24: Prom Date

2918 Words

Suot niya ang gown na binigay ni Robb sa kanya. Muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin habang hawak sa magkabilang gilid ang gown na suot. Halos hindi niya makilala ang sarili sa kanyang ayos. Nakalugay lamang ang kanyang buhok na bahagyang kinulot sa dulo. Naka-make up na rin siya na simple lamang na gawa ng kanyang ina. Para siyang kumikinang sa harap ng salamin dahil sa mga disenyong beads na tila diyamante sa gown na iyon. Ngumiti siya sa harap ng salamin. Nakaramdam siya ng matinding excitement sa gaganaping Prom Night. Ayaw pa sana niyang dumalo roon pero hindi na siya nakatanggi kay Robb na kanina pa naghihintay sa kanya sa may sala. “Ang ganda naman ng anak ko,” tuwang-tuwang sabi ng kanyang ina. Lumapit ito at hinawakan ang kanyang balikat. Tiningnan siya nito sa salamin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD