biktima ng mga taong ganid sa pera at kayamanan. Mga taong hindi kaya makuntento kung anong meron sila.
Biktima ng mga taong, ayaw mag palamang kahit kaunti sa ibang tao.
Pinagbintangan, pinakulong at inakusahan na isang magnanakaw at r*pist.
Ang taong magbibigay sa mga taong uma-grabiyado sa kanya ng pinakamasakit na paghihiganti. Ang taong handang madumihan ang kamay para lang makuha ang hustisya ng tao.
Ang taong hindi naniniwala sa justice system ng kanyang bansang tinitirhan. Dahil miski ang batas na dapat ay po-protekta sa mga tao at walang laban ay siya pang kayang kayang bilhin ng salapi.
Ang magbibigay sayo ng rason na hindi lahat ng bagay ay kailangan mo umasa sa kamay ng batas. Dahil kung minsan...
Ang batas ng tao ang pinaka magandang ganti para sa mga hindi tao mapang api ng kapwa tao.
Ito si Hayes Cox Ferguson, kilalanin natin ang binatang gaganti sa paraan na alam niya..
---------------------------------------------
A U T H O R ' S N O T E ;
WARNING TRIGGERED AGAD AGAD!
HINDI PO ITO USUAL NA REVENGE STORY OKAY? MAY MARARAHAS AT BR*TAL NA PARTE ANG KWENTO NA ITO.
MGA SALITA NA HINDI DAPAT ILAGAY. HINDI DIN ITO PANG S*XUAL CONTENT OR SPG.
ANG SPG NITO AY PURO SAKITAN AT MARAMI PANG IBA.
AT UTANG NA LOOB PO BAWAL ITONG NAKAWIN.
MAY KR*MEN PO ANG PAGNANAKAW, BAWAL ANG MAMIRATA NG KWENTO. SALAMAT PO!
MARAMI PONG SALAMAT!
Peace out!