Kabanata 28

3368 Words

"Galathea?" Napasapo si Cecilia sa kanyang mukha bago napailing. Narinig na niya ang pangalan 'yan. Nasabi na 'yan ni Agos sa kanya. Galathea, ang Prinsesa ng mga Lucan, ang kanyang ina. Rinig niya na iyon ang pangalan na sinabi ni Agos sa kanya noon kaya halos manghina siya. "Si Galathea ang iyong ina." "Hindi.." napasapo siya sa kanyang mukha at napailing.  "Oo mahal na Princesa, hindi po ako magsisinungaling sa iyo. Saka hindi pa ba malinaw? kamukhang kamukha mo ang iyong ina, hindi mo 'yon ma-akila." Pakiramdam niya ay nanlalamig ang kanyang mga palad sa pilit na pinapahiwatig nito.  "Hindi maari.." para siyang mawawalan ng malay mabuti na lang ay nasalo siya ng babae at agad siyang inalalayan at iniupo sa may kama. "Mahal na prinsesa anong nangyayari sayo? Maayos ka lang ba?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD