Unang Kabanata

2129 Words
Desaree Alinea Noong mga bata tayo ay iba't-ibang pangarap ang ninais nating makamit paglaki natin. May gustong maging isang Guro, Chef, Pulis, Sundalo at mga katulad kong gustong maging isang Doctor na walang ibang nais kung hindi ang makatulong at makaligtas ng buhay balang-araw. Hindi naging madali ang pagtupad ko sa aking pangarap pero sa paglipas ng mga taon ay unti-unti ko itong nakamit. Sabi ng iba ay hindi ko makakaya, maraming sumubok na pasukuin ako pero hindi ko hinayaang masira ang pangarap ko ng mga salita nila. Hindi sila naniwalang makakaya ko pero tignan mo kung nasaan ako ngayon. After years of studying medicine and years of practice at pagpipiga ng utak para maging isang lisensyadong Doctor, hanggang sa pagiging isang DTTB o isang Doctor to the barrio. Sa edad na twenty six ay isa ako sa pinakabatang surgeon sa Pilipinas. The people around me didn't believe in me except my family, but I persevered. I used their discouragement to be my encouragement and now... I am officially a DTTB.  I believed in myself when everyone's pulling me down. Palibhasa'y laging nangunguna sa klase at sa edad na disi-sais ay kolehiyo na, lagi akong tampulan ng tuksuhan, inaapi ng mga inggit at sinisipsipan ng iba kong kaklase. Naging biktima ako ng bullying mula elementary hanggang sa kolehiyo kaya naman dinistansya ko na ang sarili ko.  I only have two friends who never judged me, Lou and Tess and they are the best girls in the world for me. "Isang buwan na lang ay aalis ka na." may himig lungkot na sabi ni Mama habang tinutulungan ko siya sa pagluluto isang tanghali. Although they are 100% supportive of me, hindi nila itinagong nangangamba sila sa gusto kong tahaking daan. Tatlong buwan na lang din kasi ang hinihintay ko bago ako pumunta sa Uyugan, Batanes kung saan ako na-destino. Dalawang taon rin akong mamamalagi roon. "Yes, Ma. There's no going back now. Besides, ito naman talaga ang gusto nag-aaral palang ako and now I finally get to be one. `Wag na kayong mag-alala sa akin ni Papa. Makakaya ko ang buhay doon." Pagbibigay assurance ko kay Mama para hindi na siya mag-alala pa. Inilapag niya ang hawak na sandok bago humarap sa akin. "Hindi naman iyan ang inaalala ko. Nag-aalala lang kami ng Papa mo na baka may panganib doon. Ilan na ba nababalitaan kong may napapahamak na volunteer doctor sa malalayong lugar?" bakas sa boses niya ang pag-aalala. Itinigil ko ang paghihiwa ko sa gulay at lumapit sa kaniya at niyakap siya. "Ma… hindi ako mapapahamak. Isa pa, kasama talaga ang panganib para sa isang Doctor saan man kami magpunta, eh. Tiyaka, mas may challenge doon, ayoko dito sa lungsod." pagbibiro ko sa kaniya at bahagyang pinisil ang taba niya sa tiyan.  "Hindi ko maiwasang mag-alala. Alam mo naman mula nang umalis ang Kuya mo at hindi na bumalik pa ay hindi na nawala ang pag-aalala ko para sa inyong dalawa."  "Hay, si Mama. Tama na nga ang dramahan. Mai-stress ka lang. Magiging maayos ako roon, okay?" Hinimas-himas ko ang braso niya at bumalik na sa paghihiwa. Bumalik sa alaala ko ang pag-alis ng Kuha kong si Denver, nang mamatay ang lolo at lola namin limang taon na ang nakakaraan dahil sa isang kaguluhan ay umalis na lamang ito bigla nang hindi nagpapaalam at hindi pa nagpaparamdam. Wala kaming ideya kung buhay pa ba siya o patay na kaya naman oras-oras kung mag-alala si Mama.  "Proud lang ako sa iyo, anak. Habang ang iba ay gustong-gustong mag-trabaho sa ibang bansa at maging isang kilalang Doctor, ikaw naman ay pinili mong maging isang boluntaryo. Mula pa noon ay alam kong magiging isa kang matulunging tao sa mga nangangailangan at sobra akong natutuwa." Ngumiti ako kay Mama bago siya hinalikan sa noo. "Ano'ng magagawa ko? Kahit saan ako magpunta ay talagang nasa masa ang puso ko."  "Boyfriend na lang talaga ang kulang sa iyo." pagkuwa'y biro niya. Natawa naman ako ng bahahya. "Ma, alam mo namang hindi ko priority ang boyfriend dahil mas malakas ang kagustuhan kong maka-graduate at maging isang ganap na Doktor kesa mag-boyfriend."  At hindi ko sila kailangan. Dagdag ko sa isip ko dahil ayaw ko namang mawalan ng pag-asa si Mama sa akin. Paano mo ba sasabihin sa Mama mo na wala kang balak mag-asawa at magkaroon ng anak?   Naiiling-iling na lang si Mama. "Hindi kita huhusgahan dahil bilib ako sa'yo. Nagawa mong makapagtapos at makamit ang pangarap mo. Mabuting hindi ka nagaya sa akin na maagang nabuntis at walang natapos."  "Ma naman." reklamo ko. "Kaya nga ako nagsikap kasi gusto kong ako ang magtuloy ng pangarap mo na hindi mo nagawa noon." Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa mukha. "Iyan naman ang pinagpapasalamat ko." "SO, YOU'RE telling me na pumunta roon on behalf of you? I will look him over, tell him my findings and give it to you?"  "Yes! That's it! I knew---" I cut her off immediately. "Moira!"  I heard her sigh from the other line. "I know, Doc Alinea pero ikaw na lang kasi ang malalapitan kong may oras. `Yung iba may hawak na. Please? Just this once. Hindi mo naman siya bubuksan at ni hindi mo siya hahawakan. Importante ko kasi siyang pasiyente at hindi puwedeng lumipas ang araw na ito na hindi siya nasisipot,  because that man has a patience of a freaking baby's pinky toe. God, pasalamat siya at gwapo siya." litanya niya na ikinaikot ko na lang ng mga mata. Doctor Moira used to be one of my colleague at isa na rin sa masasabi kong kaibigan, hindi nawala ang communication namin sa isa't-isa at ngayon nga ay isa na siyang ganap na physician. I'm known as an outcast Doctor, walang pakikisama, hindi palakaibihan. Ngunit si Moira ang isa sa makukulit na tao na isiniksik ang sarili sa akin hanggang sa lumambot ako sa kaniya.  "Walang makakaalam?" walang tiwala kong paniniguro. "Yes! I will not tell a single soul besides ako na ang nanghihingi ng pabor. Kilala mo naman ako, `di ba? Kung hindi lang may sakit si Lolo ay magagawa ko naman ito." may halong pangongonsensya niyang sabi. I sighed. "Okay. Just this once. " "Yes! Maraming salamat, Doc Alinea. Tatanawin ko itong malaking utang na loob." "What's the name of your patient again?"  "…wait, Lolo's calling me. I'll just text you the address and the other deets, okay?"  "Okay."  Pinutol ko na ang tawag at ibinalik sa bulsa ko ang cellphone ko at pumasok sa loob ng isang donut shop na paborito kong puntahan. Dahil walang pila ay dumiretso na ako sa counter para um-order. Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa menu dahil kabisado ko na ang mga ito sa pagiging suki ko rito.  "One iced cold coffee and one---" "One chocolate donut please." a voice beside me cut me off.  Iritable akong tumingin sa sumingit at gano'n na lamang ang gulat ko nang magkatinginan kami ng lalaking kinababaliwan ng mga kaibigan ko. Sire Jensen Austere. It's a wonder why I still remember his name and his face after two months. And now that he's in front of me, malapitan ko nang nakikita ang gwapo niyang mukha and I hate to admit it, pero kung sa malayo ay gwapo na siya, sa malapitan ay nakakatameme nga pala ang taglay niyang kagwapuhan. Strong jaw with little stubbles, a scar on his eyebrow,  deep set of eyes and a pointed nose. I also noticed a small twin mole on his left eyelid which I find to be so attractive.  Nang magbalik ang paningin ko sa kulay chocolate niyang mga mata, ay doon ko lang napansin na pinagmamasdan niya rin ang kabuoan ko na parang ina-analyze ang bawat feature ng mukha ko. And that's when I looked down. Wala naman kasing espesyal sa mukha ko. Isa lang ako sa maraming boring and plain ang pagmumukha. Ano ba ang espesyal sa singkit na mga mata na namana ko sa tatay kong may lahing chinese? Ilong na bahagyang malaki ang butas, mga labing laging mariing nakasara na parang laging makikipag-away.  "Sir, Ma'am?" Tumingin kay Ate na mukhang naiinip na.  "Sorry po kung naputol ko ang titigan contest niyo pero isang chocolate donut na lang po ang available. At dahil mas nauna si Miss---" "Are you kidding me? I said it first." the giant beside me said irritably. Pagkuwa'y bigla siyang parang tutang umamo. "Miss, I will have a miserable day kapag hindi ako ang pinagbilhan mo, so please."  Miserable agad?  Mukha naman na-hi-hypnotize na si Ate sa charm ng katabi ko kaya sumingit na ako. "Ako ang mas nauna kaya ako ang dapat na bigyan mo, Ate. Ako ang nakapila at sumingit lang siya." Turo ko sa higante at tiyak kong lalong nanlisik ang mga mata kong singkit.  Kung akala niya ay ipapakita ko sa kaniya na apektado rin ako ng s*x appeal niya, pwes nagkakamali siya. No one steals my donut and gets away with it. "May iba pa naman po kami---" "No!" sabay pa naming sabi. Sinamaan ko siya ng tingin at ganoon din siya sa akin. "Miss, bigay mo na sa akin ang donut or else magre-reklamo ako ng special treatment sa manager mo."  Ayoko mang takutin si Ate ay hindi ko kakayanin kapag hindi ko nakain ang piece of heaven ko ngayong araw.  "`Wag po, Ma'am! Sige po sa inyo na la---" "Call the owner and I will f*cking buy this whole coffee shop."  Napanguso ako at iginilid ito, isang mannerism na nagagawa ko kapag may tao o bagay akong kinaiinisan. "Can't you just give it to me?"  "I'm sorry but no." "Please?" "No." "Be a gentleman?" "Kiss me and I might." Doon na umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo ko sa katawan. Tama ako! This man is nothing, but a p*****t! "Sa'yo na! Sumakit sana tiyan mo." tinalikuran ko na sila at mabigat ang loob na isinuko ang donut ko. Napansin kong nakatingin pala sa amin halos lahat ng customer kaya naman nakaramdam ako ng hiya. Baka mamaya ay makakita na lang ako ng video ko sa f*******: na nakikipagtalo dahil sa donut!  That… that skittles ruined my day.  On my way to the address Moira gave me, pinag-aralan ko rin ang files na naka-attach sa e-mail na pinadala niya. Wala namang seryosong sakit ang pasyente niya pero regular itong nagpapa-check up. Ang nakakapagtaka lang ay bakit walang pangalang nakalagay. Paano ko hahanapin ngayon itong taong ito? Ipinarada ko ang kotse ko sa harap ng isang Boutique Hotel na "Tavin" na may apat na palapag. I think I've heard it before pero hindi ko maalala kung saan. Pagpasok sa loob ay gumanti naman ako ng bati sa mga empleyado kahit pa medyo nawala ako sa mood dahil hindi ko nakain ang paborito ko. I have to remain composed and profession. Huwag ko lang talagang makikita ang Sire na iyon. Lumapit ako sa counter at magalang naman akong sinalubong ng receptionist. "Hello, Good morning, Ma'am. How may I help you?"  "Yes. I'm Doctor Desaree Alinea and I'm here on behalf of Doctor Moira Reed."  Sandali niyang tinignan ang computer at tumango. "Yes. For the CEO's monthly check up? Punta na lang po kayo sa office niya." "Top floor?" "No, Ma'am. Kanan lang po kayo sa pinakadulong corridor at makikita niyo ang isang pulang pinto sa dulo."  "Okay. Thank you." Tipid akong ngumiti at naglakad na. Habang naglalakad ay napapatango-tango na lang ako sa paligid. May touch ito ng Paris kaya naman romantic tignan.  Katulad ng sinabi ng Receptionist ay dumiretso naman ako sa pinakadulong corridor, at pagkanan ko ay agad kong nakita ang pulang pinto. Paghinto ko sa tapat ng pinto ay nakalagay ang salitang "Tavin" dito. Siguro ay ito ang pangalan ng may-ari? I knocked twice and waited. Nang marinig ko ang isang, "Come in." ay pinihit ko ang seradura at pumasok na ako.  Bumungad sa akin ang isang elegante at magandang opisina. Marahan akong napasinghap habang inililibot ang paningin sa paligid at hindi ko na nagawa pang isara ang pinto dahil sa sobrang pagkamangha ko. May iba't-ibang klase ng suits at necktie na iba't-ibang disenyo at kulay. Maayos itong nakadikit sa dingding. Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay isang napakagandang gown sa gitna ng opisina. Eleganteng-elegante ang design nito at mukhang ito ang pinakamahal sa lahat. Ang nakapagpalambot sa puso ko ay ang disenyo nito. Para bang punong-puno ng pagmamahal ang pagkakagawa nito. It's the color of rose gold. Sa kinatatayuan nitong estante ay nakaukit ang mga salitang "Selina".  "Selina means heaven."  Napaigtad ako nang biglang may magsalita sa likuran ko at nang lingunin ko para tignan kung sino ito ay ganoon na lamang ang gulat ko. How many times do I have to see this man?! Is this what they call fate or destiny?  Facepalm. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD