"Sino ka?!" Hindi ko siya hahayaan na makuha ako. Kahit tila ayaw patalo ni Agos ay hindi ako papayag kaya bago pa man siya makasagot sa tanong ko ay agad kong siniko ang sikmura niya pagkatapos ay mabilis na umalis sa ibabaw niya.
"Aray! P*tangina!" Sigaw nito na halos mamalipit siya habang sapo-sapo ang kanyang tiyan. Binilisan ko pa ang pag-kilos ng pilit siyang tumayo at hinawakan ang binti ko.
"Bitawan mo ‘ko!" Hindi niya halos bitawan ang paa ko.
"Hindi ! Hindi pwede!" Ah hindi pwede ah? Tinandyakan ko na naman siya kaya mas lalo siyang napangiwi.
"Cecilia!" Tawag niya pa sa akin nang makawala ako mula sa pagkakahawak niya.
"Cecilia, saglit lang!" Napalinong ako at nakita ko siya na nag pantalon habang nakatutok pa rin ang baril na hawak niya sa direksyon ko “Cecilia!"
"Hindi mo ako mahuhuli! hindi!"
Kinuha ko ang kwintas ni ina mula sa cabinet na nasa gilid, wala akong balak na dalhin maski na isang gamit maliban doon. Wala na akong pakialam kung naka hubo’t hubad man akong tatakbo sa labasan. Kailangan ko na matakasan si Agos. Hinarangan niya ako ngunit tumakbo ako ng mabilis hanggang sa marating ko ang terrace akmang tatalon na ako ng bigla kong marinig ang putok ng baril niya. Napangiwi ako ng makita ang braso ko na duguan. "s**t"
"Cecilia!" Binaril niya ako, ginawa niya iyon ibig sabihin talagang hindi ko siya mapagkakatiwalaan dahil may balak talaga siya sakin na masama. Gusto niya akong patayin. Walang hiya ka talaga Agos! ngayon nagsisisi na ako na nagpadala ako sa mga kasinungalingan mo.
Mahigpit niyang hinawakan ang dagger sa kanyang kamay at ibinato iyon kay Agos
"Putangina!" Gulat na wika nito ng bumaon iyon sa kahoy di kalayuan sa mukha niya. Sinadya niya iyon pero kung tutuusin kaya niya itong patamaan mismo sa mukha. Kaya niyang patayin ito ngayon din pero hindi niya ginawa.
Matalim niyang nginitian si Agos bago hinawi pa ang kanyang buhok at tumalikod dito, “Magkikita pa tayo Agos! Magtutuos pa tayong dalawa!”
Hindi alintana ang sakit na nagmula sa kaliwang braso niya ay tumalon pa rin siya sa bintana. Ikinagulat iyon ni Agos lalo pa at napakataas ng palapag kung nasaan sila. Agad niyang tinungo ang Terrace at napatingin sa ibaba, Doon niya nakita si Cecilia na dire-diretso ang pagbagsak. Halos kumabog ang dibdib niya, nawala naman iyon agad lalo pa ng sa huling palaag ay napakapit si Cecilia sa Grills ng Terrace. Tumingin pa ito paitaas sa kanya bago nginitian ulit siya bago muli bumitaw. Dumausdos ang katawan niya sa damuhan ng garden pero nagawa niya pa rin tumayo. Hindi siya pwedeng sumuko ngayon, hindi siya pwedeng mahuli ng binata dahil tiyak dadalhin siya nito sa mga lugar ng mga Lucan.
"Cecilia!" Rinig niya ang sunod-sunod na tawag ni Agos mula sa ika-sampung palapag. Ngunit hindi niya iyon pinansin bagkus mas binilisan niya pa ang pagtakbo. Walang lingon-lingon siyang tumakbo papasok sa masukal na kagubatan makatakas lang kay Agos.
***
Halos manghina ang binti ni Agos, kaunti na lang ay sa mukha na niya babaon ang dagger ni Cecilia. Ang bilis ng mga galaw nito, para siyang napako sa kinatatayuan niya at hindi halos makagalaw, pakiramdam niya ay humiwalay ang kaluluwa niya sa kanyang katawan sa ginawa nito. Sunod ay walang takot ito na tumalon sa bintana.
Walang hiyang babae ‘yon! wala siyang damit, ni kahit na anong saplot sa katawan.
Agad niyang itinaas ang pantalon kita niya ang nakahubad na si Cecilia na tumatakbo papalayo.
"Cecilia!" Lumingon ito at ipinakita ang gitnang daliri sa kanya.
P*tangina nag-i-isip ba ‘yon?! Wala na rin siyang nagawa kundi talunin ang terrace ng bawat palapag. Agad niyang sinundan ang direksyon na tinungo nito. Hindi ito lumingon kaya hinabol niya ito.
Dire-diretso lang siya hanggang sa nakita niya ito na iika-ika ang takbo, halos balutan na rin ng dugo ang buong balikat nito. Nais niya lang takutin ito ng paputukin niya ang baril ngunit gumalaw ito dahilan para matamaan ang balikat nito. At ngayon mukhang nanghihina na ito sa dami ng dugo na nawala sa kanya. Kaya kailangan niya talaga na mahuli ito.
“Cecilia! Tawag niya ulit sa ang pangalan nito, nang marinig siya ay muling bumilis ang takbo nito. Parang wala talagang balak si Cecilia nahuminto, hanggang sa tuluyan na niyang hindi nakita kung saan ito sumuot.
"s**t!" Ang sukal-sukal sa gubat, ang dilim-dilim papano ‘kong bigla na lang atakihin ng mabangis na hayop ‘yon at mapagkamalan siyang lumpiang hubad?.
"Cecilia!" Sigaw niya muli habang sinusuyod ang madilim at masukal na kapaligiran. Pinapakiramdaman ang paligid pero bukod sa kuliglig at ingay ng mga ibon sa gabi ay wala siyang narinig mula kay Cecilia.
Dapat talaga ako ‘yong pumaibabaw eh, para ‘di nakawala. T*ngina talaga!.
Napahawak siya sa sikmura niya, ramdam niya pa rin ang malakas na pwersa mula sa pagkakasiko ni Cecilia. Na sa tindi nito para siyang tinadyakan ng kabayo.
May pagka engkanto ata ang babaeng ‘yon. Napailing-iling na lang siya sa nangyari. Hindi siya makapaniwala na natakasan siya nito. Bumalik siya sa Silid sakto naman ay sumalubong sa kanya ang kaibigan na si Khal
"Agos, any problem dude? nakarinig ako ng baril. T*ngina bakit ka naka hubad?"
.
"Nakatakas siya,"
"Sino?" tanong pa nito.
"Si Cecilia, nakatakas siya."
"Ah yung chicks mo?" Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan.
"Gago, hindi ko chicks ‘yon!"
"Talaga ba? eh anong connect bakit ka nakahubad?" Napailing na lamang siya bago naupo sa isang bench sa labas ng hotel, wala na siyang magagawa.
Pinaglihi yata sa cheeta ang babaeng ‘yon, napaka-bilis tumakbo at natakasan siya.
"Hinabol mo ba ng maigi?" Tanong pa nito na tila natatawa dahil hinihingal siya. Tinutukan niya ito ng baril kaya mas lalong natawa ang kaibigan niya.
"Ang init ng ulo mo brad, first time ata may makatakas sayo ah? Ano ba pinag ga-gawa niyo?"
"Malapit na Khal eh. Malalaman ko na talaga ‘kung sino siya. Kyng anong pakay niya pero t*ngina palpak," Napasapo siya sa kanyang mukha pagkatapos ay naiinis na napailing.
"Baka naman kasi nag pa-obvious ka o kaya naman talagang dinaan mo sa santong paspasan kaya ayon. Ganito na lang ako na lang ang hahabol. Baka nandiyan lang yan sa paligid. ‘Di niya ako kilala kaya malamang pag nakita ko siya ‘di niya ko tatakbuhan. Ano ba kulay ng damit niya?"
Muli siyang napasapo sa mukha niya at pinakatitigan ito.
"Ano bro? ano kulay ng damit niya nang masimulan na ang retrieval operations?" Pang-aasar pa nito sa kan’ya.
"Gago! anong retrieval operations?" Galit na wika niya sa kaibigan.
"Kasi nga sabihin mo na damit niya, t*ngina bro ang dali-dali lang eh,"
"Wala siyang damit," mabilis niyang sabi kaya mas lumapad ang ngiti ng kaibigan.
"Ay! Sabi na nga ba! dinaan nga sa santong paspasan!. Iba ka talaga! Ano magkaka pamangkin na ba ako sa inyo?"
"Gago! hindi ako nakikipag biruan Khal ah,"
"Joke lang naman, sige ako na maghahanap." Nakakaloko pa itong ngumiti na tila may masamang binabalak. Kaya kinuha niya ang isa mga bato sa landscape at ibinato yun sa kaibigan, mabuti na lamang ay naka-ilag ito.
"Manyak mo, gago!"
"Uy, concerned sa chicks niya," Pang a-asar pa nito kaya mas lalong nakaramdam siya ng inis.
"hindi ko nga siya chicks!!"
"Eh anong tawag mo sa pinaspas mong hot chicks pala?"
"Khal!"
"Brad may joke ako, ano tawag sa pinas-pasang chicks, tapos tumakbo?"
Sinamaan niya ito ng tingin kaya napahalakhak ang kaibigan. "Edi chicks to go!"
"Gago!"
"Joke lang, sige na ako na maghahanap sa girlfriend mo, promise ‘di ko ‘yon mamanyakin," Napasabunot siya sa kanyang ulo bago tumayo.
"Ako na bahala, alam ko kung saan ko siya hahanapin,"
"Para ano? Hanapin o manyakin?"
"Gago!" SIigaw niya kay Khal kaya napatawa nanaman ito.
***
Suot ang damit na hindi niya alam kung kanino dahil hinablot niya lang iyon kung saan. Nagtago pa siya sa isang truck ng mga gulay makabalik lang ng Maynila. Kanina nga habang nasa truck siya ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari. Hindi pa rin niya lubos maisip kung bakit hindi man lang niya napansin na kalaban pala si Agos. Na hindi pala totoo ang mga inakala niya sa binata, na sinadya nito at pinlano ang lahat para lang makuha siya.
Akala niya mahal siya ni Agos. Akala niya sa wakas ay nakahanap siya ng lalaki na mapagkakatiwalaan niya, na makakasama niya.
Napabuntong hininga siya ng marinig na may kumakanta ng kantang Isang Linggong Pag-ibig. Madalas iyon ang pinapatugtog ng landlady sa apartment na inuupahan niya.
"Lunes, ng tayo'y magkakilala, martes ng tayo'y muling magkita, miyerkules nagtapat ka ng iyong pagibig, huwebes ay inibig din kita"
Napalingon siya sa babae na nag-lalako ng mga bulaklak. Feel na feel pa nito ang kinakanta tila pinapataaman siya.
"Biyernes ay puno ng pagmamahalan, ang mga puso natin ay sadyang nagaawitan, sabado ng tayo'y nagkatampuhan at pagsapit ng lingo giliw ako'y iyong iniwan"
T*nginang isang linggong pag-ibig na ‘yan. Wika niya sa kanyang isipan.
"Ale bili ka na ng flowers! mas fresh pa ‘to sa mga pangako niya, sa mga matatamis na salitang binitawan niya sa’yo," Sabi pa nito ng may malawak na ngiti sa kanya.
"No thanks ‘te, walang poreber pati yang bulaklak mo malalanta lang ‘yan," Aniya bago tuluyan ng umalis.
Habang naglalakad siya halos paulit-ulit yung kantang isang linggong pag-ibig sa utak niya kaya yung mukha niya halos hindi maipinta.
Bwisit na buhay ito!. Kung nag-tagal pa yung relasyon namin malamang siya na talaga ang pinili ko. Na malamang tuluyan ko ng tinalikuran ang misyon ng dahil sa kanya. Kasi ano pang saysay ‘di ba? kami na lang ang lumalaban ni Gab para sa angkan, nasaan sila? wala na ‘di ba? para saan pa pagbubuwis ng buhay namin? Eh ‘kong maguumpisa kami, kasama ang taong mamahalin namin baka pwede pa.
Ako, at si Agos. Tapos si Gabriella makahanap din ng lalaking mamahalin niya. Na masaya lang at maging tahimik na ng tuluyan ang buhay namin.
Pero kalokohan lang pala ang mga iyon, masyado ko lang pinaniwala ang sarili ko na may pag-asa pa na takasan ang tungkulin ko.
Tama si Gab, dapat nag-focus ako eh. Dapat wala akong ibang inisip kundi ang misyon ko sa angkan na to.
Tulala si Cecilia habang naglalakad papasok sa headquarters nila ni Gab. Pinindot ang code sa pinto at agad namang nagbukas, akmang tatawagin na sana niya ang kaibigan ngunit napansin niya ang nag-kalat na gamit sa sala na tila hinalughog ang buong silid.
Nakaramdam siya ng kaba. Nangingibabaw ang takot para sa kaibigan. hinahanap niya ang mga nakatagong armas pero wala na ang mga iyon. Napa-iling siya ngunit may naalala siya na itinago niya sa ilalim ng tiles sa ibaba ng lababo. Hindi naman siya na-bigo dahil nandoon pa ang baril. Kinuha niya iyon bago sinuri ang buong kabahayan.
Halos lahat ng sulok ay hinalughog, bukod sa mga nakakalat sa sahig ay nagkandabasag din ang mga gamit. Ang mga vase ng halaman ay na sa sahig, pati na rin ang ilan sa mga appliances nila. At nang makasiguro siya na walang tao sa bahay ay agad niyang tinawag ang pansin ng kaibigan.
"Gabbi!" Ngunit walang sumagot sa kanya. Tinungo niya ang silid nito, gulo-gulo rin ngunit nakatawag ng pansin niya ang sirang pinto ng banyo nito. Dali-dali siyang pumunta roon at halos manghina ng makita ang nag-kalat na dugo sa sahig.
"Hindi!" May mga bakas ng paa, kamay na alam niya mula kay Gab pero wala roon ang katawan nito. Napailing siya , hindi niya napigilan ang luha na kumawala sa mga mata niya sa bagay na sumagi sa isip niya.
Hindi pwede, pilit niyang pinalakas ang loob. Ayaw niyang sumuko, dahil nararamdamn niya na buhay ang kaibigan. Malamang ay kinuha ito ng mga kalaban nila.
Sinuyod niya ang bahay para makahanap ng clue na maaring iniwan ni Gabbi. sa kanyang paghahanap ay doon niya napansin na nawawala rin ang mga alahas na nakuha na nila. Bukod sa baril na hawak niya ay nawala rin ang mga armas na pinakatatago nila ni Gab. Mga documento na matagal nilang itinago na tungkol sa mga Lucan, pati na rin ang vault ay wala ng laman.
Napamura siya bago napasapo sa mukha. Wala ng naiwan sa kanya. Paano niya masisimulan ang misyon sa paghahanap sa kaibigan kung wala siyang armas at pera. Hindi na niya alam ang gagawin, napa-upo siya sa malamig na sahig ng banyo pilit na pinapakalma ang sarili, nag-iisip ng mabuti kung ano ba ang dapat niyang gawin. Hindi rin siya pwedeng magtagal dito dahil malamang babalik ang mga tao sa likod ng pagkawala ni Gab.
Iniisip niya kung papaano natunton ng mga Lucan ang lugar na ‘to, samantalang matinding pag-iingat ang ginawa nilang dalawa na hindi masundan sa tuwing may misyon sila.
Malamang si Agos. Tama si Agos, siguro matinding pag-esespiya ang ginawa niya sakin para lang mahanap ang lugar na ‘to. Na siguro sinadya niya na dalhin ako sa Tagaytay dahil alam nito na roon ang susunod na misyon ko. Na aatakihin ko sila at habang abala ako sa Tagaytay kasama siya, doon naman niya sinabi sa mga kapwa niya ang tungkol sa headquarters para atakihin ito. Na kinuha niya ang pansin ko para lang mawala sa isipan ko ang misyon ko. Tumungo siya sa lababo para mag-hilamos para mahimasmasan. Ngunit nagtaka siya ng mapansin na walang tubig. Napatingin siya sa main switch ng tubig at nakasara iyon.
"Sinadyang isara," Akmang bubuksan niya iyon ng mapansin na hindi maayos ang takip ng likuran ng toilet. Hindi niya alam pero kinukutuban siya na gawa iyon ni Gabbi. Inalis niya ng tuluyan ang takip at hindi nga siya nagkamali dahil nandoon ang cellphone ni Gabbi. Naka-sealed iyon sa isang ziplock at nakalubog sa tubig. Kinuha niya iyon at tinanggal sa plastic. binuksan at narinig niya ang mga recording ng huling tawag ni Gab sa kanya.
Lucan nga ang nasa kabila ng pagkawala ni Gabriella.
"Mahal na pinuno," muling pumasok sa isipan niya ang itinawag kay Agos noong gabing iyon.
Si Agos nga ang may gawa ng lahat ng ‘to!
"Magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo sakin Agos! magbabayad ka!"
***
Bumalik si Cecilia sa dati niyang apartment. Hindi siya pwedeng magtagal dahil alam niyang alam ni Agos ang lugar na ito pero kailangan niyang balikan ang mga tinago niya sa apartment. Ang huling pera niya naririto rin kaya kahit mapanganib ay tumuloy siya.
Maari kasing nalaman na ng mga Lucan ang mga account nila at kapag sinubukan niyang kumuha ng pera ay matunton siya ng mga ito. Hindi pwede ‘yon dahil kailangan niyang iligtas si Gab, hindi pwede na pati siya ay makuha nila.
Ini-angat niya ang kutson sa kama para tignan ang bag niya. Ngunit sunod-sunod na mura lumabas sa bibig niya ng makita na wala ng laman iyon. Nang makita niya pa lang kanina ang butas ng screen sa bintana medyo kinabahan na siya pero kampante siya na hindi matutunton ang mga itinago niya pero nagkamali siya.
Tinignan niya rin lahat ng pinagtaguan niya sa bawat sulok ng apartment pero nawala na rin ang mga itinago niya doon
"Putakte! lahat talaga nilimas," Bulalas niya pa pagkatapos ay napaupo siya sa silya. Iniisip niya kung nanakawan siya o kasalanan nanaman ni Agos ito.
"T*angina, Agos!" Para siyang bata na nag-ta-tantrums at nangapapadyak pa sa sahig.
"Agos, Hinayupak ka!"
"Yes? hanap mo ko love?" Nanlaki ang mata niya ng marinig ang boses nito. Agad siyang napalingon at hindi nga siya nagkakamali dahil nasa likuran niya si Agos na nakangiti sa kanya. Aatakihin niya sana ito ngunit huli na. Tinakpan nito ng panyo ang ilong at bibig niya. May kung anong gamot na nakahalo roon dahil naamoy niya iyon hanggang sa unti-unting nan-labo ang paningin niya.
"Na-miss kita" wika pa ni Agos habang nakatingin kay Cecilia na ngayon ay wala ng malay.
***
Pinagmasdan niya si Cecilia na mahimbing na natutulog habang nakatali ang kamay at paa nito sa apat na sulok ng kama niya. Hinaplos ang pisngi nito at saglit pang hinawi ang buhok nito na nakatakip sa mukha ng dalaga. Sadya talaga ang kagandahan nito, napaka natural at hindi nakakasawa.
Napansin niya ang i-ilang pasa sa mukha nito, gasgas at galos na malamang nakuha nito mula sa pag-talon sa bintana at pagtatago sa gubat noong gabing ‘yon.
Ginamot niya iyon pati na rin ang sugat sa braso nito. Mabuti na lang talaga at daplis lang ang tinamo nito at hindi napuruhan. Ngunit alam niyang bugbog na ang katawan nito dahil na din sa matinding pagtakbo, pati mga paa nito ay may sugat pa kasi. Pinunasan niya si Cecilia bago binihisan, buti na lang matindi pa rin ang effect ng pampatulog na inilagay niya sa panyo kundi malamang talagang babaon na sa mukha niya ang dagger nito.
Napangiti siya, akmang aalis na siya ng biglang gumalaw ito. Pinagmasdan niya si Cecilia na onti-unting dumilat at ng tila marealized nito na siya ang kaharap ay agad itong napabalikwas. Nanatili naman siyang nakangiti ng onti-unting gumuhit ang inis sa mukha ni Cecilia. Inis ng mapansin na nakatali siya sa kama nito.
"Pakawalan mo ‘ko, g*go ka!"
"Paano kung ayaw ko?" Sagot ni Agos habang may pilyo na nginitian ito. Nag-umpisa si Cecilia na kumawala mula sa pagkaka-tali sa kanya pero matibay ang mga tali na inilagay ni Agos.
"Papatayin kita!"
"Papaano? Eh nakatali ka sa kama ko,"
"Gago ka talaga! Saan mo ko dinala?!"
"Nandito tayo sa mansion ko, walang nakakaalam nito maliban sa akin at sa kaibigan ko. Walang sino man ang pwedeng makahanap sa ‘yo rito,"
Sinamaan siya ng tingin ni Cecilia at nagpipiglas sa higaan.
"Walang hiya ka! Manloloko ka! Paksyet kang pa-fall ka hayop!" sigaw niya kaya umupo sa tabi niya si Agos. Galit na galit talaga siya, lalo pa at parang pinaglalaruan din siya nito ngayon.
"Hindi ako pa-fall,"
"Anong hindi?! Sinandya mo ang lahat kasi gusto mo kong mahuli! Sinungaling ka!" Pagsisigaw niya pa kay Agos kaya lumapit ito. Kamuntikan na siyang kagatin ni Cecilia kaya napangisi.
"Hindi ako pa-fall okay? Kailangan ko lang isaayos ng mabuti ang plano ko Cecilia, kailangan ‘kong gawin ‘yon,"
"Eh gago ka pala eh!" sigaw ni Cecilia bago mas pinakatitigan si Agos "Gago ka gago ka!" Onti-unting pumatak ang luha niya, "Pinaasa mo ‘ko na may ta ‘yo! Pinaasa mo ako na gusto mo ako, na may lalaki na nagmamahal sa akin. Na may lalaki akong pwedeng mahalin! Pinaniwala mo akong gusto mo ko!"
"Gusto nga kita" Seryosong sagot ni Agos sa kanya.
"Tangina mo! Hanggang ngayon napaka-sinungaling mo!, nabisto na na ‘tin ang isa't isa pero ikaw napaka-paasa mo pa rin Agos!" Napatahimik si Agos habang hindi pa rin inalis ang tingin kay Cecilia na umiiyak.
"Gago ka! Nahulog ako sayo! Ibinigay ko sayo lahat, naniwala ako na may gentleman sa mundo!"
"Cecilia, lalaki ka ba o babae? I mean pwede naman na dati kang lalaki tapos nagpa-opera di ‘ba? Napaka-natural ng katawan mo," Tanong niya kaya mas lalong gumuhit ang galit sa mukha ni Cecilia.
"Tangina mo! Pagkatapos mong namnamin yung dede ko at magpaputok sa loob ko iniisip mo na retokada ako?!"
"kasi ---"
"gago ka ba? Sa mga oras na ‘to baka nga nag-bunga yang pagpapasabog mo! Halos mabuntis mo na ako tapos ngayon nagtatanong ka kung babae ako o lalaki? E pano kung totoo?. Tapos ganoon pa ginawa mo sa ‘kin?. Paano kung napahamak ‘yong bata? Paano kung nawala ‘yong bata? O kaya naman dahil sa nangyari sa kalye kame pulutin ng anak mo! Na wala akong maipakain sa kanya? Na halos mamatay na kami sa gutom. Napakawalang kwenta mong ama!" Nanggigigil na sabi nito kaya napakunot ang nuo ni Agos.
"The f*ck?,"
"Sa dami ng sinabi ko ‘yan lang kaya mong isagot ha?"
"Hindi sa ganoon. Kasi ganito ‘yan, kailangan ko munang malaman kung sino ka nga ba bago ako makapag paliwanag sa ‘yo’'
Muli, nag-pipiglas si Cecilia "Hindi ko sasabihin kung sino ako,"
"I need to know who you are, Cecilia please sabihin mo sa akin kung sino ka,"
"Utot mo!" Matigas na wika nito kaya napa-sapo si Agos sa mukha niya.
"Kailangan ko malaman kung sino ka talaga para magkaintindihan tayo," Pag-kumbinsi niya kay Cecilia ngunit ayaw makipag kasundo nito.
"Wala akong sasabihin sa ‘yo! Patayin mo na lang ako!"
Napabuntong hininga si Agos at inalis ang ang damit niya kaya nanlaki ang mata ni Cecilia. Napatingin ito sa mga nakagapos niyang kamay at paa sa kama bago natuon ang pansin sa pumuputok na abs ni Agos
"Hoy anong gagawin mo sa‘kin?" Hindi sumagot si Agos at patuloy na inalis ang pagkakabutones sa pang-itaas niya. Habang si Cecilia naman ay patuloy ang pag-piglas at itinitikom ang legs niya "G*go ano gagawin mo sa ‘kin!"
"Huwag kang magalaw"
"Syet! Gago ka! Pananamantala ito!" wika pa ni Cecilia ngunit natigilan siya ng biglang tumalikod si Agos at halos manlaki ang mga mata niya ng makita ang Marka nito sa likuran.
"Titigan mong mabuti,"
"A-Ang marka mo," Nauutal siya, maski siya nagtataka. Naguguluhan, hindi makapaniwala sa iisang markang meron silang dalawa .
"B-Bakit ka may gan’yan?"
"Ikaw? Bakit ka may ganyan Cecilia? Bakit may marka ka rin ng tulad ng sa akin?"