Napasapo si Cecilia sa kanyang ulo ng siya ay magising. Napatingin siya sa paligid at napansin na nasa bahay na pala siya . Madilim na sa labas dahil nakikita niya ang madilim na kalangitan mula sa maliit na bintana nila. Anong nangyari? nag punta lang siya sa restroom pagkatapos nilang kumain ni Agos ng mangyari ang insidente. Tila bumalik sa ala-ala niya yung takot at ginawa ng mga lalaki na ‘yon. Ngunit nang maalala niya ang mukha ni Agos nang iligtas siya nito ay agad siyang napangiti. "Agos," napatingin siya sa sarili niya at napansin na iba na ang kanyang suot na damit. Kung kanina ay sira-sira na ang suot niya ay naka tshirt siyang malaki. Malamang ay kay Agos iyon lalo pa at amoy na amoy niya ang pabango nito. Akmang tatayo na sana siya sa higaan ng biglang lumabas mula sa ban